ATY7

1.8K 48 4
                                    

Chapter 07

Trixx:

Masaya akong makita na nag ienjoy at natutuwa si Kyle sa mga surprises ko. Ilang araw ko din itong pinagplanuhan. At ang final surprise ko sa kanya

"Kyle hindi to engagement ring. This is a promise ring. Ang singsing na'to ang simbolo ng aking pagmamahal sayo at nangangako akong mamahalin ka ng buong katapatan. Sana tanggapin mo ito bilang patunay na ako ay tinatanggap mo na sa iyong buhay. Handa ka na bang tanggapin ako bilang iyong kasintahan at karamay sa buhay?" Kinakabahan ako. Parang huminto ang oras ang tagal nyang sumagot.

"Trixx masyado naman atang mabilis." Malunay nyang tugon. Pinag saklob nya sa kanyang mga palad ang aking kamay. "Baka nabibigla ka lang o kaya naooverwhelm sa mga nangyayari. Hindi pa ako handa sorry."

"It's okay." Naiiyak ako pero pinilit ko pa ding ngumiti. "Siguro nga. Please accept this as my gift to you."

Syempre may Plan B ako. Kinuha ko ang jewelry box na itinabi ko at nilabas ang isang white gold na kwintas.

"Matiyaga akong mag aantay kung kailan pwede mo nang isuot ito." Inilagay ko ang singsing na parang pendant sa kwintas at isunuot sa kanya.

"Just give me more time Trixx."

"Naiintindihan kita, let's enjoy the night." Pilit kong pinasaya ang boses ko para 'wag lang masira ang date namin. "Para sa'tin." Tinaas ko ang aking wine glass

"For us, cheers!" Tinaas nya ang kanyang wine glass at inuntog sa wine glass ko. Sabay naming tinungga ang laman.

"Trixx maliligo lang ako magpapahinga na tayo okay?" Sabi nya nang maubos na namin ang isang bote

"Sige tawag na lang ako ng magliligpit ng mga to."

Kinuha nya na ang kanyang mga gamit at pumasok na ng banyo. Ako naman sinindihan ko ang mga scented candles sa gilid ng aming kama. Orchid and lavender scent. Paglabas nya naamoy nya ang hangin sa paligid napangiti sya.

"Ako naman." Paalam ko, na ako din maliligo muna.

Paglabas ko natutulog na sya tumabi na lang ako at niyakap sya mula sa likod. Sumiksik sya lalo sakin kaya hingpitan ko ang yakap ko.

"Goodnight i love you." Sabay halik sa ulo nya.

"Goodnight din." Sagot nya.

Kinabukasan linggo pagkatapos namin magpasalamat kay Tito. Tumuloy na kami. Dumalo muna kami ng misa sa Manaoag Church bago bumyahe pauwi. Hindi ko man nakuha ang hinahangad kong "Oo" masaya na akong makitang naging memorable ang first date namin kasi sobra kaming ng enjoy.

"Baby i miss you." Pagdating sa bahay si Xian agad ang pinuntahan nya. Niyakap nya ito na parang matagal na panahon silang nagkahiwalay. "Kamusta buong araw mo kahapon anak?"

"Hindi po kami lumabas papa nanuod lang po at dito lang po sa loob naglaro. Diba sabi nyo po wag po akong lalabas."

"Ang bait talaga ng baby ko masunurin." Pinukpok nya ng halik ang bata. "May pasalubong kami ni Tito sayo."

Bumaba ako ng upo at binigay kay Xian ang isang box ng smidget donuts na binili namin sa daan favorite daw nya kasi. Ini-hug at kniss ako ni Xian sa cheeks. Ang sweet talaga ng batang to kagigil.

Pagbalik ng Maynila. Back to normal na naman dating gawi bago magday off dun ako sa kanila hanggang sa araw nang pasok ko.

"Sir pwede po ba ako magpalit ng schedule ng day off." Paalam ko sa boss ko. May-ari sya ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko sya na din kasi ng mamanage.

"Oh bakit naman. May lakad ka ba sa linggo?" Pang uusisa ng boss ko

"For good na yun Sir, family day po kasi yun."

"Ah kaya naman pala. Akala ko ba single ka." Tanong nya pa

"Yung sinasabi ko po sa inyo dati na inaantay ko po. Nagkabalikan na po kasi kami eh." Paliwanag ko.

"Ah buti hindi pa nakapag asawa." Dugtong pa nya.

"Opo. Ano na po Sir approved na po ba?" Ulit ko sa unang tanong ko.

"Sige approved bawi ko sa sipag at tiyaga mo dito sa restaurant ko. Malakas ka sakin eh." Sarkastikong sagot nya

"Salamat po Sir."

Kyle:

Simula nang pagbalik namin ng Maynila. Isang linggo nang hindi pumupunta sa bahay si Trixx sa cellphone lang kami nag uusap.

"Hindi muna pala ako makakapunta ngayon nagpalit na kasi ako ng day off." Text nya sakin

"Ah okay sige." Reply ko. "Just beep me kung kailan ka pupunta."

"Sige i miss you." Text back nya. Hindi na ako nagreply.

Sabado ng gabi. Pumunta sya, si Xian agad kinarga nya. Noong mga nakalipas na linggo bini-baby nya masyado si Xian.

"Hi baby. I miss you." Naglalambingan ang dalawa.

"Hindi na yan baby si Xian big boy na yan diba anak?" Putol ko sa lambingan ng dalawa

"Opo." Tugon ni Xian. "Big boy na po ako Tito." Nagsisimula na naman sila.

"Xian anak magpahinga muna si Tito later na ang kulitan okay?" Saway ko.

"It's okay nakawala nga ng pagod eh yung may kinukulit." Pagrarason ni Trixx

"Akin na yang bag mo magbihis ka muna." Seryoso kong sabi kinuha ko yung bag nya at dinala sa kanyang kuwarto. Sumunod sya.

"Nagseselos ka ba samin ni Xian?" Nagulat ako sa tanong nya.

"Huh? Bat naman ako magseselos anak ko sya." Sinara nya ang pinto

"Yun nga ang point ko anak mo sya hindi mo kailangan mag alala na may isa pang tao na magbibigay ng pagmamahal at pag aaruga sa kanya. Besides sooner or later magiging parte na ako ng pamilya nyo."

"Pinagtatalunan ba natin ang anak ko?" Diniinan ko ang pagkakasabi sa huling dalawang salita.

"Pakiramdam ko kasi ayaw mong mapalapit ako kay Xian."

"Bat ko naman gagawin yun?" Naguluhan ako sa inaasal nya. "Napaka sensitive mo wala ibig sabihin ang sinabi ko gusto ko lang magpahinga ka muna magbihis kasi kakarating mo masama ba yun? Concern lang kasi alam ko galing ka pa ng work." Nainis na din ako.

"Sorry na." Natauhan sya sa sinabi ko. Niyakap nya ako. "Sorry namiss ko lang kayo." Hinigpitan nya ang yakap nya hinalikan nya ako sa puno nag tainga.

"Okay na yun." Tinapik ko sya balikat. "Magbihis ka na at maghapunan, tapos na kami." Utos ko

"Sige sunod na ako."

Lumabas na ako ng kuwarto nya at pinaghanda sya ng hapunan. Tulad ng sinabi nya sumunod na rin sya.

"Doon na ako kakain." Ang tinutukoy nya sa sala. Bitbit ang plato na may lamang pagkain naupo sya sa tabi ni Xian na nanunuod ng tv. "Tapos ka na ba kumain Xian."

"Opo tito Trixx tapos na po." Sagot ng bata

Ako man naupo na din muna pagod na pagod ako ngayong araw pinagday off ko kasi si Nanang kaya ako ang lahat ng gawaing bahay. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising ako nang maramdaman ko lumapag ang katawan ko sa malambot kong kama.

"Sana ginising mo na lang ako." Napabalikwas ako ng upo."

"Okay na pinatulog ko na anak natin. Tulog na din tayo." Paglalambing nya sabay pwesto ng higa sa tabi ko.

"Oooops!" Mabilis kung binalagbag ang aking paa sa hihigaan nya. "Diba may sarili kang room?"

"Ngayon lang please." At nagpacute pa.

"Behave ah." Babala ko

"Hug lang saka kiss." Sagot nya

"Matulog na tayo."

Magkayakap kaming natulog. Sa isip ko bukas din ibibigay ko na ang matagal nyang inaantay na "Oo" ko.

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon