ATY13

1.4K 38 2
                                    

Chapter 13

Rain:

Getting to know each other ang saya ng usapan namin. Lumalalim na ang gabi hindi namin namamalayan ang oras may mga tama na din kami patuloy lang kami sa kuwentuhan.

"Oh sya papasok na mga matatanda ah hindi na namin kaya magpuyat." Paalam sa amin ng mama ni Kyle.

"Sige kung gusto nyo pa mag inom marami pang beer sa loob." Sabi ng papa nya. At sumunod na din ito sa asawa nya.

"Saglit lang may kukuhain lang ako babalik din ako agad." Paalam din ng ate nya.

"Ikaw Paul saan gf mo?" Tanong ni kuya.

"Hindi pa po pwede eh. Magtatapos daw muna ng pag aaral sabi ni papa."

"Mabuti yan. Eh ikaw tol? Nagdadrama ka ah. Mukhang may pinagdadaanan ang utol ko." Inakbayan ako ni kuya.

"Ayos lang yon kuya wala naman sakin yon."

"Nahihiya ka lang eh i kuwento mo sakin mamaya."

"Wala na yon kuya tapos na." Alibay ko.

🎵🎵Sa pagtibok ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip isip ko hindi ko mahinto ang pintig ng puso.
Ikaw ang pinangarap ngarap ko
Simula ng matanto na balang araw pipintig ang puso.🎵🎵

Si ate Malou lumabas itong sinasabayan ng pagkanta ang pagtugtog nya ng gitara. Acoustic version ng Ikaw ni Yeng Constantino. May hidden talent din pala ito.

"Yon oh." Si kuya Trixx.

"Woooh!" Sigaw ni Kyle sabay palakpak ng malakas. "Iba talaga pag nalalasing lumalabas ang talent."

🎵🎵Ikaw ang pag ibig na hinintay puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na.

Ikaw ang pag ibig na binigay sa akin ng Maykapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag ibig ko'y ikaw

Humihinto sa bawat oras ng tagpo ang pag ikot ng mundo
Ngumingiti ng kusa aking puso

Pagkat nasagot na ang tanong
Nagaalala noon kung may magmamahal sa 'kin ng tunay🎵🎵

"Tribute ko sa inyo yan kapatid. Hahaha." Sabi nito kay Kyle pagkatapos kumanta. "Oh sino susunod magrequest na kayo."

"Pwede ba pahiram din ako." Sabi ko.

Sinimulan ko ng pagtugtugin ang gitara. Sa chorus ko na sinimulan ang pagkanta.

🎵🎵Kung alam mo lang kaya
Ang tunay na nadarama
Nanaisin mo pa bang lumayo sa piling ko
At kung alam mo lang sana
Kailanma'y di mawawala
Ang pag-ibig ko sayo lagi nasa puso ko🎵🎵

Yan ang mga linyang gusto kong sabihin sayo Kyle. Bakit ba kasi sayo pa?

🎵🎵Pipilitin kong itago ang lahat ng ito
Ngunit patuloy kong tanong
Kailan kaya magwawakas oh ito🎵🎵

Wala akong magagawa kundi sarilihin ito. Hindi ko alam kung paano magmomove on. Sana lang makahanap ako ng taong papalit sayo dito sa puso ko.

🎵🎵Kung alam mo lang kaya
Ang tunay na nadarama
Nanaisin mo pa bang lumayo sa piling ko
At kung alam mo lang sana
Kailanma'y di mawawala
Ang pag-ibig ko sayo lagi nasa puso ko.🎵🎵

Pinilit kong huwag maluha hanggang matapos ko ang pagkanta.

"Tol masyadong madamdamin yon ah muntik na akong maiyak." Biro ni kuya. "Kapag ready ka na kuwento mo na lang sakin."

Isang mapait na ngiti lang ang tinugon ko sa sinabi nya

Kyle:

Tanghali na kami nagising kinabukasan

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon