ATY4

2.2K 49 6
                                    

Chapter 04

Kyle:

Paglabas ko ng office isang familiar na mukha ang nag aantay sakin sa labas.

"Ang aga mo naman wala kang pasok." Tanong ko kay Trixx.

"Meron nag undertime ako."

"Sira ka talaga pwede naman mamaya after work mo. Sayang ang buong araw mo."

"Para sayo stress reliever." Sabay abot sakin ng paper bag

"Anu to?" Napangiti ako nang masilip ko ang laman iba't ibang klase chocolates. Cudberry, hersheys, toblerone, ferrero rocher at isa piraso ng red rose yun ang nakaagaw ng pansin ko. Ang corny lang. "Thanks." Sabi ko. Thanks pa din kesa wala nag effort na nga yung tao eh.

"Basta ikaw." At inabot sakin ang isang helmet. "Kilala mo na to dibah?" Ang tinutukoy nya ang motor nya

"Hindi."

"Ah hindi ba. Si pegasus pala partner ko yan sa byahe."

"Trixx pwede ba dumaan muna tayo ng palengke."

"Your wish is my command." Pabiro nyang sagot

Ang naiisip ko kasing lutuin ngayong gabi sinigang na sugpo isa sa mga paborito ni Trixx. Tulad ng dati sa tuwing dinadalaw nya ako sa boarding house ko. Parati ko syang pinagluluto kaya sa dalas ng pagdalaw nya nakabisado ko na yung mga pagkaing gustong gusto nya. Maliban sa mga sangkap na gagamitin ko sa sinigang bumili na din ako ng mga prutas apples, oranges, grapes, pineapple, at saging. Saging ayan paborito naming dalawa. Pagdating namin ng bahay naabutan ko si Xian nanunuod ng tv, si nanang josie naman naglulupi ng natuyong nilabhan. Dali dali akong sinalubong ni Xian. Hahalik sana sya.

"Dirty pa si papa anak galing ako ng palengke eh wash lang si papa okay?"

Tango lang ang sagot ni Xian. Si Trixx naman pinaghugas ko muna bago makipaglaro kay Xian. Over protective talaga ako pagdating kay Xian. Pagkatapos ko maghugas nagkiss lang ako sa baby ko at nagsimula nang magluto.

Trixx:
Dahil hindi ako mapakali sa work nagpasya akong mag undertime. Pinayagan naman ako ng boss ko. Dumaan muna ako ng sm para makapamili ng pasalubong. Sinakto kong uwian nila. Nag antay na lang qko sa labas ng office nila. Maya maya nakita ko na syang palabas. Niyaya nya akong mamalengke muna. Ipagluluto nya daw kasi ako. Wala pa rin nagbago sa pagtrato nya sakin kumpara dati parati nya akong pinagluluto.

Maganda ang bahay na inuupahan ni Kyle malawak kahit bungalow lang. May tatlong kuarto. Nalibot ko kasi pinaghugas ako ng kamay ni Kyle Kumpleto din sa gamit. Pinakilala ako ni Kyle kay Aling Josie bago dumeretso sa kusina. Habang nagluluto sya nilaro ko muna si Xian. Medyo nahihiya pa nga yung bata sakin.

"Xian halika nga." Tawag ko sa bata

"Yes tito Trixx?"

Pwede ba daddy na lang sa isip isip ko. Assuming lang eh noh.

"For you."

Binigay ko na ang mga pasalubong ko kay Xian. Chocolate chip cookies at gummy chewy candies, common kiddie favorites.

"Alin ang gusto mo na una nating kakainin?"

Inabot nya ang isang balot ng gummy bears kaya binuksan ko na at binalik sa bata. Magkatabi kaming naupo sa sofa habang nanunuod ng tv.

"Tito Trixx thanks po pala dun sa toy na bicycle." Maya maya sabi sakin ni Xian.

"Your welcome babyboy." Sabay gulo sa buhok ng bata. "Nagustuhan mo ba?"

Tango lang ang sagot sakin ni Xian.

"May gusto ka pa bang ipabili kay tito?"

"Wala na po."

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon