ATY15

1.5K 44 0
                                    

Trixx:

Simula nung bumalik kami ng Maynila napakaabala na ni Kyle. Nalulong na sya masyado sa trabaho. Nakakamiss lang yung pag aalaga nya saka yung presensya nya. Buong linggo sya nagpakabusy heto naman ako nagdadamdam na kasi di nya man lang ako bigyan ng konting time nya. Haixzt. Nangingibabaw pa rin pagmamahal ko sa kanya. I work hard to have him hindi ako dapat ngayon susuko.

Para makatulong sa kanya ako muna nag aasikaso kay Xian. At doon pumasok ang ideya ko, panibagong gimik para sa mahal ko.

"Good morning daddy Trixx, where's Papa?" Si Xian.

Obligadong bata nakaligo na ito at nakabihis. Bilib ako sa pagpapalaki ni Kyle sa batang toh.

"Good morning Xian. Nasa work na si Papa. Ako muna pansamantala maghahatid sayo sa school. Okay lang ba?"

Tumango lang ito bilang sagot.

"Oh sige mag breakfast ka na."

"Sabay ka na po daddy Trixx."

"Sure."

Pagkatapos namin kumain naghanda ng ako ng dalawang breaktime snack. Isa para kay Xian at isa para sa special someone ko. Baka masyado nagpabugbog sa trabaho at di na makaalalang kumain. Nagdikit ako ng sticky note sa box ng cookies at brownies na ibibigay ko kay Kyle. Bigla ko na lang naisip na subukan ko kayang maging secret admirer nya. Dyan nagsimula ang araw araw kong pagpapadala ng food sa kanya. Caring to your love with a twist. Tamang tama nalalapit na ang monthsary namin isusurpresa ko na naman sya.

"Mahal may secret admirer ako."

 May pag aalalang sabi nya sakin. Gabi nun at patulog na kami. Ilang araw ko na ring ginagawa yung sekreto kong pagpapadala ng pagkain nya.

"Uhuh? Tapos?"

Di ko alam kung ano isasagot ko sa kanya natatawa ako na ewan sa reaksyon nya.

"Pinapaalam ko lang sayo."

"Kinikilig ka naman?" Hindi ko mapigilang usisain kung effective ba ang gimik ko.

"Hindi ah natatakot nga ako baka sya pa maging problema natin kaya nga pinagbibigay alam ko na agad sayo. Baka hindi nya alam na taken na ako."

Sabagay may point din sya dun. Oo nga naman. Mukhang sa halip na pakiligin ko at matuwa ang mahal ko mukhang pinag alala ko pa. But there's no turning back baka masira diskarte ko sa monthsary namin.

"Ayan ah last day na ng leave ko baka naman kumerengkeng ka." Banat ko para di ako mahalata.

"Wow huh! Ngayon pa ba ako kekerengkeng may anak na ako."

"Kelan naman date nyo ng admirer mo?" Gatong ko pa.

"Hindi na aabot sa date kasi sa oras na magkita kami sasabihin ko na hindi na pwede pamilyado na ako."

Naks! Pumalakpak tenga ko dun ah. Sana kasama ako sa sa bumubuo ng pamilya na sinasabi nya. Hehehe.

"Ang loyal naman ng mahal ko. Pakis nga." Pinaghahalikan sya kili-kili.

"Ano ba? Matulog ka na nga."

Natatawang naiiritang saway nito sakin. Sige na nga pass muna sa paglalambing ramdam ko stress sya at gusto nya nang magpahinga kaya tumigil na din ako.

"Ito naman naglalambing lang. Sige na nga goodnight na."

Isang mabilis na halik sa labi ang sinagot nito sakin bago pumikit.
____________________________________

Ilang araw pa ang dumaan patuloy lang ako sa ginagawa ko kahit may pasok na  ako hindi pa rin naputol ang pagbibigay ko kay Kyle.

"Kuya pasabay naman po ako sa *** Bldg. Filinvest iwan mo na lang po sa reception alam na nila yan."

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon