ATY16

1.6K 41 9
                                    

Chapter 16

Trixx:

Dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari. Mabilis namin naming tinapos ang dinner namin sa restaurant na yun. Yung sana ay isang romantic dinner date ay na-spoil at naging isang ordinaryong hapunan nyo sa labas. Katahimikan sa pagitan naming dalawa. Habang kumakain nag-iisip ako ng plan B. Dati rati naman sa mga plano ko always may plan B bat ngayon di ko nagawa. Siguro dahil masyado akong maging kampante. Tutal nailabas ko na rin naman sya susulitin ko na mahirap kaya syang ayaing lumabas.

"Tapos ka na?"

"Yup!"

Ngumiti sya ng tipid.

"Tara labas na tayo."

Hindi ko na syang hinayaan sumagot hawak ko sya sa kamay at mabilis na hinila palabas sa lugar na yun. Mahirap ipilit kung hindi nya feel ang ambiance ng lugar better find another place. Sumakay ulit kami ng taxi. Wala akong maisip na lugar.

"Saan kayo sir?" Tanong ng driver.

"Uhmmmmm... sa... Market-Market na lang po." Bahala na si Batman.

"Okay ka lang?" Tanong ni Kyle sakin.

"Oo. Ikaw okay ka lang?" Balik ko

"Yeah! Im good."

Hinalikan ko sya sa bumbunan nasa likod kami naka upo nakaakbay ako kay Kyle at nakahilig naman ito sa balikat ko.

Naalala ko yung panahon na nagroadtrip kami galing alabang hanggang pasig at north. Feel ko yun ang pinaka unforgerable moment namin. Yung pag may madaanan kami pwedeng makainan nagdadrop by kami. At nauulit iyon ngayon. I mean gusto kong maulit yun ngayon.

Muling bumalik yung MU pa lang kami. Yung magkadikit yung braso at balikat sa bus nakapikit parehong nakikiramdaman kung sino ang magfifirst move. Hehehe. Napapangiti akong alalahanin ang mga sandaling yun. Pero walang nagfirst move sa amin. Tapos yung palabas pa sa bus nun cartoons yung Wall-E nakakainlove ang story ng palabas na yun. Story ng isang lumang garbage collector na robot at yung advanced robot na ginagamit for research.

"Naalala mo ba to?" Tanong ko sa kanya.

"Yung alin?"

"Yung nagroadtrip tayo."

"Ah... oo yung pumunta tayo ng Pasig."

"Oo. Hindi ko malimot ang araw na yun. Doon ko napatunayan sa sarili ko talagang inlove na ako sayo." "Naalala mo si Wall-E?"

"Uhuh! Yung palabas habang nasa byahe tayo."

"Alam mo sinearch ko pa talaga yun sa google para maidownload ko. Kasi hindi natin natapos yung palabas. Ganda kasi ng story."

"Magandang huwaran si Wall E kasi talagang pinaglaban nya si Ava kahit alam nya mahirap. Umabot pa sa punto na itataya nya yung buhay nya para sa mga pangarap nila ni Ava."

"Napanuod mo din pala ng buo yun?" Yinakap ko sya ng mahigpit. "Grabeh dami nating pinagdaan at nakahanda na akong harapin ang mga susunod pa. I love you mahal. Are you with sa pagharap sa hamon ng buhay?"

"Are you asking me for a marriage?"

"If it sounds like that, then so be it."

"Wala pa. Di pa approved sa Pinas ang same sex marriage."

"Galing mo talaga gumawa ng palusot, sige na nga."

"Mag ipon muna tayo ng pampangibang bansa."

Pagdating namin ng Market Market sinuyod namin ang buong mall from ground floor to fifth floor at pababa ulit bumili ng cotton candy, frappe at kung ano pa maisipan naming kainin. Pumasok kami ng Conti's para lang kumain ng ice cream cake nila pakiramdam ko bigla kami bumalik sa pagkabata ng mga sandaling iyon.

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon