ATY10

1.7K 45 1
                                    

Chapter 10

Kyle:

Masaya kaming nag uusap at biruan. Dumating na sina Trixx. Magkasalubong ang kilay na tumingin sa amin. Mabilis na tumayo si Rain.

"Akin na ang iba kuya." Nakayukong kinuha ni Rain ang ibang bitbit ni Trixx. Maangas ang kilos ni Trixx maya maya bigla itong ngumiti. Umaarte lang pala. Sinuntok nito ang kapatid sa balikat.

"Takot pala si kuya huh." Pang aasar ko kay Rain. Ngumiti ito at sinuntok din ako sa balikat. Mahina lang naman.

Inayos namin ang mga pinamili nila at inihanda na ang niluto naming pananghalian.

"Ready na ang lunch." tawag ko sa kanila. Feel at home na din ako sobrang welcome na welcome ako dito.

"Pasensya ka na Kyle hindi namin napaghandaan ang pagpunta mo eh di sana pinapunta ko dito mga kapatid ni Trixx." Nanay nya

"Naku okay lang po yun ayaw ko pong makaabala."

Masaya namin pinagsaluhan ang aming tanghalian. Nagustuhan din nila ang niluto ko.

"Kyle dalasan mo pagdalaw dito ah para may taong bahay kami." Si Tito nang magpaalam na kaming uuwi.

"Sige po." Sagot ko

"Dalhin mo dito ang anak mo." Dugtong din ni Tita.

"Sige po salamat po sa lunch." Niyakap ko sila pareho saka si Rainier.

"Sige Tol ingat kayo." Si Rainier.

Pagdating namin namin ng bahay.

"Kamusta ka anak?" Si Xian agad inuna ko. Nasa kuwarto lang sya naglalaro.

"Okay lang po." Malungkot na sagot ng bata.

"Oh ba't ka sad? May nangyari ba anak." Malambing kung tanong.

"Tampo ako sayo papa. Hindi mo na ako pinapasyal. Iniiwan mo na ako dito sa bahay."

"Ngayon lang naman yan anak. Magbabakasyon naman tayo eh ni Tito Trixx mo sa province. Dadalawin natin sina lolo at lola mo. Saka mag sswimming tayo sa beach, gusto mo ba yun anak?" Pagdadahilan ko.

"Papa boyfriend mo po ba si Tito Trixx?" Nagulat ako sa tinanong ni Xian. Hindi ko inaasahan na matatanong nya ang ganung bagay.

" Bakit mo naman nasabi anak?"

"Kasi parang papa ko na din po kasi sya. Saka parati po sya andito sa bahay." Paliwanag nya.

"Anak hindi mo pa kasi maiintindihan sa ngayon paglaki mo maiintindihan mo din. Wag ka na malungkot okay. Di ba nga wala kang mama, meron ka naman dalawang papa diba?" Pangungumbinsi ko sa bata.

Ang bagay na akala ko dati magiging malaking problema ng relasyon namin ay matagal na pa lang inayos ni Trixx. Ang mas nakakataba pa ng puso dun sadyang pinaghandaan nya talaga ang aking pagbabalik ngayon mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal sakin ni Trixx.

Bago matulog hindi namin nakakaligtaan na mag usap kahit saglit. Yan lang kasi ang time namin para makapag usap ng masinsinan.

"Trixx salamat." Taos puso kong pasasalamat sa kanya.

"Lahat gagawin ko para sayo Kyle. Mahal na mahal kita."

"Sorry kung dati inisip ko na hindi mo ako kayang ipaglaban. Salamat at matiyaga kang nag antay." Nahiya ako sa mga nasabi ko at sa mga naisip ko noon.

Tama nga dapat wag kong pangunahan ang mga bagay. Ang isipin ko lang dapat ang present and make the most of it.

"Tulad ng sinasabi ko sabay tayong lalaban sa buhay. Kapag pinanghihinaan ka ng loob magiging malakas ako para sa atin. Tayo ang pupuno sa pagkukulang ng bawat isa sa atin. Makasangga na tayo ngayon sa lahat ng bagay hindi ka na mag iisa Kyle. Andito na ako para sayo." Si Trixx

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon