Kabanata 1

85 4 2
                                    

Simula

(Ezra's point of view)

*Sunday*

"Ezra!" Sigaw ni Nanay na busy sa paglalaba. Nagpanggap akong natutulog. Alam ko naman kasi na uutusan niya akong bantayan at alagaan ang anak ng PINAKAMABAIT ko "kunong" Kuya. 

Ilang sandali ay narinig ko ang kalabog sa kabilang kwarto. Bumuntong-hininga na lang ako sa aking narinig. Ang aga-aga pa nga, gumagawa na sila ng milagro. Kahit kailan talaga ang landi-landi ni Kuya. Kaya tuloy sa murang edad ay nagkaroon na ng anak. Naaawa nga ako kahit hindi naman dapat.

"Ezra!" Halatang galit na si Inay dahil sa tono ng kanyang boses.

Bumangon ako at padabog na tumayo. Binuksan ko ang pinto at agad na tumungo sa banyo kung saan naglalaba ang Nanay.

"Yes, Mother Earth?" 

"Pa-mother-mother ka pa diyang may nalalamang negra kang pango ang ilong! Hay, anak ba talaga kita?!" Sabi ni Inay habang kuskos ng kuskos sa damit. 

Ang sipag naman ni Mother! Bakit hindi ko namana 'yun?

"Ouch, inay! It hurt. You hurts my feeling!" Sabay hawak sa dibdib na para bang nasasaktan. Pero nasaktan naman talaga ako dahil sa mga sinabi niya. 

Hay! Tanggap ko na! Tanggap ko na ganito ako.

"Wow, ang galing ng anak kong mag-English!" Pamumuri ni Mother.

Ngumiti ako bilang pagiging proud sa sarili ko. 

"Mali-mali pa ang grammar." Pahabol niya. 

'Okay na sana eh, may nag-extra pa.'
Reklamo ko sa aking isipan.

"Tama naman 'yung English ko, ah. Ano bang mali 'dun?" 

"Dapat ganito 'yun..." binitawan niya iyong damit na kinukuskos niya kanina. Tumayo siya at inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa baywang. 

"That is hurt my peelings." Feel na feel niya ang pagco-correct sa mga sinabi ko. 

Pumalakpak ako na parang proud na proud sabay talon. 

"Ganon ba 'yun?" Tanong ko.

Nakita ko naman siyang tumango sa akin at nagpatuloy sa paglalaba. 

"Ang galing mo, Inay! Saludo ako sa iyo kahit hindi ka man nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa inuna mo ang kalandian... but still, you are in good in English!" Pumalakpak ako. Nag-okay sign siya. 

"'Yan ang tama, biry biry guud." 

-

Mabuti na lang nakalimutan ni Nanay na utusan ako dahil sa pagpupuri ko sa kanya na magaling siya sa English. Dapat ganyan ang gawin niyo sa inyong mga magulang para makaiwas sa utos nila.

They are really to loves 'puri-puri', you know?

Ang bright ko talaga! Palakpakan naman diyan! 

Kumuha ako ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo. Hinintay ko lang kasi si Nanay na matapos sa paglalaba kaya heto...

Nagbuhos ako nang tatlong beses ng tubig at *drum rolls*

Tapos na! Walang sabon-sabon kasi tinatamad at para makatipid sa pera pati na rin sa bayarin sa tubig. 

Nagsuot ako ng white floral dress na above the knee. Oh, diba? Lutang na lutang ako. Syempre may underwear ako. Hello Kitty pa nga, eh.

Nagpaalam ako kay Nanay na aalis na ako papuntang simbahan.

"Mader." Sambit ko at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya galing sa likod at pinatong ang panga ko sa ibabaw ng balikat niya. Nagulat ako sa biglaang pagmura niya. 

"Jusko, maryosep! Balaan imo ngalan. Patawarin mo sana ang aking anak! Lintek naman, Ezra! Ang baho-baho ng hininga mo!" Weh? Nakapag-toothbrush kaya ako.

"Nay, naman." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya,

"May itatanong sana ako sayo, Nay." Agad siyang bumitaw sa pagkakahawak ko.

"Ano?!" Iritang sagot niya. 

"If I do see prerty?" Sabay beautiful eyes. 

"Alam mo na ang sagot ko sa tanong mo."

"Yes ba 'yun?" 

"Ezra!" Sigaw ni Mama sa pagmumukha ko. Iniwagayway ko ang aking kamay sa harap ng ilong ko para itaboy ang masamang espiritu.

"Hindi takaga mapagkakaila na Nanay kita. Pati kasi hininga mo, naman ko." Boom! Biglang nag-blanko ang ekspresyong ng mukha ni Mader at kitang-kita ko ang mga itim na nakapaligid sa buong katawan niya.

Nakita ko na lumabas si Kuya Zake na pawis na pawis sa milagrong ginawa nila ng asawa niya. Dumiretso siya sa tabi ni Nanay.

"Pigilan mo ko, 'Nak. Pigilan mo ako!" Utos ni Nanay sa kanya. Naguguluhan man sa nangyari ay sinunod pa rin ni Kuya ang sinabi nito. Dahil 'dun, naisipan ko ng tumakbo nang mabilis at lumabas ng bahay. 

Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong pumara ng tricycle at sumakay dito papuntang simbahan. Church, here go there!

"Simbahan lang po, Manong." Kailangan nating magsimba kasi ito ang araw ng Diyos. Magpapasalamat tayo at para mabawasan ang ating mga kasalanan. Oh diba, ang astig lang?

~I can't wait to simbahan. I can't wait to be there soon.~ kanta ko sa isip-isip. Pasensiya, wala nga ako 'nun.

Nakakunot ang noo ni Manong driver habang nakatingin sa akin. 

Nagsimulang paandarin ni Manong ang makina. Umikot ito para makapunta sa kabilang kalye. 

"Salamat, Manong!" Sabay baba ko sa tricycle. 

Papasok sana ako sa entrance ng simbahan nang bigla niya akong tinawag. 

"Hoy, Miss! Nakalimutan mong magbayad." Tumigil ako sa paglalakad at lumingon kay Manong. Taas-noo akong rumampa na feel na feel ang suot ko ngayon pabalik sa kinaroroonan ni Manong. 

"Ano? Bayad?" Tumango si Manong bilang sagot. 

"Ang lapit-lapit ng simbahan, pababayarin mo pa ako. Umikot ka nga lang, eh." Pagtataray ko.

"Kahit na umikot lamang ako, nabawasan pa rin 'yung gasolina ko." Pagkokontra ni Manong.

"Eeeh, Manong! Sige na!" Walang choice na me.

"Sorry talaga, walang patawad." Pinapatawad nga tayo ng Diyos, ikaw pa kaya? Marunong rumespeto sa tapat ng simbahan, ha. Bad.

"Sige na, Manong! 'Di ba, ang mga magaganda, hindi pinapabayad?" Pamimilit ko at nagtatadyak-tadyak pa. 

"Oo nga, ang tanong, maganda ka ba?"

"Yes, Manong. Ako na nga ang magiging the next Miss Universe." 

"Feel mo naman? Hahahaha." Sabi niya sabay tawa. 

"Bakit, Manong? Gwapo ka ba? HA! Boom panot si Manong driver!" 

Dahil sa pagkainis niya at hindi na kinaya ang taglay kong kagandahan ay umalis na lang siya agad. Ay? Buti nga sa kaniya. Kung makaasta akala mo gwapo at may buhok, tss. Malapit na nga siyang makalbo. 

Nagsimula na akong maglakad papasok sa simbahan. Pagewang-gewang akong rumampa. 

Habang ginagawa ko iyon, biglang humawi ang malakas na hangin dahilan ng pagtaas ng palda ng dress ko. 

Ay, ano 'toh? New model ng PH care lang ang peg? 

"Ano ba 'yan. Ang baho... parang usok galing sa factory." Reklamo ng isang babae.

"Wala naman akong naamoy, ah?" Bulong ko sa sarili nang matapos kong amuyin nang palihim ang sarili. Baka sarili nila iyong amoy. 


Queen of Dulls #1 (MWLSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon