Pagkatapos ng klase ay nakita ko si Virgie. Mukhang nagtatampo pa rin siya sa akin kaya hindi ko na lang siya nilapitan.
Alam ko naman kailangan niya ng oras. Naisipan ko na lang na pumunta sa pwesto namin sa tindahan.
Hindi kasi masaya doon sa bahay.
Dahil hindi naman gaano kalayo iyong tindahan sa eskwelahan namin ay napag-isipan kong maglakad na lang. Malayo pa lang ay nakita ko si Mader na nakaupo sa tabi ng gulayan habang pinaypayan ang kaniyang sarili gamit ang karton.
"Mader!" Napatingin naman siya sa gawi ko.
"Oh! Ezra, ikaw pala 'yan?"
"Yes! The only and the one, Ezra." Naglakad ako papalapit kay Nanay at hindi sinadyang mapatangin sa likod niya. Doon ko nakita ang isang lalaki na naglalakad papunta sa amin na karga-karga ang isang labador na kulay berde.
Nang makalapit siya ay agad itong huminto sa harapan namin.
"Ito na po ang mga pinakarga niyong gulay, Tita." Sabi niya sabay lagay ng labador sa sahig. Tita?! Yuck siya, ha.
Nakita kong ngising-ngisi ang lalaking kargador na ito. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin sabay angat ng kaniyang braso na ipinakita niya sa amin lalong-lalo na ang muscles niya.
Hinalikan niya pa ito bago ako tingnan muli.
"Oh, hi there." Sabay kindat sa akin. Napairap naman ako. I really don't like other people that is ugly that being peeling gwapo at peeling maganda. It is so ewwwie.
At dahil sa ginawa niya, nakita ko tuloy ang mga makakapal at nangingitim niyang buhok sa kili-kili. Gusto kong masuka lalong-lalo na nang nangangamoy bulok na isda ang kili-kili niya.
"Naku! Salamat, Buknoy. Eto, oh. Bente." Sabay abot ng pera sa kaniya ni Nanay. Umiling naman si Buknoy.
"Dahil nandito si Ezra, Mommy. It's libre." At kumindat pa ito. Peel na peel niya talaga ang pagtawag ng ganun kay Mader, huh.
"Ang bait-bait talaga ng batang ito."
"At gwapo pa po, di ba?" Narinig kong tumawa si Mader.
"Hahaha! Tama, ang bait-bait mo." I am agreement for your opinion, Mader. Tumawa ako sa isipan ko.
"Kaya ikaw, Ezra..."
"Yes, Mader?" Tanong ko.
"Lagi kang dumalaw-dalaw dito para lagi tayong libre sa kargador na peeling gwapo na ito." Bulong ni Mader. Napasimangot ako.
Pasensiya na, Mader Earth. Pero ito na ang huli kong pagpunta dito. Ayaw kong makita si Buknoy na ito. Ewww. Ayaw kong masayang ang ganda ko dito! Char.
Napalingon ako ng makarinig ako ng tili.
"BUKNOY!" At doon bumulaga ang mukha ni Mong Go Lloyd na punong-puno ng make-up. Tumakbo ito at niyakap nang pagkahigpit-higpit si Buknoy.
Nakakagulat ang pangyayaring ito pero ang mas nakakagulat ang suot ni Mong Go Lloyd na leggings at backless na damit.
Nakita ko tuloy yung okra na nasa gitna niya. Omg! Ang liit pala.
"Bakit ka nandito?" Naiiritang tanong ni Buknoy.
"I just want to visit you. Masama ba?" Sagot naman itong kalansay.
Agad namang tinulak ni Buknoy si Mong Go Lloyd.
"H-hindi naman." Nauutal nitong sagot. Kumunot ang noo ko sa dalawang ito. Nalilito ako sa kanila.
"Mong." Sambit ko. Lumingon ito sa akin.
"Oh? Narito ka pala? Hindi man lang kita napansin."
"Oo, nandito ako kasi dito kami nagtitinda."
"Awww, poor child." Nagtataka talaga ako sa Mong Go Lloyd na ito. Dati, magkaibigan kami pero bakit ngayon ganito ang trato niya sa akin.
Well, kung mataray siya. Mas mataray ako.
"Duh, kung poor ako, mas poor ka. Pumatol ka ba naman sa kargador at ang masama pa, wala ka man lang ka taste-taste."
Pagtataray ko na naging dahilan para umusok ang ilong at bumukas ang bibig niya na naging dahilan din ng polusyon.
"Excuse me." Singit ni Mader. "Naku, kung maglandian lang naman kayo sa harapan ko, pwes huwag dito! Nawawalan kami ng tagabili at kung sa tingin mong bakla na poor kami... edi, five ka!"
Kaya ayun, unalis silang dalawa sa harapan namin. Nakakaloka! Walk-out lang din naman ang alam sa huli.
-
Umaga akong pumasok sa eskwelahan para makipag-ayos kay Virgie. Naku, ang liit lang naman ang bagay na tinampuan niya. Ang arte.
Pero for the sake for our friendship, magso-sorry ako.
Nakita ko siyang nakaupo mag-isa sa school gym namin kung saan nagaganap minsan ang pagba-basketball ng mga kalalakihan.
Tinawag ko siya sa kaniyang pangalan. Hindi niya ako nilingon. Tumayo siya.
"If you want to clear things out, follow me." At iniwan na naman niya ako. Ano ba naman 'yan! Sinundan ko siya kasi wala akong choice. Wala akong may naintindihan pero nararamdaman ko na dapat ko siyang sundan.
Kaya, sumunod ako sa kaniya. Pagkatapos ay tumigil siya sa harap ng stage. Tumigil ako sa tabi niya. Hindi siya lumilingon sa akin. Nakatuon lamang ang kaniyang mga mata sa stage na parang may hinihintay. Nagtataka ako sa mga bulaklak na naka-kalat sa may stage.
Wow, bongga. May palabas ba mamaya?
Kaya ba ako sinama dito ni Virgie dahil wala siyang kasamang manood? Napatingin ako kay Virgie na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa stage.
"You're so lucky, Ezra." Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa sinabi niya o malulungkot dahil wala akong maintindihan.
"If you to question in my forgive, I forgiveness you, Virgie." Seryosong sabi ko sa kaniya saka ko siya hinawakan sa kamay at niyakap ng mahigpit.
Kumawala siya sa pagkakayakap ko at tiningnan ako ng buong pagtataka.
"I am not asking for your forgiveness, Ezra. I think you should be the one to say sorry for being the reason why I become irritated."
Hay, Virgie... you testing my brave in my english dictionary.
"I want to cry, Ezra because you're so lucky. You may not be perfect, you may not be beautiful and you may not be intelligent and neat but still you're lucky."
-
HMMMM, ANO KAYA ANG IBIG SABIHIN NI VIRGIE?
BINABASA MO ANG
Queen of Dulls #1 (MWLSM)
RomanceIsang babae na mas bobo pa sa iyo. Oo, tama! Sa sobrang kabobohan niya ay parang mahahawa ka na lang. Hindi mo namamalayan na paggising mo sa umaga ay bobo ka na at simpleng 1+1 ay hindi mo na alam kung ano ang sagot. Kapag binasa mo ito ay parang...