Ang Hilig Mong Sumigaw
Naghanap na ako ng maaaring mauupuan at kapag sinisuwerte nga naman ang isang 'magandang dyosang' katulad ko... sa tabi pa ng isang matangkad at maputing lalaki.
Mahaba ang kaniyang pilik-mata, ang tangos-tangos ng ilong pagkatapos mapupula ang kaniyang maninipis na labi. Ang kinis-kinis rin ng mukha niya. Walang bakas ng tigyawat man lang.
"Excuse me." Sabi ko.
Tiningnan niya ako at agad ngumising aso dahil tuloy sa kaniyang ginawa ay nagpakita ang malalalim niyang dimples sa magkakabilang pisngi. Umisod siya ng kaunti para makadaan ako at makaupo.
"Salamat." Pasasalamat ko at mas pinili ng tumabi sa kaniya.
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na ang oras na dapat ay magkahawak-hawak ang lahat. Nagdasal kami ng 'Ama Namin'. Itinaas ko ang aking dalawang kamay upang makipaghawakan kay 'alam niyo na'.
This is the perpektong oras para mahawakan ang kamay niya pero... mukhang ayaw naman ni GWAPO.
Ay, ano 'to? Binabalewala na lang ang isang magandang dyosang 'tulad ko? Hmmp...
"Ahem." Umubo ako 'kuno' para mapansin niya. Tiningnan niya ako na nakakunot ang noo.
"Kuya?" Tanong ko at ipinakita ang kamay kong nakalahad sa harap ng gwapo at halos perpektong pagmumukha niya.
Sumasakit na ang kamay ko dahil hindi niya man lang ito kinuha. Tiningnan niya lamang ito at sinabi ang mga katagang...
"I'd rather die than hold your hand."
Ano daw? Hindi ko maintindihan.
"What? Are you English-ing me? Well, please pause because you do not should wanna mess with me."
Nagulat ako sa biglaan niyang pagtawa. Sinaway naman kami ng mga katabi namin sa isang mahabang upuang-kahoy. Nanlaki ang mga mata niya ng bigla kong hawakan ang kamay niyang nakataas sa ere.
'Wag nang patumpik-tumpik pa boom-kara-karaka!
"Kuya, huwag ka ng pakipot pa. Alam ko namang gustong-gusto mo, eh." Sabay ngiti at I flips my hairs sa isip-isip ko.
Tiningnan niya ako nang masama pero hindi siya umangal.
Nang matapos ang misa ay agad akong lumabas ng simbahan hanggang sa may humawak sa braso ko at hinila sa gilid kung saang walang tao na dumadaan at walang taong makakakita sa amin.
Binitawan niya ang aking braso at...
"Ginusto mo ba 'yun?"
OO! Ginusto ko 'yun. Gustong-gusto! Bakit, may angal? "H-huh? Asa ka naman, 'pre! 'Di tayo talo, noh!" Nag-smirk siya sa akin.
"Good! Alam ko na iisa lang ang ating pinapasukan kaya huwag mong ipagkakalat sa campus na nagkahawak-kamay tayo kundi malalagot ka."
"Paano mo naman nalaman na iisa lang ang pinapasukan natin?" Naguguluhang tanong ko. May taglay kaya iting kapangyarihan? Wow, kung mayroon nga, nakakamangha!
"Bahala ka. Alamin mong mag-isa!"
-
Lunes
Nagising na naman ako dahil sa ingay. Ngayon hindi na maingay na kalabog kundi maingay na ungol.
What the epal? Ang aga-aga, istorbo na naman.
Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Ganoon pa rin ang ginagawa ko sa pagliligo.
"Kumain ka na at baka male-lete ka pa sa school niyo." Bungad sa akin ni Nanay matapos kong magbihis ng uniporme.
BINABASA MO ANG
Queen of Dulls #1 (MWLSM)
RomantizmIsang babae na mas bobo pa sa iyo. Oo, tama! Sa sobrang kabobohan niya ay parang mahahawa ka na lang. Hindi mo namamalayan na paggising mo sa umaga ay bobo ka na at simpleng 1+1 ay hindi mo na alam kung ano ang sagot. Kapag binasa mo ito ay parang...