Kabanata 7

26 3 0
                                    

Ilang linggo na rin ang nakaraan mula nong nahimatay ako. Nakakahiya talaga ang nangyari! Mabuti na lang maganda ako.

Nandito kami ngayon sa lood ng silid-aralan. Tunuturuan niya kami kung paano hanapin ang value ng x. Dahil matalino akong tao, natulog ako. Sus, alam ko na 'yang mga ganiyan. Sisiw lang iyan sa akin!

Natapos ang klase ay nilapitan ako ni Virgie. Inirapan ko na. Mapapasubok naman yata ang galing ko sa pagsalita ng English!

"What is your plan now?" Bungad nito sa akin.

Tumawa na lang ako kahit sa tingin ko ay parang wala namang nakakatawa at para naman hindi mapahiya. Alam mo na, baka ako pa ang pagtawanan. Habang maaga pa ay inunahan ko na siya.

"Why are you always laughing when I'm asking or talking? Am I that funny? Do I look like a clown to make you laugh so easily?"

Lalo akong nahilo sa haba ng sinabi niya. Mabuti na lang ay walang tumulo na dugo palabas sa ilong ko.

Oh my gosh, napapaisip na lamang ako kung paano kami naging magkaibigang dalawa.

Sa sinabi niya ay tumigil ako sa tawa, "Never mind, Ezra."

Napa-'what' naman ako dahil narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

Dahil siguro sa inis ay bigla niya akong tinalikuran. Hindi ko siya kasi sinagot kanina. Sinagot ko naman siya ng 'what'. Hindi pa ba sapat? Wala kasi ako sa mood mag-english. Napuno na kasi ng kaalaman ang utak ko.

Iniwan bigla ako ni Virgie. Ay nagalit? Agad ko siyang sinundan. Ayoko namang magalit siya sa akin. Pero hindi ko nahabol si Virgie. May lahi yatang kabayo iyon.

Inilibot ko ang aking mga mata kung nasaang building ako ngayon. Habang inaalala kung nasaan ako ay may narinig akong tunog. Tunog instrumento at boses.

Maganda ang boses niya, ha! Sinundan ko kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nakita kong bukas ang pinto kaya sumilip ako. Ang ganda talaga ng boses!

Nang makita ko kung sino ang kumanta, parang nasira ang eardrums ko at parang nabasag lahat ng mga crystal ng bintana sa loob ng silid. Hindi ko inaakala na maganda pala ang boses ng lalaking ito.

Alam niyo ba kung sino ang tinutukoy ko? Edi, si Clay lang naman! Dahil sinabihan ako ni Mama na bawal magsinungaling, aaminin ko na maganda ang kaniyang boses. Nakakamangha! Nakakamanghang pakinggan.

Akala ko puro pa-pogi lang ang alam nito. Nagkakamali ako, may talento pala ito sa pagkanta.

Pero ang mas nakakamangha ay nakita ko si Zyrus sa likod ni Clay na tumutugtog ng drums. Feeling ko naghuhugis-puso ang mga mata ko habang pinapanood si Zyrus. Sa tingin ko ay bumabagal ang kaniyang mga kilos. Ang paggalaw ng kaniyang ulo at ang drum sticks na gamit niya sa pagpalo ng drums.

"Ezra?" Bigla tuloy akong napabalik sa huwisyo. Naging normal na ang kaniyang kilos kumpara kanina. Nakita kong tumayo siya galing sa pagkakaupo.

Tiningnan pa siya ng mga kabanda niya habang papalapit sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Anong sa tingin mo?" Tanong ko pabalik. Narinig kong tumawa na parang baliw si Clay. Hala!

Tumikhim naman bigla si Zyrus at... parang nakatingin kay Clay?
"Uhm, m-may itatanong sana ako sayo."

"Ano iyon?" Naging tahimik ang paligid. Mukhang seryoso ito, ha. Nakakakaba naman.

Napakamot naman ng ulo si Zyrus. Iyong parang nahihiya.

"Pwede ba kitang maging partner sa prom sa susunod na linggo?" HUH?! Pwedeng-pwede! Single naman ako. Walang partner.

Nakatuon lahat ang mga mata nila sa tanong ni Zyrus. Nagtitigan kami ni Clay. Sa klase ng tingin niya ay parang may sinasabi ito.

Bigla namang nagsalita si Clay.

"Zyrus, alam mo ba na magpo-perform pa tayo?" Nakataas iyong kilay niya. Taray, ha.

"Isang kanta lang naman akong mawawala. What's the big deal?"  Randam ko ang kanilang titig sa isat isa. Ito na ba? Ito na ba ang bagong tambalan?

Tumahimik ang paligid at tumingin silang lahat sa akin, hinihintay ang aking sagot.

"T-teka, ano ba muna iyong prom at anong dapat kong gawin?" Okay na ako sa partner pero ano ba talaga ang prom?

Mahina silang tumawa maliban kay Clay. Seryoso pa din ito.

"Ezra, ang prom ay kung saan ang mga estyudante ay nagtitipon at sasayaw ng pormal bago maka-graduate. Ganoon din sa Junior class." Paliwanag niya. Ah, Junior and Senior lamang ang magkaka-prom? Hmmm, astig.

"So, pwede ba kitang maging partner?"

"O-oo." Sagot ko. Narinig kong nag-'tsk' si Clay. Nagalit ba siya kasi ka-pares ko ang ka-tambalan niya?

"Salamat." At yayakapin niya sana ako nang biglang tumikhim si Clay. "Let's practice again."

Padabog siyang bumalik sa maliit na stage. Ay, ang cute naman.

"Aalis na ako, Zyrus. Baka istorbo pa ako sa inyo. Salamat at paalam." Pagkatapos ay napatingin ako sa dalawang kasama nila sa banda. Nakita kong nakangiting-aso sila habang nagwawagayway ng kanilang kamay.

"Paalam din!"

-

Sa wakas naka-update din! Pasensiya sa mga naghihintay ng update! Ayan na po. Sana na-enjoy niyo ang kabanatang at ito sa susunod na mga kabanata. Maraming salamat!





Queen of Dulls #1 (MWLSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon