Nag-aalala (2)
Ano ba naman 'tong si Manong driver! Dalawang piso lang naman ang kulang, ah.
"Jusko, Manong. Male-late ako sayo!" Hindi pa din ako tinantanan ni Manong hanggang sa may nagsalita.
"Ano po ang problema, Manong?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Z-Zyrus?" Nabigla ako, guys.
"Sir, kulang po ang kaniyang bayad ng dalawang piso." Bigla naman akong napasigaw kay Manong.
"Manong! Utang na loob, dalawang piso lang naman po iyon! Para naman kayong mamamatay sa dalawang piso!"
"Ah, ganun po ba, Manong?" Napatango naman si Manong. Nakita ko namang kinuha ni Zyrus ang kaniyang wallet na nanggaling sa bulsa. Kumuha siya doon ng five-hundred pesos. Binigay niya ito kay Manong panot. Wow, ang laki ng halaga. Namangha ako!
"Zyrus, hindi mo naman-"
"Sir, wala po akong sukli para dito." Ay, hala.
"Keep the change na lang po." Napanganga ako. Malaking pero iyon!
"Salamat nang marami, Sir." Parang mangingiyak na sabi ni Manong.
Aba, hindi naman siya makakatanggap ng ganiyang kalaking pera kung hindi sa dalawang piso!
"Ayan, Manong driver. Ipanggastos mo sa ulo mo na panot!"
Pero umalis na si Manong. Ayaw mapahiya sa pagkapanot niya.
"Ezra?" Bigla namna akong natauhan at naalala ang kanina na nangyari.
"Zyrus! Bakit mo ginawa 'yun? Malaki ang perang ibinigay mo! Sana sa akin na lang iyon o sa mga nangangailangan!"
"Ezra, ikaw ang nangangailangan kanina kaya kita tinulungan." Hindi ako makapaniwala. Sobrang bait niya. Mayaman kasi, eh.
Ako nga ang nangangailangan pero hindi naman ako nakatanggap ng pera. Napunta pa kay Manong. Hay, nako!
"Salamat, Zyrus! Malaki ang utang ko sayo!" Mabuti na lang naging kaibigan ko siya.
"Okay lang. By the way, nariyan ba ang ipina-reserve kong pastillas?"
Oo nga pala! Mabuti na lang hindi ko nakalimutang dalhin.
"Nandito po. Ni-reserve ko para sayo." Ngumiti ako.
Bigla naman kaming nagulat nang may biglang sumigaw.
"HAAA?!" Nakakabingi ang kaniyang sigaw! Walang iba kundi si Clay lang naman ang sumigaw! Na-shock, 'te? Ang OA niyang sumigaw, ha.
"Good." Ngumiti siya sa akin. Nakita ko na naman ang kaniyang nice teeths!
"Wait." Napatingin kami kay Clay. Bigla naman kaming napatawa. Haggard kasi ng peys niya.
"Kabute lang?" Pagkatapos ay nagkatinginan ang dalawa. May na-sense akong bromance dito. Okay, walang pumansin sa sinabo kong kabute.
"Anong ipina-reserve?" Tanong naman ni Clay.
"Ang kaniya sa akin." Ani Zyrus.
Napatango ako kasi nagpa-reserve naman talaga siya ng pastillas sa akin. Maya-maya ay hinawakan ni Zyrus ang aking kamay at hinila ako.
"Pare, aalis muna kami." Sabi niya kay Clay. "She'll give me hers." Dagdag pa niya.
Kaloka, wala akong may naintindihan doon, ha.
Bago kami umalis ay napatanong si Clay sa akin, "okay ka na ba?" Napatango ako at hinila na ni Zyrus.
"Ilan?"
"Bayad mo?" Naglahad ako ng kamay para tanggapin ang pera.
"Ha?! Wala akong pera!" Sigaw niya.
"Ha? Zyrus. May pabigay-bigay ka pang five-hundred pesos at may nalalaman ka pang 'keep the change'. Tapos nagpa-reserve ka pa sa akin at sasabihin mong WALA KANG PERA?!" Inirapan ko siya three-hundred sixty degrees.
Tumalikod ako sa kaniya. Bigla niyang hinawakan ang aking pulsuhan.
"Bayaran mo muna ang pagmamahal ko sayo." Sinasabi niya iyon habang seryosong nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko tapos nagtanong,
"Ha? Hahahahahahahahahaha!" Ngumiti siya sa akin. Alam niyo ba iyong backward? Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Korek ba? Backward? Iyong hindi ka komportable sa isang sitwasyon.
Tama ako, backward nga.
"Nakakatawa ka talaga. Sinasabi mo lang iyon para libre ka sa pastillas." Dagdag ko pa. Yumuko ang ulo niya nang may kinuha siya sa bulsa niya.
"Ilan pala iyong pastillas?" Tanong niya sa akin. Umirap ako.
"Baka wala kang pambayad, Zyrus." Pagtataray ko. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. Ano ba 'yan, sirain ba ang maganda kong buhok?
"Lagi akong may pambayad, Miss." Sabi niya sa akin. Tumalikod ako ng konti sa kaniya dahil sa tingin ko ay namumula ako. Hinarap ko naman siya kaagad at kinuha iyong pastillas sa loob ng bag ko.
"Three-hundred lahat 'yan, ilan ba kukunin mo?" Inabot niya sa akin ang five-hundred pesos. Wow, ang yaman talaga niya. Humugis '$' naman ang mata ko sa nakakasilaw na pera. Oo, ako na ang patay sa pera. Wala kasi ako ngayong baon. Kuripot kasi ni Inay.
"Kaso wala akong panukli-" agad niyang pinutol ang sasabihin ko. "Sa iyo na lang ang sukli, Miss." Tumango-tango ako at mabilis na kinuha iyong pera.
Kainis, hindi naman ako titser para mag-'miss' siya sa akin.
"S-salamat." Pasasalamat ko at inabot na sa kaniya iyong tatlong-daang pastillas. Malaki talaga ang naitulong niya sa akin at malaki na din ang utang ko sa kaniya. Ang saya, diba?
Tatalikod na sana ako sa kaniya nang pigilan niya ulit ako. Gusto ko nang magalit sa kaniya! Anak ng tokwa naman, oh! Kanina pa siya, ha. Kung hindi lang niya ibinigay ang sukli baka kanina ko pa ito sinuntok sa handsomer facial niya.
"Ano iyan?" Nilagay niya ang buhok ko sa likuran ng tenga ko.
"H-huh?" Nauutal na sagot ko.
"May galos ka at," tiningnan niya ang ulo ko, "may band ka sa ulo. Anong nangyari sa iyo?" Medyo tumaas ang boses niya. Huminga ako ng malalim. Malamang nauntog ako. Napakasarap na mauntog sa semento iyong ulo ko. Gusto ko ngang ulutin.
"Alam mong hindi ako sumbongera, Zyrus." Umiling-iling ako habang sinasabi ko sa kaniya iyon.
"Pero, kasi... iyong mga bakla at babaeng naghuhumaling sa inyong grupo ay sinugod lang naman ako. Mga kaklase ko pa. Ang sama talaga. Ugh!" Naiinis na sabi ko habang kumukuyom ang mga kamao ko dahil sa naalala ko ang nangyari sa akin.
Ewan ko kung ako lang ba talaga ang nakakita na parang gumuhit ang inis, lungkot at pag-alala sa handsomer facial niya. Inangat pa niya ang ulo ko para magpantay ang paningin namin.
"For those bastards who made that to you will experience something they don't wanna miss." Seryoso iyong sinabi niya. Ako naman ay tumawa.
"Hahahaha, nakakatawa ka talaga, Zyrus!" Umiling-iling siya sa akin. Nakakatawa talaga kasi 'miss' lang ang naintindihan ko sa lahat ng sinabi niya. Tinatawag niya kasi ako kanina ng ganiyan.
"Hindi, Ezra. Ngayong oras na ito, hindi ako nakakatawa. Alam mo ba kung bakit?" Seryoso pa din siya.
Tumango ako na wala sa sarili. "Ah, este-hindi, b-bakit?"
"Dahil seryoso ako, Ezra. Seryosong-seryoso." Alam ko. "Nag-aalala ako. Kapag nangyari ulit ito, sabihin mo lang sa akin. 'Cause I'm damned worried about you." Iyon ang huli kong narinig bago ako mahimatay ulit.
_____________
A/N: Nahihimatay na si Ezra. Hahaha. Kamusta naman ang backward niya? LOL.
BINABASA MO ANG
Queen of Dulls #1 (MWLSM)
RomanceIsang babae na mas bobo pa sa iyo. Oo, tama! Sa sobrang kabobohan niya ay parang mahahawa ka na lang. Hindi mo namamalayan na paggising mo sa umaga ay bobo ka na at simpleng 1+1 ay hindi mo na alam kung ano ang sagot. Kapag binasa mo ito ay parang...