Sugat at Ungol
Sinabi ko sa kaniya kung saan ang bahay namin at pagdating ng kotse niya sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba.
Nakita ko pang tiningnan niya ang aming bahay bago ito pinaharorot. Walang-hiyang lalaki! Muntik na akong matumba dahil doon.
Binuksan ko ang gate namin na gawa lamang sa kawayan.
Nakita kong bukas na ang pinto sa sala. Tumakbo ako papasok doon at agad kong naabutan si Nanay na sinisigawan si Kuya at ang asawa niya na nakaupo sa upuang kahoy samantalang nakapamaywang na nakatayo si Nanay.
"Naku, nama, Zake! Kabata-bata niyo pang tao ay kung magkaugnayan kayo ng spirm cill at egg cill ay talo niyo pa ang mas matanda! Adik ba kayo? Pinaalis niyo pa si Ezra sa bahay para masolo niyo ito?! Kung hindi pala ako bumalik ay hindi ko kayo maaabutan na nag-to-toot sa sala!"
Tiningnan ko sina Kuya. Nakahubad silang dalawa. Tanging kumot lang ang nagsisilbing takip sa mga katawan nila kapwa magulo pa ang kanilang buhok. Nakayuko si Ate Erika samantalang nakaangat naman ang ulo ni Kuya habang tinitingnan si Mama.
"Ma!" Sigaw ko.
Lumingon si Mama, kinuha niya ang hawak-hawak kong plastic na may diaper sa loob at hinagis sa kanila ni Kuya.
"Palusot niyo pa ito!" Sigaw ulit ni Mama, tinutukoy iyong diaper.
KINAUMAGAHAN,
"Anak! Huwag magpapagabi, ha? Naku! Marami pa namang mga rapist baka ma-rape ka." Paalala ni Mother Earth nang hinatid ako sa labas ng bahay.
"Naku, Ma! Okay lang iyon, bilang pagsisimbolo na maganda ako, noh!" Sabi ko.
"Anak, alam mo namang masamang magsisinungaling, di ba?"
"I got know, Ma. I am just bulwar the katotohanan."
-
Pagdating ko ng classroom ay agad na bumungad sa akin si Virginia. Todo ngiti siya sa akin.
"Hello, Ezra. How are you today? I have good news for you." Sabi niya na agad kong kinunutan ng noo.
"Hahaha, it's very... very... so, glad, and then... funny, you know?" Iyon na lamang ang sinabi ko sabay palakpak.
"Why is it funny and why are you clapping?" Naguguluhang tanong nito sa akin.
"Did I say something that makes you laugh?"
"Huh? Hahaha.. it's really funny, yeah, funny here, funny there and funny everywhere."
Bigla na lamang napailing si Virgie.
"Okay, so, class. Wala ngayon tayong pasok dahil ay emergency meeting so, please be quiet and you can chitchat with your seatmate but not so loud, okay?"
Iyon ang bungad ng guro namin sa Filipino at adviser na din naman.
"Ysa, kindly list down all your classmates names who are noisy and naughty in a one whole sheet of paper." Sabi niya.
Ano 'to? Elementary na kailangan pang ilista sa papel ang mga maiingay?
"Yes, sir." Iyon naman ang sagot ni Ysa, ang sekretarya sa klase.
"Then, good. I will be back." At agad na lumabas si Sir.
"Sinong gusto bumili ng pastillas? Piso lang!" Sigaw ko sa buong klase.
"Shh." Iyon naman ang lumabas sa bibig ng halos lahat ng mga kaklase ko. Nakita ko pang sinulat ni Ysa ang pangalan ko sa papel na nabilang sa no-i-sy?
BINABASA MO ANG
Queen of Dulls #1 (MWLSM)
عاطفيةIsang babae na mas bobo pa sa iyo. Oo, tama! Sa sobrang kabobohan niya ay parang mahahawa ka na lang. Hindi mo namamalayan na paggising mo sa umaga ay bobo ka na at simpleng 1+1 ay hindi mo na alam kung ano ang sagot. Kapag binasa mo ito ay parang...