Princess Meets The Prince

77 0 2
                                    

Pagdating sa school ay diretso na agad ako sa classroom.

Habang naglalakad ay busy ako sa pagbutinting ng phone ko kaya hindi ko namalayan na may tao na pala sa harapan ko. At sa hindi inaasahang pangyayare ay may nakabungguan ako.

'Aray! Sambit ko ng mabangga sa isang matigas na bagay.

Pagtingin ko ay isang lalake na salubong ang kilay at matalim  na nakatingin  sa akin.

' Ano ba hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo'? galit kong tanong dito.

' At ako pa ngayon  ang hindi  marunong tumingin sa dinaraanan ko!?eh ikaw nga itong nagsecellphone habang naglalakad'! galit na sagot nito.

' saka tingnan mo nga ang ginawa mo! Dahil sayo nalagyan ng ice cream yun damit ko! ' dugtong pa nito.

' Hoy! Hindi ko kasalanan kung tatanga tanga ka!  bulyaw ko.

' Anong sabi mo! Ako tanga'? singhal nito at namumula ang tenga sa galit.

Syempre hindi naman ako papasindak sa kanya.

'Ou tanga ka! Alam mo naman palang  nagsecellphone ako habang naglalakad bakit hindi ka umiwas!?  sigaw ko sa kanya.

'At saka kay aga aga e kumakain ka ng ice cream kung hindi ka ba naman sunga ' pahabol ko pa.

'Hoy! For your information I'm not an idiot! Sagot nya sabay hablot sa kwelyo ng uniform ko.

'At ano bang pakialam mo kung kumakain ako ng ice cream ng ganito kaaga? dugtong pa nya.

'At bakit ako iiwas pagaari mo ba itong daan? Ha! '? Sigaw nya dahilan upang pagtinginan kami ng ibang studyante.

Medyo na takot ang lola mo. Pero syempre hindi ako nagpahalata.

'Bitawan mo nga ako'! sabay tabig ng kamay nya.

'K fine!Sorry! Ok na? Pwede na kong umalis? Kase malelate na ko sa klase ko' sagot ko at akmang aalis na.

'Teka! Teka! At sa tingin mo ganun lang kadali yun'?  wika nito.

'Halika sumama ka sakin' sabay hila sa akin palabas ng school. Actually hindi hila kaladkad ganern.

' Teka! Ano ba bitawan mo ko saan mo ba  ko dadalhin? pagpupumiglas ko.

'Eh saan pa nga ba? Sasamahan mo kong bumili ng bagong uniform' sagot nito.

'Ano? Pero may klase pa ko. Bitawan mo ko'! Habang ngpupumiglas pa rin.
'Wala akong pakialam! Basta sasamahan mo ko'!sagot nya.

' Ayoko'! Bitawan mo ko! ' pagpupumilit ko.

' Hindi! Kasalanan mo kung bakit ako nadumihan kaya sasamahan mo ko'! matigas nitong sambit.

'Eh nagsorry na ko di ba? Tsaka may klase pa ko at saka ikaw may klase ka rin di ba? pangungimbisi ko.

'WalA akong pakialam! Sasama ka sa. Akin sa ayaw at sa gusto mo'!  buong loob na sagot nito.

At ayun nga walang nagawa ang lola mo kung hindi ang sumama. Ikaw ba naman tong kaladkarin makakaangal ka pa ba?.

' Oh ano pang itinatanga tanga mo dyan? Bayaran mo na tong damit' wika nya ng makatapos magpalit ng damit.

'Ano? Bakit ako '? pagrereklamo ko.

'Bakit sino ba  may kasalanan kung  bakit ako  nadumihan'? Hindi bat ikaw?  sagot nito.

' Hindi ko naman sinasadya yun' pagtatanggol ko.

' But still kasalanan mo pa rin' kaya huwag ka ng magreklamo dyan at bayaran mo na' paggigiit nya.

' Saka may klase pa tayo di ba? pahabol p nito.

'Aarggg' tangi kong nasabi.

Habang nagbabayad ay hindi ko mapigilang magmaktol.

'Napaka ungentleman siya na nga itong namilit na samahan siya dito. Tapos ngayon ako pa ang pagbabayarin. Nakakainis'! Bulong  ko habang binabayaran yung damit.

'May sinabi ka ba? tanong nya.

' Wala! Sagot ko sabay walk out.

Tanghali na ng makabalik kami sa school. Bago kami pumasok sa classroom ay may iniabot sya sa akin.

'Ano to'? inis kong tanong sa kanya.
Sino ba naman ang hindi maiinis bukod sa ako na ang pinagbayad ng damit nya  pati pamasahe namin ako pa rin.

'Sayo na yan pakonswelo ko sayo'  sagot nya at nauna ng pumasok sa loob.

Pagpasok sa loob ay agad akong sinalubong ni Mj.

' Bakla saan ka ba nagpunta? Bat hindi ka pumasok kaninang umaga? At ano yang hawak mo? sunod sunod na tanong nito.

'Bakla pwede isa isa lang ang tanong? Daig mo pa ang isang imbestigador kung magtanong eh' sagot ko habang paupo sa upuan.

'E ano nga? At bakit kayo magkasama nyang papables na yan?  pangungulit nya.

'Ha!? Sino? takang tanong ko.

'siya' sabay turo sa katabi kong nakadukdok.

Napanganga nalang ako ng mapagtanto kong magkaklase pala kami ng hinayupak na lalaking to.

'wala! Wag mo ng alamin' nagmumuryot kong sagot.

Save by the bell naman ako ng dumating ang susunod naming teacher.

Buong maghapon ay wala ako sa mood dahil sa nangyare. Hanggang sa makauwi ng bahay ay wala pa rin ako sa mood. Diretso akong pumasok sa kwarto at nahiga sa aking kama at hindi nagtagal ay nakatulog.

MY ONE LAST CRYWhere stories live. Discover now