Stay

55 1 0
                                    

Isang buwan na rin ang nakalipas buhat ng magsimula ang klase. Marami na ring nangyare sa loob ng isang buwan.

Katulad nalang lagi naming pagtatalo ng unggoy na si PAJ. Ewan ko ba parang ang init lagi ng ulo niya. Parang laging may buwanang dalaw. Konting kibot lang nagagalit na agad.

Katulad nalang ng minsan nagkukwentuhan kami bi Mj.

'Uy beesty may napili ka na bang song para sa music class natin next week'? pagtatanong ni Mj.

' Wala pa nga eh, ikaw ba'?  wala ganang sagot ko. Dahil sa totoo lang hindi ko naman binibigyang pansin yun.

'Syempre naman! Ako pa ba? Excited na nga ako e.. Hihihi!! wika nito na halata sa mukha pagkaexcite.

At dahil sa sobrang pagkaexcite hindi sinasadyang mabunggo nito ang inuupan ni PAJ na abala sa pagtulog kaya naalimpungatan ito.

'Ano ba!? Kung maglalabutsingan kayo wag kayo dito sa loob!!! inis na sabi nito dahil sa pagkakaabala sa kanyang pagtulog.

' Sorry, hindi naman namin sinasadya' paghingi ko ng dispensa.

'Mga buset' sabi nito bago muling bumalik sa pagkakayuko sa upuan.

'Anong sabi mo'? Inis na tanong ni Mj.

'Mj ' saway ko.

'hoy lalake kinakausap kita wag kang bastos'! inis nasabi nito kay Paj.

'Mj tama na' saway ko.

' Hindi besste sumosobra na tong lalaking to eh' pagpapatuloy nito.

'Hoy!? sabay kalbit kay Paj.

'Ano bang problema mo!!? Galit na sambit ni Paj.

'Aba't ikaw pa may ganang magalit ngayon ha!!? Gigil na sagot ni Mj.

'Hoy! Fyi lang ha... School to hindi ito silid tulugan' dugtong pa nito.

' Tama ka hindi nga ito silid tulugan pero hindi rin to silid landian!! mariing sambit ni Paj.

'Anong sabi mo!!? Sinong malande ha!!? galit na tumayo si Mj at hinarap si Paj.

'Mj tama na pinagtitinginan na tayo oh. ' awat ko sa aking kaibigan. Dahil lahat ng studyante ay pibagtitinginan na kami.

'Hindi besstee, akala mo kung sino tong lalaking to kung magsalita' gigil na sagot nito.

'Bakit totoo naman aa! Hindi bat naglalandian kayo' tiimbagang na sagot ni Paj.

'aba't talagang bastos kang lalake ka' sagot nito at akmang sasampalin si Paj ngunit buti nalang at napigilan ko sya.

'  Beestee!!

Buti na lang at dumating ang aming teacher kaya natigil ang pagbabangayan ng dalawa.

At ngayon nga ay ang araw ng pagpepresent ng napili naming kanta. Bahagi ito ng pagaaral namin sa music.

Marami ng nakakanta. May mga umawit ng love songs, rnb, opm at may nagrap pa nga.

Konti nalang sa mga classmate ko ang hindi pa natatawag at kabilang na ako don. Hindi naman ako kinakabahan dahil prepare naman ako. Nang makapatos ang nagpepresent ay nagsalita ang aming guro.

'Ok class ang susunod na kakanta ay ang huling presentor sa araw na ito. Ipagpapatuloy na lang natin to bukas.' mahabang sabi nito.

'at ang huling magpepresent ay si Princre Arc Jin Santillian' dugtong pa nito.

Halos lahat ng classmate namin ay nakatingin sa kanya. Inaabangan kung ano ang gagawin nya. Nagulat kami ng biglang tumayo ito at nagpunta ito sa harapan.

Tahimik ang lahat ng nagsimulang tumugtog ang minus one na nadala ni Paj. Hinihintay ng lahat ang pagkanta nito.

I want you to stay,
Never go away from me.
Stay forever.

Nagbulungan ang lahat ng marinig ang boses ni Paj. Kahit ako ay nagulat dahil hindi inaasahang ganito kaganda ang boses niya.

But now, now that your gone,
  all I can do is pray for you.
To be here beside me again.

Habang kumakanta siya ay kitang kita sa kanya mata na damang dama nito ang bawat lyrics ng kanta.

Why did you have to leave me?
When you said that love woul conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?

Na parang napagdaanan na niya ang ganoong sitwasyon. Hindi ko mapigilang humahanga sa kanya dahil sa galing at lamig ng kanyang pagkanta.

And now I must move on,
Try forget all the memories of you and me.
But I can let go of your love,
That has taught me to hold on.

Habang kumanta siya ay parang gusto ko siyang yakapin at sabihing nandito lang ako para sa kanya.

I want you stay,
Never go away from me.
Stay forever.

But now, now that your gone,
All I can do is pray for you.
To be here beside me again.

Habang tinitigan ko siya ay napansin kong may namumuong luha sa kanyang mga mata.

And now I must move on,
Try to forget all the memories of you and me.
But I can let go of your love,
That has taught me to hold on.

Habang tumatagal ay napapansin ko rin ang paggaralgal ng kanyang boses.

Why did you have to leave me?
When you said that love woul conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as staying with.....

Nagulat ang lahat ng biglang tumakbo palabas ng classroom si Paj at hindi tinapos ang kanyang pagkanta.

Nagumpisa ang mga bulong bulungan. Halos lahat ay nagtatanong kung bakit biglang tumakbo palabas ng classroom si Paj.
Lumipas ang maghapon ay hindi na muling nagpakita si Paj sa school.

MY ONE LAST CRYWhere stories live. Discover now