The Princess

95 0 2
                                    

'Bakit ka umiiyak'? tanong ng batang babae sa batang umiiyak sa ilalim ng puno sa may park.

' Ano bang pakialam mo'? Umalis ka nga' sagot nito.

'Baka matulungan kita' sagot ng batang babae.

'Wala kang alam! Kaya wala kang maiitutulong. Kaya umalis kana' pabulyaw nito.

' Gusto ko lang naman tumulong' pangaalo ng batang babae.

'Wala ka sabing maiitutulong!!! Sigaw nito at tumakbo palayo.

Dahil sa pagmamadali hindi nito napansin ang isang bagay na nalaglag sa lupa.

'Teka sandali' wika ng babae.

Akmang hahabulin nya ang batang lalake ngunit napukaw ang kanyang atensyon sa bagay na nahulog mula sa batang lalake.

Tinangka niyang habulin ang lalake ngunit nawala na ito.

At sa puntong iyon ay nagising na ako dahil sa pagtunog ng alarm clock.
Ako nga pala si Princess Irene Gail Ferrer. Sixteen years of age. Karamihan ng kaibigan ko ay PIG ang tawag sa akin. Bunso ako sa aming magkakapatid.

Meron akong dalawang kapatid ngunit pareho na silang may asawa.
Ako at si Mama nalang ang magkasama sa bahay.

Meron akong isang bestfriend. Simula sa pagkabata ay magkaibigan na kami.

Nang minsan naglalaro ako sa park kasama ang aking mga kalaro ng hindi sinasadyang mahulog sa swing dahil napalakas ang ugoy ng isang kalaro ko.

Then dumating sya at tinulungan ako.

' Bata ayos ka lang ba'? nagaalalang tanong nya sakin.

'May dugo! Huhuhu.. '. sagot ko habang humahagulgol.

'Ok lng yan. Hindi ka naman mamamatay dyan'. pabiro nyang sagot.

' Halika sa clinic sasamahan kita'. dugtong pa nito sabay lahad ng kanyang kamay.

Simula noon ay naging magkaibigan na kami. Hanggang sa maging magbestfriend na kami.

'Gail! Malelate kana sa school'!! hiyaw ni Mama na nakapukaw ng atensyon ko.

'Late? Saan? Ano meron? Waaaaaaah... Hindi!!!!!!!First day of school... ' sigaw ko habang nagmamadaling magpunta sa banyo.

Halos twenty minutes lang ay tapos na kong magprepare para pumasok sa school.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan patungo sa kusina.

' Oh kumain kana.' sabay abot sakin ng pinggan ni Mama.

Pero sa halip na abutin ko ito ay isang pirasong tinapay lang ang kinuha at nagmamadaling umalis.

Patakbo kong tinungo ang aming classroom at laking pasalamat ko dahil wala pa roon ang aming magiging adviser.

'Gaaiiilllll'! nakakabinging hiyaw sa akin ni Mj. Siya ang tinutukoy kong bestfriend ko.

'Kamusta? Namiss kita' sabay yakap sa akin ng mahigpit.

'Ok lang, namiss din kita ' sabay ganti ng yakap sa kanya.

'Ikaw kamusta? Hindi ka man lang nagpakita sa akin buong summer' kunwari ay pagtatampo ko sabay hiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

'Eh bhess sorry na, dba nga nagbakasyon kami sa province namin' pangaalo naman nito sa akin..

'Saka niyaya naman kita kaso ayaw mo naman' dugtong pa nito.

' Ano ka ba bess, alam mo naman na walang kasama si Mama kung sakaling sasama ko sa inyo di ba'? pagpapaliwanag ko.

'Kaya nga, e bakit patamtampo effect ka pa dyan? sagot nito.

' Binibiro lang kita' sabay yakap ulit sa kanya.

'Hay na ko tama na nga itong kadramahan natin, halika sa upuan at doon nalang tayo magkwentuhan' pagyaya nito.

Napili naming maupo sa bandang likuran para hindi kami masyadong pansinin kung sakaling magdadaldalan kami ni Mj.

Hindi nagtagal ay dumating na ang aming advicer.

Buong araw ay halos pare-pareho lang ang aming ginawa. Nagpakilala lang sa harapan.

Maraming bagong lipat na studyante ngayon. More on mga foriegner pa.

Paguwi ko sa bahay binagsak ko ang aking katawan sa kama.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko.

Pagtingin ko sa bintana madilim na ang buong paligid. Bumaba ako sa salas at naabutan ko si Mama na nagpeprepare ng aming hapunan.

'Tamang tama ang pagbaba mo handa na ang hapunan. Halika kain na tayo' pagyaya ni Mama.

Tahimik ang buong bahay habang kumakain kaming dalawa.

Simula ng magasaw ang dalawa. Kong kapatid ay ganito na ang naging takbo ang buhay namin ni Mama.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ulit ako ng aking kwarto.Naglinis lang ng katawan at muling bumalik sa pagtulog.

Kinabukasan maaga ko nagising. Maagang naghanda para pumasok.

' Good morning ma' bati ko.

' Good morning'! oh kumain kana' sagot nito habang inilalagay ang pagkain sa lamesa.

Pagkakain ay umalis na ko.

MY ONE LAST CRYWhere stories live. Discover now