Ram's Pov
Ako nga pala si Rachel Ann Mae Bernal. Ram for short. The only beautiful girl in the story. 😃
Kababata ako ni Jhin pati na rin si Renzo. Magkakaibigan ang mga parents namin kaya ayon naging friends na rin kami.
Hanggang maghigh school ay lagi kaming magkakasama. Si Jhin ang unang lalaking minahal ko at unang sinaktan ko ng lubos.
Flashback
'Ram, kelan mo ba ko sasagutin? Tanong ni Arc sa akin ng minsang mamasyal kami sa park.
Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na itatanong niya ang bagay na iyon.
'Halos isang taon na din ang nakalipas ng magsimula akong manligaw sayo, ' dugtong pa nito.
' magkababata naman tayo kaya kilalang-kilala mo na ako, ' pahabol pa nito.
Sa totoo lang wala naman talaga kong balak na pahirapan pa si Arc sa kanyang panliligaw . Katulad nga ng sabi niya magkababata kami at kilalang-kilala ko na siya.
Balak ko na nga siyang sagutin dahil alam ko at sigurado na ako sa aking nararamdaman para sa kanya.
Pero may isang bagay na hindi ko inaasahang nangyare at yun ang pumigil sa akin para gawin ang balak kong pagsagot kay Arc.
' aah kasi Arc.... Ano kase.., ' kabado at nagaalinlangan kong sagot.
I dont know if I was ready to tell him the truth. Handa na ba kong saktan ang taong mahal ko?Dahil alam ko na kapag sinabi ko sa kanya ang totoo labis siyang masasaktan at natatakot akong makita ang bagay na iyon.
Pero alam ko rin na hindi ko na dapat pang patagalin ang lahat. Dahil kapagpinatagal ko pa ito ako rin ang mahihirapan.
' ano yun?, ' nagtataka niyang tanong.
' ano kase, sorry, ' sagot ko sa pagak na tinig dahil nagsisimula na akong umiyak.
'ano yon? Bakit ka umiiyak? Bakit ka nagsosorry? Ok lang naman kung hindi kapa ready naiintindihan ko, ' pangaalo niya sa akin.
' Arc, hindi naman sa hindi ako ready. Hindi yun ang dahilan, ' sagot ko at nagsimula ng pumatak ang aking mga luha.
' kung hindi yun ang dahilan bakit ka umiiyak, '? nagaalalang tanong niya.
' kami na ni renzo, ' sagot ko at tuluyan ng napaiyak.
' ano? Nagbibiro ka ba? Anong pinagsasabi mo diyan? Paano nangyare yon ',? naguguluhang tanong niya.
' hindi ako nagbibiro, sinagot ko na siya kahapon. Sorry Arc, hindi ko sinsadya, ' sagot ko habang patuloy pa rin sa pagiyak.
'hindi totoo yan, nagbibiro ka lang di ba? Paanong mangyayare yun hindi naman siya nanliligaw sayo, ' sagot niya sa pagak na tinig.
'sorry Arc, pero yun ang totoo, ' sagot ko habang patuloy sa pagagos ang aking mga luha.
'paano nangyare yun Ram? Di ba sabi mo ako ang mahal mo? Kaya paanong mangyayare na kayo na? tanong niya habang pinipigilang tumulo ang mga luha.
Napakasit na makita ang mahal mo na nasasaktan ng labis ng dahil sayo.
' sorry, hindi ko sinasadya, ' yun nalang ang tangi kong naisagot.
' hindi sinasadya '? Ano yun bigla mo nalang narealize na siya pala ang mahal mo at hindi ako? Ganon ba yon? tanong niya at halata mong nagpipigil ng kanyang galit dahil sa diin ng pananalita nito.
' Sorry Arc, patawarin mo ko, ' ang tangi kong naisagot sa kabila ng pagiyak.
' sorry!? Yun lang ang masasabi mo, '? Nanlulumong tanong niya.
YOU ARE READING
MY ONE LAST CRY
Cerita PendekAng pag- ibig ay parang isang bunga ng punong kahoy. Sa una mura pa, parang puppy love lang. Pero habang tumatagal pasarap ng pasarap. Yun ang tintawag na first love. Siya yung nagbibigay ng kilig at inspirasyon sa atin. Parang mangga na maniba pa...
