Paj pov
Isang linggo na ang nakalipas simula ng matalo kami ni pig.
At simula ng araw na iyon ay hindi nas siya nagpakita sa akin. Kung magkakasalubong man kami sa school ay umiiwas siya.
Ewan ko ba sa babaeng iyon ang arte para pizza ay nagkakaganon na. At dahil nga sa nangyare ay hindi na kami nakapagpraktis ng aming kakantahin para sa concert.
Bahala siya sa buhay niya. Pero aaminin ko namimiss ko mga pagrerelamo niya. Wala na rin akong mapaglibingan dahil nga hindi na siya nagpupunta pa sa amin.Inaamin ko na may kasalanan din naman ako sa nangyare. Pero hindi sapat yun para magkaganon siya.. Haist...
Kaya eto ako ngayon nagiisip kung ano ba ang dapat kong gawen.
Habang nagiisip ay nakita ko siya kasama ang kaibigan niya na naguusap sa canteen.. Kaya napagpasiyahan kong lapitan sila..
" oh ano plano mo.. Wala ka na ba talagang plano na makipagusap sa kanya, '? Dinig kong tanong ng kaibigan niya.
" wala na..., ' matipid niyang sagot.
" eh pano na yung duet niyo sa concert, '? Tanong ulit nito.
' bahala siya sa buhay niya.. Galet pa rin ako sa kanya.. Pinagmukha niya kong tanga, ' nakangusong sagot niya sabay subo ng kanyang pagkain.
Ang arte arte. Eh malay ko bang gusto niya ng pizza.. Kung alam ko lang eh di sana binigyan ko siya.. Di ba?
Nagulat pa sila ng bigla akong magsalita.
' meet me at my house after your class, ' sabi ko ng makalapit sa kanila.
Nang makabawi sa pagkagulat ay matapang na nakipagtitigan siya sa akin.' at sino ka para utusan ako,? Matapang niyang tanong.
' just do what i say, ' simple kong sagot.
Sasagot pa sana siya pero bigla na lang akong tumalikod. Pero habang ngalalakad ako palayo ay narinig ko pa ang sinabi niya.
' manigas ka.. Hinding hindi na ako pupunta sa bahay niyo, ' madiin nitong sabi.
Alam kong pupunta siya kahit anong mangyari. Hindi niya ko matitiis sa gwapo kong ito. (yabang)
Habang naglalakad ako ay marinig akong nagtatalo sa likod ng jim.
Pamilyar sa akin ang mga boses kaya napagpasiyan kong lumapit ng konti upang mapakinggang mabuti.
' ano ba renzo!? Hanggang kailan ko ba sasabihin sayo wala na akong pakialam sa kanya, '!! Mariin sabi ni ram habang nakikipagtalo kay renzo.
' talaga!? Eh bakit lagi mo pa rin sinusubaybayan, ' tiim bagang na sagot ni renzo. Habang hawak siya sa kanyang kamay.' ano? Sagot niya at halata ang pagkagulat sa winika ng lalake.
,' ang sa akala mo ba ay hindi ko alam ang lahat ng ginagawa mo, '!? Hindi ako tanga ram. Alam kong araw araw mo siyang sinusubaybayan. At alam ko na minsan ay nagpupunta ka sa kanila. Alam ko lahat yon.. Kaya huwag mo kong gawing tanga,, '! Sagot nito at lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni ram.
' ano ba renzo, '! Nasasaktan ako, ' pagpupumiglas nito at pilit na binabawe ang kanyang kamay.
' talagang masasakatan ka at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi mo itinigil ang ginagawa mo,! Pagbabanta nito habang hawak pa rin ang kamay ni ram.
' bakit anong gagawin mo?
Ibablockmail mo nanaman ako?
Ha'!? Kagaya ng ginawa mo noon para mapaghiwalay kami ni paj!!?
YOU ARE READING
MY ONE LAST CRY
Truyện NgắnAng pag- ibig ay parang isang bunga ng punong kahoy. Sa una mura pa, parang puppy love lang. Pero habang tumatagal pasarap ng pasarap. Yun ang tintawag na first love. Siya yung nagbibigay ng kilig at inspirasyon sa atin. Parang mangga na maniba pa...