Malapit na ang sembreak at excited ang lahat dahil panahon ito ng pahinga sa pag-aaral.
Panahon upang makapagunwind at kalimutan panandalian ang hirap na dala ng pag-aaral.
Ngunit sa seksyon namin ay iba. Ang panahon na ito ay panahon ng matinding kaba. Dahil habang papalapit ang sembreak ay papalapit na rin ng aming pagtatanghal.
Isang mini concert ang aming gagawin para sa project namin sa subject naming MAPEH.
Ito ang dahilan kung bakit kami pinagperform ng aming teacher noon sa harapan ng buong klase upang malaman kung saang linya kami mapupunta.
Flashback
' Ok class! Sasabihin ko na sa inyo kung bakit ko kayo pinagperform sa harapan noong nakaraang linggo' panimulang bati ng aming teacher.
' Itoy upang malaman ang inyong kakayahan at macategorize kayo sa talent kung saan kayo magaling'. dugtong pa ni teacher.
'Marami sa inyo ay magaling sa larangan ng pagkanta kaya naman ang mga taong babanggitin ko ay yun ang magiging papel para sa inyong project sa subject na ito' pagpapatuloy pa nito.
Nagbulong bulungan ang mga kaklase ko. Nagtataka ang karamihan kung anong project ang tinutukoy ni teacher.
Nagpatuloy ang aming teacher sa pagsasalita at isa isang tinawag ang mga pangalan ng aking kaklase na nabibilang sa larangan ng pag-awit. At sa kasamaan palad ay kasama ako at si paj sa mga tinawag.
'Ang mga pangalan na aking binanggit ay ang nabibilang sa larangan ng pagkanta,'sabi ni teacher.
'At mga susunod na tatawagin ko ay nabibilang naman sa larangan ng pagsayaw,' wika ulit nito.
Isa isang tinawag ni teacher ang mga pangalan ng natitira kong kaklase at kabilang si mj doon at kasama pa rin ang pangalan ni paj.
Kung nagtataka kayo kung bakit may nabibilang sa larangan ng pagsasayaw. Bukod kase sa pagkanta ay nagperform din kami ng sayaw sa harap ng buong klase.
Ang buong akala namin ay parte lamang iyon ng aming lesson ngunit may iba pa palang balak si teacher sa pagpapagawa sa amin noon.
'Nagtataka siguro kayo kung bakit ang ilan sa inyo ay dalawang beses natawag ang pangalan' tanong ni Sir.
' Ito ay dahil nakita nyo naman na halos lahat sa inyo ay napunta sa larangan ng pakanta at halos wala ng natira sa pagsasayaw kaya ipinasya kong dalawa ang ipeperform na talent ng mga piling studyante na magaling sa parehong larangan,'mahabang paliwanag ni teacher.
'At kagaya nga nang sinabi ko kanina ay magpeperform kayo para sa inyong project at ang project na ito ay isang mini concern na gaganapin sa huling linggo bago magsembreak,' pahabol pa nito.
Halos lahat ay nagulat dahil sa sinabi ni teacher. May ilan na nagrereklamo dahil parang masyado raw mabigat na gawain ang isang mini concert para lamang sa isang project.
' Sir ,hindi po ba parang masyadong mabigat ang isang mini concert para sa project lang ,? Lakas loob na pagtatanong ng isa sa aking mga kaklase.
'Hindi naman dahil ito ay isang cost for a benefit mini concert. Magiimbita tayo ng mga manood upang makalikom ng pera upang makatulong sa mga nangangailangan. Ang perang malilikom natin ay ipang tutulong natin sa mga taong nasalanta ng nagdaang bagyo. Bukod pa roon ang matitira ay siyang gagamitin natin upang magconduct ng isang fieldtrip kapalit ng pagod nyo sa gagawin nyong mini concert,' mahabang paliwanag ni teacher.
Marami ang naexcite sa kanilang narinig ngunit hindi sa pagpeperform kung di dahil sa fieldtrip pagkatapos ng concert. At may ilan pa rin na nagrereklamo.
' kaya dapat galingan nyo dahil nakasalalay sa inyo ang pagiging matagumpay ng inyong mini concert,' huling wika ng aming teacher bago tumunog ang bell.
End of flashback
Kaya ito kami ngayon abalang abala sa pagpaparaktis halos araw araw nalang nageensayo hindi para maging maganda ang aming performance kung hindi dahil para matuloy ang fieldtrip.
' Oy bhest hindi ka ba magpapraktis ng pagkanta mo,'? tanong sa akin ni mj.
'Hindi muna sa ngayon medyo paos na ko baka pagdating ng mismong concert hindi na ako makanta,' sagot ko.
Twing sabado at linggo ay nagpapraktis pa rin kami kaya halos maubusan na ako ng boses dahil dito.
'Hoy Jhin! wala kabang balak manlang makipagparticipate sa sayaw ? Ikaw na lang ang hindi nakikiisa ,' inis na tanong ni Rustan drake na aming vice president sa classroom.
'Wala,' tipid na sagot nito.
'Ano!?wala kabang pakialam sa grades mo! Baka nakakalimutan mo hindi lang grades natin ang nakasalalay dito. Kung hindi pati na rin ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.,'!! galit na sagot ni drake.
' And so!? Ismid na sagot ni paj at mabilis na tumayo.
'At talaga palang, saan ka pupunta!? Kung wala kang pakialam sa kanila pwes kami meron!! Kaya kung ayaw mong makiisa bahala ka sa buhay mo!!!,' namumula na sa galit na saad ni drake.
'Ok fine,' tipid na sagot ni paj at naglakad palabas ng room.
Akmang hahabulin pa ni drake si paj pero napigilan sya ni beth na aming class president.
'Grabe talaga yang lalake yang walang man lang pakikisama,' saad ni mj ng mahupa ang tensyon sa room.
Tingin lamang ang ginanti ko kay mj at sinundan ng tingin ang papalayong si paj.
Kung tutuusin tAma si drake ang concert na ito ay hindi lamang para sa amin kung hindi para rin sa mga nasalanta ng bagyo. At isa pa ayon kay teacher ibabase nya ang grades bilang grupo at hindi individual.
Natapos na ang praktis ngunit hindi na bumalik pa si paj.
.

YOU ARE READING
MY ONE LAST CRY
Short StoryAng pag- ibig ay parang isang bunga ng punong kahoy. Sa una mura pa, parang puppy love lang. Pero habang tumatagal pasarap ng pasarap. Yun ang tintawag na first love. Siya yung nagbibigay ng kilig at inspirasyon sa atin. Parang mangga na maniba pa...