The Heartbreak

77 2 1
                                    

My shattered dreams
    and broken heart,
Are mending on a shelves.
I saw you holding hands,
standing close to someone else.
Now i sit all alone,
wishing all my feelings was gone.
I give my best to you,
nothing for me to do.

I'll stop the song cause' it brings me so much pain every time i hear it.  But on a second thought, i always wanted to hear it.

Dahil sa kanta na yan naaalala ko ang nakaraan kung saan labis akong nakadanas ng sakit at kalungkutan.

Kung saan umasa ako at nangarap kasama ang babaeng pinakakamamahal ko.

Masasayang araw na magkasama kami at nagkukulitan at nagtatawanan.

Nangagarap ng magandang buhay sa hinaharap kapiling ang isa't isa.

Ngunit hindi ko akalain na hanggang pangarap nalang pala ang lahat. Na sa  isang iglap  ang mga masasayang  araw at alaala ay ganun lang kadaling maglalaho.

They betrayed me! Niloko... Ginago.. Bakit sa lahat ng tao sila pa? Sila pang lubos kong pinagkakatiwalaan? Ano bang naging kasalanan ko sa kanila?

Hindi ako makapaniwala na sinasabi  ngayon  ni RAM sa harapan ko ang mga bagay na ito.

'Hindi kita mahal' wika nya habang nanggigilid ang luha.

'Ram, ano bang sinsabi mo'? naguguluhan kong tanong.

' Im sorry Jin, nagkamali ako'. sagot nya habang pinipigil pumatak ang luha.

'Nagkakamali saan? Ram, hindi ko maintindihan'? nalilito kong tanong.

'Alin ba ang hindi mo maintindihan? Mahirap bang intindihin na hindi kita mahal..... Hindi pala kita mahal' at tuluyan ng tumulo ang kanyang luha.

'Ano bang sinasabi mo jan? Nagbibiro ka ba? tanong  ko habang  nagbabadyang manggilid ang mga luha ko.

'Mukha ba kong nagbibiro ha!!! ? Hindi kita mahal!!!! Hindi kita mahal!! ! ' sigaw nya habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang pisngi.

'Pero bakit? Akala ko ba mahal mo rin ako? Akala ko ba....

'Akala mo lang yun!! pagputol nya sa sasabihin ko.

'Niloko lang kita! Pinaasa! Dahil ang totoo si Axel.. Sya ang mahal ko!

Parang nabingi ako sa aking nadinig. Parang hindi kayang tanggapin ng utak ko ang mga sinabi nya.

' Hindi totoo yan! Hindi totoo yan!!! hindi ko napigilang sumigaw dahil sa galit.

'Yun ang totoo' mahina nyang sambit sa pagitan ng pahikbi.

'Pero bakit!!? Bakit?  matiim kong tanong habang hawak sya sa magkabilang balikat.

'bakit mo ko pinaasa na mahal mo ko? Bakit mo hinayaang isama ka sa mga pangarap ko? Bkit hinayaan mo kong mangarap na may magandang bukas para sa ating dalawa? ' bakit???!!!!. Sunod sunod kong tanong..

'Sorry! Im so sorry' tangi nyang naisagot habang humahagulgol.

'Sorry!!!? Anong magagawa ng sorry mo ha!!? Maaalis ba ng sorry mo yun sakit na nararamdaman ko ngayon?

'Pinaasa mo ko!! Pinagmukhang tanga! Ginago!! mariin kong sumbat sa kanya.

'Hindi ko sinasadya'.  habang patuloy sa pagiyak.

'Hindi sinasadya!?? Ano yon bigla mo nalang naisip hindi pala ako ang mahal mo at sya!!? Sya pala!!? Ganon ba yon'?  at tuluyan ng tumulo ang aking mga luha..

'Ginawa ko ang lahat para sayo Ram! Binigay ko lahat ng makakaya ko para lang patunayan sayo kung gaano kita kamahal. Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat!!?  habang humahagugol na rin ako sa pagiyak.

'hindi Jin, sobra sobra pa nga ginawa mo'.

'kung ganon!? Bakit!!? Bakit mo ginagawa sakin to!!?

Tanging hikbi nalang ang kanyang naisagot.

'Mas mahal mo ba sya? tanong ko kahit natatakot akong marinig ang kanyang isasagot.

Tanging tango lang ang kanyang naging sagot.

Lalong nadagdagan ang sakit na aking nararamdaman dahil sa kanyang pagtango.

' Kinamumuhian ko kayo! Hinding hindi  ko kayo  mapapatawad! Simula ngayon kalimutan nyo ng naging magkaibigan tayo. Kalimutan nyo ng nakilala nyo ko. Dahil simula ngayon kakalimutan ko ng lahat.!!! Hindi ko kailangan ng mga kaibigang manloloko at traydor..!!

Simula noon ay hindi na ulit ako nagpakita sa kanila. Isa ito sa mga dahilan kung bakit pumayag ako na lumipat kami ng bahay.

Akala ko sa paglipat namin makakalimutan ko ang lahat. Mawawala ang sakit.

Pero nagkamali ako dahil hanggang sa paglipat namin dala dala ko rin ang sakit ng alaala ng nakaraan.

Ang hirap kalimutan nang isang bagay na gusto mong kalimutan. Our minds can forget everything but our hearts  will never can. Especially those happy memories that makes us believe that there is a happy ending.

Lalong lalo na dun sa mga taong pinagkatiwalaan natin ng sobra.
Sabi nga nila TRUST is just a simple word but the truth is it is not.

TRUST? It took a years to earn. A second to break and a decades to gain again.

If somebody  chose  to broke our trust on them. It is not our lost.

Ang mahalaga sa bawat pagkakamali natin natututo tayo.

Sa pagsilip sa nakaraan bumalik ang sakit .Sakit na hinding ko makakalimutan.

Sakit na dadalin ko hanggang kamatayan.

MY ONE LAST CRYWhere stories live. Discover now