Chapter 2

3K 48 4
                                    

Minulat ko ang aking mata at pinatay ang alarm clock. 8am palang ng umaga. Nakakapanibago ang bago kong kwarto, masyadong maliwanag hindi katulad dati na itim ang kisame at sobrang dilim sa kwarto ko.

Kahit gising na ang diwa ko, hindi ko pa rin nagagawang bumangon. Malapit na ang pasukan. Maganda kaya ang skwelahan dito? Noong pumunta kami sa skwelahan na papasukan ko, maganda naman ito. Maraming puno, may malaking field at marami rin tindahan na nakapalibot.

Na-enrol na ako last week, private school ang napili ni nanay kahit okay lang naman kung public. Mas pipiliin kong sa public nalang mag-aral para iwas gastos, kaso si nanay ang masusunod.

Bumangon ako at pumunta sa bintana. Maganda ang panahon, hindi gaano mainit at hindi malamig. Tamang tama lang sinag ng araw. Maraming batang naglalaro at mga tricycle na dumadaan. Kinawayan ako ng isang bata at kumaway ako pabalik.

Sa isang linggo namin dito ni nanay, marami na akong nakilala ngunit puro bata naman. Isa na doon ang mga kapatid ni Andrei na si Caleb at Isha. Si Caleb ay pitong taon at si Isha naman ay limang taon palang. Lagi silang pumupunta sa bahay na may dalang laruan o kaya'y ako naman ang pumupunta sa kanilang bahay.

Nagpasya akong maligo muna at dahil linggo ngayon baka magpapatulong si nanay pumunta sa ukay-ukay. Kumuha ako ng damit pamalit at isang tuwalya. Pumasok ako sa aking banyo at inayos ang aking damit.

"Drei?"

Kinuha ko ang tuwalya at binalot sa aking sarili. Lumabas ako at nakita ko si Andrei na naka-upo sa higaan ko.

Medyo nanlaki ang mata niya at medyo pumula ang pisngi. "Bakit?" Tanong ko.

Tumayo siya at tinignan niya muna ako mula leeg hanggang paa. Umiwas siya ng tingin sakin at nagkamot ng ulo, "A-Ah, pinapatawag ka kasi ni tita Em, kakain na daw." Sabay iwas ng tingin.

"Pakisabi nalang na maliligo pa ako." Tumango siya at nanatiling nakatayo, "Pwede naman na mauna na kayong kumain, sandali nalang ako pakisabi." Tumango ulit siya at mabilis na lumabas.

Bumalik ako sa banyo at pinagpatuloy ko ang pagligo. Nong matapos ako ay nagbihis ako ng maong at simpleng v-neck na t-shirt na kulay pink. Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang electric fan, pinaka-ayaw ko kasi sa lahat ay basa ang buhok ko.

At ng matapos ako ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina, nandon si nanay, Andy at Isha.

"Good morning nay." Lumapit ako sa kanya at umupo sa may tabing upuan katapat kay Andy. "Kumain ka na." Aniya.

Kumain na kami at napatanong ako kay Andy, "Nasaan si Leb?" Sabi ko habang sumusubo ng pagkain. Nakayuko siyang kumakain at nagsalita ng hindi tumitingin sakin. "Sinama siya ni mama at lola, gusto daw kasing makita siya ng isa pa namin na lola."

"Bakit si Isha hindi kasama?" Walang kamuwang muwang kong tanong sa kanya, hindi siya sumagot dahil nauna si Isha, "Hindi po kasi ako gusto ni lola Niña dahil babae daw ako."

Napatingin ako kay Isha na patuloy lang sa pagkain, kaya kay Andy ako tumingin. Umiling nalang siya hudyat na ayaw niyang iparinig kay Isha kung ano ang totoong rason. Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Wala naman tayong magagawa kung may ayaw ang isang tao, pero masyado pang bata si Isha. Inosente at wala pang kaalam alam sa nangyayari sa mundo, masyado akong curious kung ano ang dahilan ng lola niya. Nahihiya naman ako kay Andy dahil nakikita ko sa kanya ang lungkot sa kanyang mata.

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon