Chapter 3

2.4K 48 2
                                    

Naghugas muna ako ng mga pinagkainan bago kami umalis ni nanay, nagpasya na rin na isama sila Andy at Isha tutal ay nandito na rin naman sila at wala naman daw gagawin.

Nilalakad lang namin ang ukay-an dito. Mga tatlong kanto lang bago makarating doon. Nasa left side ko si nanay at nasa may right ko naman si Isha, pinagigitnaan namin siya ni Andy, hawak ko ang kamay ni Isha at hawak niya rin kay Andy. Maraming bumabati sa amin na mga naging kumare ni nanay. Nakakatuwang makita siya na nakikipagtawanan kay nanay. Atleast alam kong hindi siya malungkot sa paglipat namin dito.

Naging mahirap ang buhay namin sa dati naming tirahan, sobrang depress si nanay dahil sa pagkawala ni tatay at lola. After kasing mawala ni tatay sa sobrang stress ni lola ay hindi niya nakayanan, nakakalungkot at sobrang sakit dahil dalawang tao ang nawala sa amin ni nanay.

Masaya man si nanay, pero alam ko sa likod ng mga ngiti niya, nasasaktan pa rin siya at para sakin pinipilit niyang maging masaya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayoko ng magtrabaho si nanay. Wala ang lolo dahil may iba siyang naging asawa, nakakainis rin isipin na hindi man lang niya dinalaw ang lola noong pumanaw siya.

Noong bata naman ako, sobrang close namin ni lolo. Siya ang pinakapaborito ko sa lahat, naalala ko pa na muntik na mag-away si tatay at lolo dahil sakin. Dahil inaagaw na daw ako ni lolo kay tatay.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami doon. Nagpunta kami sa mga puro damit o kung anu ano pang pang babaeng gamit katulad ng bra at panty. Natatawa ako kay Andy dahil minsan hindi siya makatingin o kaya'y yayayain niya si Isha na sa mga laruan nalang tumingin. Natatawa akong napailing sa kanya, ang cute niya kasi.

Maraming nabili si nanay para sa akin, ang mumura lang kasi. Binigyan din ni nay si Andy at Isha dahil sa pagsama nila sa amin.

"Drei, pwede naman kayo munang maglibot, uuwi na muna ako para makapagluto ng tanghalian."

Tinignan ko si Andy kung gusto niya ba, at tumango naman siya. "Sige po." Sagot ko kay nanay.

Nagpaalam na kami sa kanya at pumunta sa may gitna kung nasaan may nagbebenta ng mga kakanin. Malaki ang ukay-an dito dahil magkakatabi lang bentahan ng mga pagkain at kung anu ano pa. Habang naglalakad kami ang daming bumabati sa akin na mga kaklase ko, ang daming nagtatanong kung kami na raw ba ni Andy. Ngumingiti lang ako dahil sa Andy nalang lagi ang sumasagot.

"Magkaibigan lang kami." Halata sa boses niya ang iritasyon kaya tinapik ko ang kanyang balikat.

"Hindi naman kami ni Andy, mag-bestfriends kami niyan e." Ani ko. Tumahimik nalang si Andy kaya nagpaalam na ako sa kanila na aalis na kami.

Sa isang linggo naging maging matalik kaming magkaibigan ni Andy, siya naman una kong nakilala noong bagong lipat kami dito. Tinutulungan niya ako sa gawaing bahay, tinulungan niya ako maglibot sa bayan, marami siyang pinakilala sa akin na mga kaibigan niya. Masasabi kong gwapo si Andy. Moreno, matangkad, maskulado, kahit anong anggulo matangos ang kanyang ilong, mapula ang labi, mabait at sweet siya sa lahat kaya hindi na nakakapagtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya. Isa na doon si Celine, unang pagkikita palang namin ayaw na niya sakin. Ayos lang naman dahil ayoko sa mga katulad niyang kikay. Laging naka-make up at maiikli ang suot.

Habang naglalakad kami napatanong ako sa kanya, "Andy, gusto mo ba si Celine?"

Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad pero medyo bumagal dahil sa tanong ko. "Hindi." Aniya.

"Bakit?"

"Iba ang gusto ko." Napatingin ako sa kanya at saktong nakatingin siya sa akin. Kulay brown ang kanyang mata at mahaba ang pilik mata, at tamang tama lang ang kapal ng kanyang kilay.

"Sino naman?"

Umiwas siya ng tingin sa akin at dumiretso ng lakad, "Secret, hindi ko sasabihin." Aniya.

"Ang damot mo!" Hinabol ko siya at sinapak sa braso, tumawa lang siya at humarap sakin. "Baka kasi magselos ka kapag sinabi ko." Nakangiti siya sakin kaya kumunot ang noo ko

"Asa naman na magseselos ako. Meron din ako no." Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko kaya siya naman ang kumunot ang noo. "Sino?" Aniya.

"Secret, hindi ko sasabihin." Tumawa ako at tumakbo papunta sa bahay. Tinawag niya ako ngunit hindi ko na siya nilingon.

**
Baka next friday or saturday na po ako makapag-update. 💕

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon