Hindi na kami nakapagsabay pumasok ni Andy, talagang iniwan na niya nalang ako. Nasa klase ako ngayon at nakikinig sa aming prof. Malapit na ang dismissal kaya lecture nalang ang ginagawa niya. Habang nagsasalita ito ay hindi ko mapigilan hindi lumipad ang isip, noong isang araw ay okay naman sila. Nagtatawanan pa. Ngayon nagbibiro lang ako tungkol sa relasyon nila dati ay bakit biglang ganon? Hindi kaya may feelings pa siya dito? Bumigat ang balikat ko at napabuntong hininga. Siguro nga, gusto pa rin ni Andy iyong babae.
Nag-ring ang bell hudyat na tapos na ang klase. Nagsi-tayuan lahat sila bukod sa akin. Maingay sila habang nagliligpit ng gamit at nagpapaalam sa isa't isa, may nagpaalam din sakin ngunit tinanguan ko lang mga ito. Sa oras na ito, pinupuntahan ako ni Andy para magtanghalian. Hihintayin ko nalang siguro.
Naghintay ako ng tatlong pung minuto, pero walang Andy na dumadating. Naghintay pa ako ng limang minuto, dahil baka may ginagawa pa sila. Hanggang sa lumagpas ang oras, malapit na magsimula ang klase ay kumain ako ng kakaunti.
Nang patapos na akong kumain ay may biglang kumatok sa aking pinto. Lalaking matangkad, clean cut ang kanyang buhok, may isang earing, maayos na uniporme. Medyo singkit ito at may pagkaputi ang kulay ng balat. Tinignan ko siya ng nagtataka.
"May kailangan po ba kayo?" Tanong ko. Lumapit siya sa akin at kumuha ng upuan at umupo sa harapan ko.
"Ikaw ba si Andrea?" Tumango ako. Bakit alam niya ang pangalan ko?
"Ako pala si Ahmon." Naglahad siya sakin ng kamay at tinanggap ko ito. Napansin kong hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay niya kaya ako na ang unang kumalas.
"May kailangan ka po ba?" Ulit ko. Nagsimula na akong magligpit ng pinagkain ngunit pinigilan niya iyon. Napatingin ako sa kamay niya at napatingin naman sa kanya. Nagsisimula na akong mainis at bago ko pa siya masabihan ay inunahan na niya ako.
"Kumain ka pa, male-late ang susunod niyong prof ngayon. Ang konti ng kain mo kanina, e." Ngumiti siya at umayos ng upo sa aking harapan. Kinalas niya ang kanyang kamay at tinitigan ako.
"Huwag mo nga akong titigan." Umiwas ako ng tingin at nagsimula ulit kumain. Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako, nakatitig pa rin ito at nakangiti. Tumigil ako sa pagkain at napabuntong hininga. "Hindi ako komportable tinititigan habang kumakain." Nakasimangot kong sabi.
Ngumiti pa siya lalo at nilapit ang mukha sa akin kaya napa-atras ako sa aking silya. "Ang cute mo kasi. Kahit nakasimangot ka at nakakunot ang noo, ang cute cute mo."
Uminit ang aking pisngi at medyo nanlaki ang mata dahil sa kanyang sinabi at dahil na rin sa lapit ng kanyang mukha. Mas lalong uminit ang aking pisngi dahil mas lumaki ang kanyang ngiti dahil sa aking reaksyon.
Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin, aakalain mong hinahalikan niya ako. Natigil ang pagtitig niya noong may maingay na pumasok. Mga kaklase kong lalaki na nakatigil sa tabi ng pinto. Tinitignan kaming dalawa ni Ahmon na nagtataka.
"Ahmon?" Tanong noong isa.
Sunud-sunod ang bati nila kaya medyo nalayo siya sa akin. Niligpit ko nalang ang pagkain ko at lalabas nalang sana pero napatigil din dahil sa sinabi ni Ahmon.
"Ah, nagsawa kasi ako sa U.S kaya bumalik ako dito. Tsaka hindi niyo naman sinabi na may maganda pala kayong classmate." Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sakin kaya tumingin na rin silang lahat sa akin.
Naghiyawan sila at tinukso kaming dalawa. Nagmadali akong lumabas dahil sa kahihiyan.
××××
Sorry po kung sabaw. Maraming nangyayari sa aking buhay ngayon. Char! Hahahaha. Basta ito na muna siguro. Mag-aupdate din po ako as soon as possible. ♡
