Chapter 7

1.6K 43 0
                                    

Hinayaan ko nalang si Andy at tinuloy ang pagluluto, wala naman akong magagawa kahit agawin ko sa kanya ang cellphone itataas niya ito para hindi ko maabot. Hindi matanggal yung ngiti sa kanyang labi kaya naiirita ako at nagsisisi na nagsuot ng bestida.

Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng adobo, naghanda na rin ako ng plato habang siya ay walang tigil na kakatingin sa kanyang cellphone.

"Baka malusaw na ako, maawa ka sakin." Lumapit siya sakin na tumatawa at umakbay, "Syempre, ang ganda mo kaya dito. Kahit malusaw ka na diyan ayos lang." Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napa-aray siya. Kinurot naman niya ako ng marahan sa pisngi at nginitian ako ulit.

Nag-iwas ako ng tingin dahil masyadong intense mga titig niya, "Kain na tayo." Yaya ko habang paupo.

Tumango siya at umupo sa tabi ko, nasa kaliwa ko siya. Nakita kong nilapag niya ang phone niya, nang balak kong kunin ito ay napatingin siya sakin at humalakhak kaya binulsa nalang niya. Napasimangot ako at nagpray, habang kumakain kami ay naalala ko yung babaeng kasama niya kanina.

"Andy."

"Hmm?" Aniya habang puno ang kanyang bibig.

Inisip ko pa kung paano ko ba itatanong kung nobya niya ba iyong babae kanina, "Girlfriend mo ba iyong kanina?" Napatingin siya sa akin na nagtataka, medyo matagal ang titigan namin kaya ako na ang umiwas ng tingin.

"Bakit?"

"Kasi sobrang close niyo kanina, nagtatawanan pa kayo. Bagay naman kayo e." Tumango ako at kumain nalang. Kahit hindi ko siya tignan alam kong nakatingin siya sa akin.

"Nagseselos ka ba?" Napaubo ako ng malakas kaya kinailangan ko pa uminom ng tubig! Inabutan niya ako at hinimas ang aking likod. Nakainom na ako pero patuloy pa rin ako sa pag-ubo, galit ba yung adobo sakin?

"Okay ka na?" Tumango ako at nagpasalamat. "So nagseselos ka nga?" Pag-uulit niya kaya tumingin ako sa kanya, nakikita ko sa mga mata niya yung pag-asa. Uminom ako ulit ng tubig bago sumagot, "Well.. medyo," Napahinga siya ng malalim, "Magkaibigan tayo e, hindi ako sanay na may iba ka pang kasamang babae bukod sakin." Hindi ko na siya nilingon at magpatuloy nalang sa pag-kain.

Pakiramdam ko kumirot puso ko. Bakit? Tumigil ako sa pagkain at tinitigan ko ito. Naguguluhan ako, magkaibigan lang naman talaga kami pero bakit kung magselos ako parang.. iba? Umiling ako at nawalan na ng ganang kumain. Binalingan ko siya ng tingin at tulala ito. Maya maya pa ay nagsalita si Andy.

"May gusto ka ba, Drei?" Nang tinignan niya ako ay umiling lamang ako. Tumango siya ng konti at nagsalita ulit, "Paano kung may nagkagusto sayo?" Tumawa ako at tinignan siyan muli, akala ko nagbibiro siya kaya tumigil ako. Ang seryoso ng mga mata niya. Lumunok ako bago sumagot, "May magkakagusto ba sakin Andy? Tignan mo ako, napaka-manang na mukhang ewan. Sa tingin mo meron magkakagusto sakin?"

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin, "Bakit ba napakababa ng tingin mo sa sarili mo?" Halata sa kanyang boses na galit siya. "Wala naman sa kaanyuan iyon Drei. Nasa pag-uugali iyon ng tao, iyon ang hinahanap ng karamihan." Tumingin ang mga galit niyang mata sakin. Hindi na ako sumagot, "Bakit ang big deal sayo kung wala o meron man magkakagusto sakin? Hindi ko iyan kailangan." Tumayo ako dahil ayoko na siyang makausap pa. "Umuwi ka na, gabi na." Tsaka ako tumalikod at iniwan siya sa kusina. Palabas na sana ako ng bahay ng hilahin niya ang aking braso kaya napaharap ako sa kanya.

Tinignan ko siya sa mata at nakita ko itong malungkot. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Drei." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko kaya napatingin ako don. "G-Gusto kita.."

Napatigil ako pati ang paghinga ko, tumingin ako sa kanya na gulat na gulat. "Nagbibiro ka ba?" Tanong kong pahisterya, umiling lang siya. "Gusto kita Drei.. matagal na.." Suminghap ako at napakagat labi. "Hindi ko masasabing mahal na kita, pero alam ko sa sarili ko na gusto kita Drei. Gusto ko lahat iyong tungkol sayo, kahit manang ka, panlalaki ang pananamit, simple.."

Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit, mas lalong nanlaki ang mata ko. Hindi ko sinuklian ang yakap niya.

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero sa tuwing nakikita kita at nakakausap, masaya ako." Humigpit pa lalo ang kanyang yakap sakin kaya humawak ako sa kanyang balikat. Hindi ko magawang magsalit dahil sa gulat. Hindi pa rin maproseso ng aking utak.

"Andrei.."

Napahiwalay kami dahil sa boses ni nanay, nakita namin siya sa may tabi ng pinto. Kinabahan ako dahil baka magalit si nanay sakin. Walang nagsalita, mga insekto lang ang nagbibigay ng ingay. Napalunok ako at magsasalita sana.

"Kayo na ba?" Ngumiti siya ng malawak sa amin kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin.

"Hindi nay!/Hindi po!" Sabay naming sabi ni Andy. Tumawa lang si nanay at lumapit sa amin.

"E ano iyong nakita kong yakapan kanina?" Nakangisi niyang sabi sa amin.

×××××
Pasensya na kung maikli lang, wala ako sa katinuan ngayon. Hahaha. Please bear with my update! 😚😂 Xoxo

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon