Chapter 14

967 30 4
                                    

Nakaupo kami ngayon sa mahabang sofa na may tela pa. Konti lang ang gamit sa loob, tulad nalang ng sofa, lamesa, tatlong upuan, at iyong iba ay gamit sa kusina, tulad ng ref, at isa pang lamesa. Buti nalang may tuwalya si Ahmon dito, hindi naman kami nabasa ng sobra kaya ayos lang.

Tahimik lang kami na nakatingin sa apoy, ginawa namin ito kanina para medyo uminit naman. Walang nagsasalita sa amin, wala din naman akong alam sabihin sa kanya kaya mas pinili ko nalang din manahimik. Tinignan ko ang oras sa aking relo, saktong 7 na ng gabi. Pero ang lakas lakas pa rin ng ulan.

"Ano.." napatingin ako sa kanya.

"Kung gutom ka, may pagkain dito." Aniya habang nakatitig pa rin sa apoy. Umiling lang ako. Mukhang hindi na magtatagal ito, kaya kailangan pa ng kahoy. Tumayo ako para lagyan ulit ito.

Nagstay ako ng kaunti dahil sa sarap sa balat ng init. Sobrang lamig ngayon gabi. Tumayo ako ulit at babalik na sana sa sofa, ng may naramdaman akong init na bumalot sa katawan ko. Nagulat ako at nanigas.

"A-Ahmon?"

"Hmm.." lumunok ako bago ako ulit nagsalita. "Bakit mo ako ni-niyayakap?" Sa tanong kong iyon, mas lalo pa niya hinigpit ang yakap sakin. Sobrang init, pero hindi nakakapaso. Masarap sa pakiramdam. Nanatili kami ng ilang minuto bago niya ako pinakawalan. Nakatayo lang kaming dalawa. Walang gumagalaw.

"I think I like you."

Nagulat ako roon, nanigas ako sa kinakatayuan ko. Mga ilang segundo ay tumingin ako sa kanya, diretso sa kanyang mata. "Nagbibiro ka ba?" Tanong ko habang patawa tawa.

Ako lang ang tumawa sa amin, kaya tumigil din ako. Makita siya na parang wala lang ang tanong ko ay medyo kinabahan ako. "Jinojoke time mo lang ako diba?" Umiling siya sa aking tanong at medyo lumapit sa akin, ako naman ay umatras. Nakita niya iyon kaya tumigil siya.

"I don't know, ang gaan ng pakiramdam ko sayo. Makita lang kita masaya na ako." Aniya habang nakatingin ng mariin sakin. Lumunok ako bago magsalita, "Hindi naman tayo magkaibigan, hindi rin naman tayo madalas nagkakasama. Paano mo nasabi yan?"

Medyo lumukot ang mukha niya sa sinabi ko. Na-offend ko ba? "Atsaka, ang dami mo nakakasalamuha na babae. Bakit sa akin mo pa yan naramdaman?" Nakatingin pa rin siya sakin ng seryoso, habang ako ay kinakabahan at hindi alam ang gagawin.

Lumapit ulit siya sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Can I kiss you?" Nagulat ako roon, hindi na nakapagsalita pa dahil mas nilapit niya ang mukha niya sakin. Dahan dahan, hindi nagmamadali. Pumikit siya at naghihintay nalang maglapat ang aming labi, nang kumidlat ng malakas, ay pareho kaming nagulat. Napasigaw ako at yakap sa kanya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pinaghalong kaba sa gagawin ni Ahmon at dahil sa kulog. Nagpapasalamat na din ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag.. nahalikan niya ako.

Humiwalay ako sa kanya at nahihiyang tumingin sa ilalim, "A-Ahmon." Tawag ko sa kanya, hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. Mukha siyang masaya ma malungkot, na ewan. "May iba k-kasi akong g-gusto, pasensya na hindi ko mapauunlakan nararamdaman mo para sakin." Sabi ko ng walang preno at yumuko ulit. Tumahimik ng dalawa o tatlong minuto bago siya tumikhim. Nag-angat ako ng tingin, at nakangiti siya ng kaunti.

"Pero papayagan mo naman siguro ako manligaw? You can't say no, I've almost kissed you kung hindi lang kumidlat," uminit ang aking pisngi at yumuko ulit, "sana nga hindi kumidlat e." Sabay tawa niya. Nakayuko pa rin ako na nahihiya habang siya ay tumatawa.

"Drei, alam ko masyado pang mabilis sa iyo to. But, I really like you."

***

Huy grabe!!!! Sa totoo lang wala na talaga ako balak i-update to kahit short update lang. Pero nakakakonsensya naman kasi ang dami na nagcocomment. Huhu. Feeling ko kasi hindi naman kaabang abang story ko. :c
So ayun, sorry po sa mga pinaghintay ko ng sobrang tagal na panahon. Next time po ulit! Saranghaeyo mina-san!!!

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon