Hanggang sa mag-umaga ay pasukan nanaman hindi matanggal ang ngiti sa labi ni nanay. Kada tingin niya ay laging may kahulugan. Napauwi nga si Andy ng maaga kagabi dahil sa kahihiyan, kahit pati ako ay nagkulong nalang sa kwarto.
Normal lang naman sa magkaibigan ang magyakapan diba? Umiling ako sa aking tanong at nag-ayos para sa skwelahan. Nang matapos ako ay tsinek ko muna ang aking cellphone, maraming text ni Andy doon na kanina pa palang umaga.
Andy:
Good morning!Andy:
Gising na oy.Andy:
Sabay tayong pumasok ha, hintayin kita. :)Nanibago ako sa text niya, sa tuwing nagtetext siya noon wala naman smiley. Napangiti ako at nagtipa.
Ako:
Good morning! Mukhang nasa mood ka a? Ganda ng ngiti. Haha!Nang i-send ko ito at ibababa sana ay biglang tumunog, ang bilis niya magreply. Tapos na ba itong mag-ayos?
Andy:
Paano naman ikaw? First time ko makabasa ng tawa sa text mo. :DAko:
Lahat naman first time sayo. Pwede ba? Tao rin ako, kaya kong tumawa. Lol!Naeengganyo ako sa pag-uusap namin kaso biglang kumatok si nanay, "Anak, gising ka na ba?"
Napatayo ako, hindi ko napansin yung oras. Agad akong pumunta sa pinto at binuksan ito. Nakita ko si nanay na nakangiti nanaman, "Akala ko tulog ka pa. Papagising nalang sana kita kay Andy."
Uminit ang pisngi ko, "Tigilan mo nga ako nay, nagkatampuhan lang kami kagabi kaya ganon.." Tumango lang si nanay tila hindi naniniwala. "Kain ka na, nasa kusina na rin si Andy. Kanina pa iyon dito." Tumango ako at kinuha ang bag at pumunta na sa kusina.
Nakita ko siya na nagcecellphone nanaman kaya hindi napansin ang pagdating ko. Sa sobrang busy niya nakanguso na siya. Kinuha ko ang phone ko at nilagay sa camera. Nagclick ito ng malakas kaya napatingin siya sakin. Tinignan ko muna ang kinuha ko at natawa. "Para kang bata dito, malapit na humaba nguso mo." Pinakita ko sa kanya sabay halakhak ko. Bago pa niya makuha ay ni-lock ko ito at nilagay sa bulsa. Binelatan ko siya kaya siya napasimangot.
"Kain na nga kayo, para kayong mga bata." Binelatan ko ulit siya bago nagsimulang kumain at binelatan rin ako, hanggang sa matapos ay hindi na pinahugas ni nanay sakin ang mga pinagkainan, baka ma-late pa raw kami. Ang aga aga pa naman.
Nagpaalam na kami kay nanay at nagsimula ng maglakad. Habang naglalakad ay nagkukulitan kami tungkol sa picture na kinuhanan ko kanina. "Ginantihan lang kita sa pagkuha ng picture sa akin kagabi!" Sabi ko ng natatawa. Mas lalo siyang sumimangot, "Maganda ka don, e. Paano naman ako sa nakanguso ako? Delete mo yan!"
Uminit ang pisngi ko sa salitang maganda, nahihiligan ko na mainitan ang mukha ha? Nagpaypay ako at nginitian nalang siya at tumingin sa kalsada. Sumagi sa isip ko iyong babae kahapon, ayos lang kaya kung itatanong ko ulit? Kaso baka sabihin niyang nagseselos ako. Curious lang ako, e.
Tumingin ako sa kanya ng makita ko siyang nakatingin sakin ay bahagya kaming nagulat parehas, kaya sabay kaming umiwas ng tingin. Muling uminit ang pisngi ko kaya mas lalo ako nagpaypay sa sarili.
"Girlfriend mo ba talaga iyong kahapon?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Ex." Simpleng sagot niya kaya tumango nalang ako. Ex na pala bakit kung magdikit sila kahapon ay parang sila pa rin? Bakit ba ako naiinis? Lalo na doon sa babae? Wala naman siyang ginagawa, pero kapag naiisip ko siya bigla nalang ako makakaramdam ng inis.
"Ilan taon kayo?"
"Buwan lang, mga.. walo?" Napatingin ako sa kanya dahil ang seryoso ng boses niya pati ang mukha.
Ngumisi ako na para bang nang-aasar, "Pinagsawaan ka niya ano?"
Nandilim ang kanyang mukha kaya nawala mga ngiti sa labi ko, tumigil siya sa kakalakad kaya napatigil rin ako.
"Wala ka ng pake doon."
Nagulat ako dahil sa malamig niyang sagot, naglakad siya ulit pero hindi ako sumunod. Natulala ako ng ilang saglit at tinignan siyang nauuna, hindi man lang ako hinihintay. Na-offend ko nanaman ba siya?
Pangalawang beses na naming tampuhan to, hindi ako sanay.. nasasaktan ako.
Hindi ko naman sinasadya na itanong sa kanya iyon.. So tama ako? Pinagsawaan siya? Bakit?
××××
Yay! Another update, so far so good! Lol. Naisipan ko lang kasi ang boring sa school kanina. Kaya ayan. Hahahaha.
