Chapter 1

7.6K 109 8
                                    

Welcome to Brgy. Blanca. Habang abala sila sa pag-baba ng mga gamit ito ang nakita kong nakalagay sa itaas ng poste. Makalawang at mukha na itong magigiba. Maraming sasakyan na nakaparada sa gilid at isang drugstore.

Bagong lipat lang kami at kahit taong probinsyana ako hindi ako sanay na maraming sasakyan dahil sa amin noon ay puro kalabaw at kabayo o bisekleta lang ang gamit. Ang daming taong nakatingin sa amin habang naglalakad, hula ko ay nagtataka kung sino kami.

"Drei, tulungan mo ako rito." Tawag sa akin ni nanay.

Ang mga kagamitan namin ay naipasok na lahat sa bago naming bahay. Hindi ito kalakihan pero sakto para sa amin'g dalawa. Kulay itong cream ngunit malapit ng matabunan dahil sa kapal ng dumi. Siguro lilinisin ko ito bukas o sa makalawa na. May gate na pula, at mukhang bagong gawa. "Nay, pinagawa mo ba itong gate?" Tanong ko.

"Oo, e. Kahoy lang kasi ito dati. Pati ang bakod ay pinaayos ko na rin." Aniya. Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit sa loob ng bahay.

Sa loob naman ay hindi ganon kalaki at hindi ganon kaliit. May tatlong pinto, dalawa sa may gilid at isa naman sa kabila nito. Binuksan ko ang isang pinto na hula ko ito ay kusina, maganda ang pagkakagawa, may lamesa sa gitna nito at mga upuan. Malapad ang paglulutuan kasama na ang sink. Lumabas ako at binuksan naman ang isa, wala pang kagamit gamit, siguro ito ang magiging kwarto ni nanay. At yung isang pinto ay wala rin kagamitan may isang bintana at hindi ganon kalawak kumpara sa isang kwarto.

"Nay, hayaan mo na muna mga iyan, kain na muna tayo."

"Tapusin ko lang ito, ikaw kumain ka na. Bumili ka ng mabibiling pagkain diyan, meron naman sa malapit." Aniya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya sa likod, "Hindi nay, sabay tayong kakain. Hayaan mo na muna iyan."

Tumawa siya at humarap sa akin, "Ikaw talaga, ayaw mong nakikitang nagtatrabaho si nanay." Ngumiti lang ako dahil totoo naman iyon.

Ayaw na ayaw kong nagta-trabaho si nanay, kung pwede lang patigilin siya at ako na ang magta-trabaho ang kaso lagi niyang nirarason na wala kaming ipangkakain at ayaw niyang ako ang bubuhay sa amin since bata pa raw ako at siya ang magulang. 

Kaya imbis na siya lang nagta-trabaho, tinutulungan ko nalang siya.

Bago kami lumabas may kumatok sa aming pintuan. Si nanay ang nagbukas at may isang lalaki na nakatayo may hawak na bilao. Matangkad siya, kayumanggi, chinito, kulay brown ang buhok, nakasuot ng simpleng t-shirt na puti at maong na short. Sa tingin ko ay kaedad ko lang siya.

"Magandang tanghali po."

"Magandang tanghali din hijo, anong maitutulong namin sayo?"

Lumapit ako kay nanay at hinintay ang sagot ng lalaki, nakatingin din siya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay, "Ah, pinapabigay po ni mama. Since bagong lipat daw kayo dito at welcome na welcome po kayo dito."

"Naku, maraming salamat. Anong pangalan mo hijo?" Kinuha ni nanay yung bilao at inabot sakin.

"Andrei po."

"Emily naman ang pangalan ko pero tawagin mo nalang akong tita, at ito naman anak kong si Andrea."

"Hi." Nginitian ko siya at nakipag-shake hands, "Drei ang palayaw ko. Nice to meet you."

Ngumiti siya sakin at bumaling kay nanay, "Alis na po ako. Nice to meet you po tita."

Tumalikod na siya at sinara naman ni nanay ang pinto, "Ang gwapo no?"
Nginitian ako ni nanay na parang nang-aasar.

"Type mo 'nay?" Tumawa lang siya habang kinukuha ang bilao sakin at dumiretso sa kusina.

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon