Chapter 10

1.6K 42 2
                                    

Na-late nga ang prof namin kaya hindi na siya nagdiscuss sa klase, ipinakilala niya nalang si Ahmon sa amin na bagong dating daw galing U.S. Anak pala siya ni Mr. Watanabe na ang may-ari sa school na ito kaya madali lang siyang makapasok dito.

Ahmon Watanabe. Half filipino at Japanese ito, pure japanese ang kanyang ina at half naman ang kanyang ama. Ipinanganak daw ito sa Japan pero lumaki naman sa U.S. Sa sobrang lakas nila magkwentuhan lalo na ang mga babae na mukhang sobrang interesado sa kanya ay kahit ayokong malaman ay wala akong magagawa.

Madaming nakapalibot sa kanya, halos lahat ng mga kaklase ko ay masayang nakikipagkwentuhan sa kanya. Ako lang ang natitira at nakaupo sa pwesto ko. Napabuntong hininga ako at tumingin nalang sa labas ng bintana.

Hapon na kaya medyo hindi na mainit sa labas at mukhang papalubog na ang araw. Wala iyong dalawang huling prof namin kaya wala kaming ginawa sa maghapon, iyong iba ay nagkekwentuhan, iyong iba ay gumagawa ng project at iyong iba naman ay natutulog.

Kamusta na kaya si Andy? Kailangan ko sigurong magsorry sa kanya mamaya. Pupuntahan ko nalang siya sa kanilang school. 4 na ng hapon kaya nag-ring na ang bell. Hudyat na tapos na ang klase at pwede ng umuwi.

Nagsi-tayuan ang lahat at maingay na nagsasaya, maraming nagyayayang lumabas tutal ay biyernes na at walang pasok bukas. Maraming nagtitilian na babae sa sobrang excitement nila. Tinignan ko sila isa't isa at nakangiti sila kay Ahmon, pero nang tinignan ko si Ahmon ay sa akin ito nakatingin na may ngiti sa labi. Umiwas ako ng tingin at nagsimulang mag-ayos ng aking gamit.

"Sorry girls, may kailangan akong puntahan e. Maybe next time kapag may free time ako."

Narinig ko silang nanlumo at pilit na niyayaya si Ahmon. Ako naman ay natapos nang magligpit ng gamit at palabas na ako ngayon sa room.

"Andrea! Wait!"

Hindi na ako lumingon dahil nasa tabi ko na agad si Ahmon na hingal dahil sa pagtakbo. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Bakit?" Mahigpit kong hinawakan ang mga libro ko at inayos ang sukbit ng aking bag sa balikat. Nakita niya iyon at kinuha ang mga librong hawak ko. Sa sobrang gulat ay nabitawan ko ito kaya nahulog. Inis akong suminghap at yumuko para kunin ang mga ito.

Yumuko rin ito at tinulungan ako sa pagkuha ng aking mga libro. Nang nakuha ko na lahat ay hinayaan nalang niya akong dalhin ang mga iyon. Mukhang naramdaman niyang inis ako.

Sabay kaming naglalakad palabas ng skwelahan kaya maraming nakatingin sa amin. O sa kanya. Lahat ng babaeng madaanan namin ay nakangiti at kinikilig na bumubulong.

"Hindi ka ba sasama sa mga kaibigan mo?" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya at patuloy pa rin sa paglakad.

"Hindi. Pwede ba kitang ihatid?" Tumingin ako sa kanya at nakangiti nanaman ito.

"Hindi, may pupuntahan pa ako."

"Edi pwede ba kitang samahan sa pupuntahan mo?"

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya ng maigi, "Trip mo ba ako? Ang daming pwedeng pagtripan, bakit ako pa?"

"Woah. Chill. Hindi kita pinagti-tripan."

"Ano lang?" Umiwas ako ng tingin at suminghap.

"The first time I saw you, I think I like you. Like at first sight?" Tinignan ko siya ng masama pero nakangiti pa rin ito.

"Iba nalang pagtripan mo, hindi ako interesado sayo." Nagsimula akong maglakad muli at sumunod ito.

"That's why I like you. Iba ka sa mga babaeng nandito. Ngitian ko lang sila, nahuhulog na sila sakin, ikaw kahit ngitian na kita ng pamatay kong ngiti, hindi ka tinatablan." Tumawa ito na mukhang tuwang tuwa sa naisip.

"Ang sinasabi mo bang nachachallenge ka sa akin?"

"Parang ganoon na nga."

Tumigil na ako sa paglalakad at hinarap siya, sa biglang pagharap ko sa kanya ay nagkabungguan kami at malapit na akong matumba pero nahawakan niya ako sa bewang. Pumikit ako at hinihintay tumama ang likod ko sa daan. Pero wala ako naramdaman.

Minulat ko ang mata ko at sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi siya nakangiti, nakatingin siya sa akin kaya kitang kita ko ng malinaw ang kanyang mata. Kulay brown ito at medyo may halong kulay gray. Mahaba ang pilikmata at medyo singkit na mata. Hindi pa rin kami umaalis sa pwesto hanggang sa may tumawag sa akin.

"Drei." Napatingin ako sa gilid at nakita si Andy doon na masama ang tingin at nakakunot ang noo.

"Andyㅡ" Tumayo ako at inalis ang kamay ni Ahmon sa aking bewang, habang si Ahmon ay nakatingin pa rin  sa akin pero tumayo na rin ito ng maayos.

"Kung maghahalikan kayong dalawa, pwedeng sa kwarto? Nakakahiya dahil sa daan pa."

"Andyㅡ!"

Tumalikod siya sakin at nagsimulang maglakad paalis.

×××
Sabaw! Hahahahaha. Wala po ako sa katinuan, dapat nga mas masaklap pa gagawin ko kaso tinamad mga daliri ko. Lmao. Bawi next UD ~

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon