Chapter 13

1.4K 49 13
                                    


Nakatingin ako ngayon kay Andy habang siya ay nakatingin sa kanyang ex. Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, habang sila ay magkatinginan. Nakaramdam ako ng sakit kung paano titigan ni Andy ang dating mahal niya, o mahal pa rin niya hanggang ngayon?

Napaisip ako, paano kung infatuation lang nararamdaman ni Andy sa akin? Na nabibigla lang siya dahil palaging ako ang kasama niya? Na sa akin niya naibunton ang pagmamahal niya na dapat sa ex niya? Lumunok ako at nilakasan ang loob na magsalita, humarap ako sa babae "Hi! Diba ikaw yung kasama ni Andy nung nakaraan?"

Bumaling siya sa akin at nginitian ako, "Yes, I'm Jhoanna by the way." Itinaas niya ang kamay niya at tila nag-aalok ng shake hands. Ngumiti ako at nakipag-shake hands sa kanya. "I'm Andrea, Andrei for short." Sabay bitaw sa kanyang kamay.

Tumingin ako kay Andy at medyo hindi pa rin ito ngumingiti at seryosong nakatingin kay Jhoanna. Nagbabara ang lalamunan ko at hirap na hirap akong lumunok. Naiinis ako dahil hindi tumitingin si Andy sa akin. Kaya tinapik ko siya sa braso kaya nakuha ko ang atensyon niya, "Mauuna na akong umuwi--"

"Teka--"

"--Samahan mo nalang muna si Jhoanna, para makapag-usap kayo." Ngumiti ako sa kanya at nagmadaling umalis para umuwi. Bawat hakbang ko palayo sa kanila ay mabibigat at parang tila'y ayaw umalis. Sa totoo lang, ayaw ko talaga silang iwan dalawa. Gusto ko siyang isama sa akin, gusto ko siyang yayain umuwi at hayaan nalang nag-iisa si Jhoanna. Pero naisip ko na bigyan ko muna silang dalawa ng oras, dahil gusto kong malinawan si Andy lalong lalo na sa nararamdaman niya para sa akin o para kay Jhoanna.

Hindi ako selfish na tao, dahil iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Pero pagdating kay Andy, simula noong maramdaman ko itong pesteng feelings na ito para sa kanya ay mukhang nagiging selfish na ako. Gusto ko sa akin lang siya sumama, gusto ko sa akin lang siya nakatingin, nakangiti at gusto ko akin lang siya.

Pero hindi naman sa lahat ng oras, mapupunta sa atin ang gusto natin diba? I'm aware of that. Bata palang ako, sinasabi na sa akin ni nanay iyon. Tatak na tatak na sa isip ko iyon.

Tumingin ako sa itaas at mukhang makulimlim. Kaya nagmadali na akong umuwi bago pa umulan. Sa lalim ng isip ko hindi ko na napansin ang tao na nasa right side ko. Hinayaan ko ito at hindi nalang inabalang tignan. Narinig ko itong umubo ng mahina pero binalewala ko pa rin.

"Ang snobber mo naman miss ganda." Napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Ahmon pala iyon! "Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko.

"Uh, hinahatid ka pauwi?" Ngumiti siya sa akin na para bang wala lang ang pagsunod niya sa akin, "Hindi mo ako hinatid, stalker." Narinig ko siyang nag-'aw' na para bang sakit na sakit at nakahawak pa sa bandang puso niya.

"Grabe ka, hindi ba pwedeng admirer? Sa pogi kong ito stalker ang itatawag mo?"

Bumaling ako sa kanya at nakangiti ito ng parang enjoy na enjoy. "Alam mo mister ahmon? Hindi ko alam bakit sa dinami dami ng magagandang babae, e nags-stick ka sa panget? Akala ko naman may taste ka, wala naman pala." Inismiran ko siya at aalis na sana kung hindi niya lang hinawakan ang wrist ko.

Tinignan ko ito at pagkatapos ay tumingin sa mukha niya, "Bakit?" Sabay ng tanong ko ay kinaladkad niya ako, "Hoy! Saan mo ako dadalhin?!" Hindi siya sumagot at mabilis na naglalakad habang hawak pa rin ako. Pilit kong inaalis ang kamay niya, pero dahil sa lakas niya ay parang wala lang ito.

Hinayaan ko nalang siya kung saan niya ako dadalhin dahil nakakawalan lang ng lakas. Dumaan kami sa hindi pamilyar na daan kaya medyo kinabahan ako. "H-Hoy! Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tumingin ako sa paligid, wala masyadong bahay pero meron isang kubo sa hindi kalayuan. Mukhang ito iyong daan papunta doon.

Tahimik ang paligid, nakakarelax isabay pa ang malamig na hangin. Maririnig mo ang mga kanta ng ibon, hindi iyon masakit sa tenga, nakakadagdag pa ito ng kaginhawaan sa feeling.

Ilang minuto ay nakarating na kami sa kubo, hindi ito sira sira. Mukhang alagang alaga at malinis tignan. Tinignan ko lahat ang paligid, sa gilid ng kubo ay may garden at fish pond na maliit. Tinignan ko si Ahmon at nakatingin ito sa akin, "Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko.

Nagkibit balikat siya bago sumagot, "Wala lang, gusto lang kitang dalhin dito."

"Hoy! Baka mamaya bawal pumunta dito at baka mapagalitan tayo ng may-ari!"

Ngumiti siya sa akin, ngunit ibang ngiti ang binigay niya. "Kanina mo pa ako hino-hoy, may pangalan naman ako. Tsaka bakit kita papagalitan? Dinala nga kita dito para magrelax kahit konti."

Gulat ko siyang tinignan at medyo umawang pa ang bibig, "S-Sayo ito?"

"Yep, bigay sa akin ng mom ko." Ngumiti siya sa akin bago tumingin sa harap ng kubo.

"Bigay niya sa akin ito simula bata palang ako, niregalo niya sa akin ito noong kaarawan ko. Nag-wish kasi ako na sana magkaroon ako ng sariling bahay, iyong maganda, iyong tahimik, iyong makakapag-pawala lahat ng problema ko." Habang nagsasalita siya ay ramdam mo na malungkot siya, magsasalita na sana ako kung hindi lang bumuhos ng malakas ang ulan.

Tumakbo kaming dalawa sa kubo at pumasok sa loob.

*********

Heto na! Hahahaha, since I feel bad na meron pala akong pinaghihintay na mambabasa. For you guys! <3

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon