Chapter 4

2.1K 43 2
                                    

Lunes na at pasukan nanaman, last week noong first day ay mahirap mag-adjust dahil lagi ka nalang pinagtitinginan ng mga tao at magtatanong kung bago lang ba ako. 3rd year high school palang ako at ka-batch ko si Andy. Sa ibang school nga lang siya nag-aaral pero hindi naman kalayuan ang skwelahan nila. Kaya minsan kapag tanghalian ay magkikita kami sa park para doon kumain ng sabay.

Minsan may mga kasabay kaming kaklase niya o kaibigan namin, pero madalas ay kaming dalawa lang magkasama. Hindi siya boring kasama, masaya lagi ang usapan namin o paminsan minsan ay nag-aasaran kami pero nauuwi rin sa tawanan.

Nakakasabay rin namin si Celine na laging nakasiksik kay Andy, kaya minsan ayun ang awkward. Titignan nalang ako ni Andy na parang nanghihingi ng paumanhin kaya umiiling nalang ako. Ano bang magagawa ko kung gusto siya ni Celine?

Si Celine ang madalas mag-ingay dahil sa kwento niya kay Andy, tungkol sa mga lalaking nanliligaw sa kanya o kaya'y mga bago daw niyang damit. Nakakatawa dahil pilit nalang na ngumingiti o sumasang-ayon si Andy sa kanya.

Hindi ko maiwasan magtaka kung sa dinami dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya, wala ba siyang natipuhan? Nakaagaw ng pansin niya? Sabagay, manhid tong isang to e. Yung bang bulgaran na ngang nagpapakita ng motibo si Celine pero kapag sinasabi kong gusto siya nito ay lagi niyang sinasabi na 'Kaibigan lang ang turing ko sa kanya.'

Napabuntong hininga ako at nagpaalam na pupunta lang ako ng rest room. Halata sa mukha ni Andy na ayaw niya ngunit kinukulit siya ni Celine kaya natakasan ko siya. Nakakaawa ang bestfriend ko, natawa ako dahil kawawa naman talaga siya. Pumasok ako sa rest room at nadatnan ko ang tatlo kong classmate na nag-aayos ng make-up. Ang tanda ko, gusto rin nila si Andy. Si Andy kasi ay magaling na table tennis player. Hindi lang table tennis, basketball, volleyball at soccer pa. Hinahangaan ko rin naman si Andy pero hindi katulad sa paghanga ng iba.

Papasok sana ako sa isang cubicle ngunit hinarangan ako nong isa, tumingin ako sa kanya at tinaas ang kilay tila nagtataka kung ano bang gusto niya.

Tinaasan niya rin ako ng kilay at ngumiti ng nakakaloko, "Kasama mo ba si Andrei?" Saka naman lumapit pa ang dalawa niyang kasama sa akin.

"Bakit?"

"Huwag mo sagutin ng tanong ang tanong ko." Mas lalo pang tumaas ang kanyang kilay at halatang may iritasyon na sa mukha.

"Ano naman kung kasama ko siya?" Tatalikod na sana ako ng hilahin niya ang aking braso, "Huwag kang bastos! Kinakausap pa kita!" Binaon niya ang kuko niya sa braso ko kaya hindi ko napigilan hindi mapasigaw.

"Bitawan mo ako!"

Nagpumiglas ako ngunit pinagtulungan ako ng tatlo. Dinala nila ako sa pinakadulo ng cubicle at kinulong doon. Tawanan ang naririnig ko galing sa kanila, at ilang sandali pa ay tinapunan nila ako ng tubig na ginamit sa mop.

"Yan ang nababagay sa mga katulad mong bastos! Lumayo layo ka nga kay Andrei, hindi kayo bagay!" Tumawa silang muli at lumabas.

Wag kang iiyak. Wag kang iiyak.

Ilang beses na nangyari to simula ng nakakasama ko si Andy palagi. Hindi ko pinapaalam sa kanya dahil ayokong mas lalo lang magkagulo. Napahikbi ako dahil sa tanang buhay ko, kahit kailan hindi ako na ganito ng kahit na sino. Hindi ako nagagawang saktan ng magulang ko at sobrang mahal ako ng mga kaibigan ko doon sa dati kong skwelahan. May part sa akin na nagsisisi ako na lumipat pa kami rito. Pero ayoko magpaka-selfish, gusto kong tulungan si nanay kaya hinahayaan ko nalang sila na gawin sa akin to.

Umupo ako at umiyak ng tahimik. Baka kasi may makarinig pa sa akin at magsumbong lang sila kay Andy. Bago ako lumabas ay pinakalma ko muna ang sarili ko, baka umuwi nalang muna ako at magsasabi nalang na masakit ang pakiramdam ko sa aking mga guro. Hindi ko na binalikan si Andy dahil baka umalis na rin yon at bumalik sa kanyang skwelahan. Sinigurado ko muna na walang tao bago ako lumabas ng rest room.

Pero sa hindi ko inaasahan ay nakatayo si Andy at tila'y hinihintay ako. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at agaran ang paglapit sa akin. Hiwakan niya ang magkabilang braso ko kaya yumuko ako.

"A-Anong nangyari?"

"Nadulas kasi ako, natamaan ko yung balde ng tuㅡ"

"Drei," pinutol niya ang sasabihin ko, at sobrang seryoso ng kanyang mukha ng tumingala ako sa kanya, "Alam kong hindi ka naman tanga para hindi makita ang balde ng tubig, at bakit mula ulo hanggang paa ka basa?"

Yumuko ako ulit at nag-isip pa ng mas kapani-paniwalang rason. "Napahiga kasi ako nung nadulas ako at natapon sakin yung tubig."

Halata pa rin sa mukha niya na hindi siya naniniwala kaya hinayaan ko nalang siya, "Uuwi nalang muna ako, pumasok ka na. Baka ma-late ka pa dahil sakin." Tinapik ko ang kanyang balikat at ngumiti ng kaunti. Paalis ako ng hilahin niya ang braso ko, tumingin siya doon kaya napatingin na rin ako. Kita ang sugat nito at pamumula kaya binawi ko ito at itinago.

"Saan naman galing yan? Sa sahig? Ano yun, may kuko ang sahig?"

Yumuko ako at bumuntong hininga, "Galing sa pintㅡ"

"Bullsh*t naman Drei!" Nagulat ako sa pagmumura niya at sobrang pula ng kanyang mukha. Hindi ko na nagawang magsalita dahil ayokong magalit pa siya lalo.

"Pwede mo naman sabihin sakin kung may pinagdadaraan ka ba. Drei, hindi ako ganoon kamanhid! Alam kong sinasaktan ka nila dahil sa akin! Hinintay kitang magsabi sakin dahil gusto ko sayo mismo manggaling, naghintay ako pero wala! Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?" Masakit ang naging tono ng kanyang boses sa huling tanong niya.

Umiling ako, "Pinagkakatiwalaan kita, Andy. Pero ayoko naman na pati ikaw madamay pa sa gulo koㅡ"

"Gulo mo? Gulo mo Drei?! Tang ina naman! Ginugulo ka nila dahil sa akin, tapos sasabihin mo sa akin na gulo mo yun?!"

"Ayoko lang naman na makita mo akong mahina Andy! Masakit sa akin oo! Dahil kahit kailan hindi ko ito naranasan, hindi ako nagawang saktan ng pamilya ko. Dito lang Andy. At ayokong nadadamay ka gayong akin tong gulo na to. Ako ang lumalapit sayo, matagal na nila akong binabalaan pero hindi ko magawang lumayo sayo kasi kaibigan kita!"

**
Last na talaga itech, hahahahaha. Since kinakabahan ako sa pageant ayan napa-update. Very short update talaga dapat to e. Kaso para maiba hinabaan ko ng konti, charot!

Will You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon