The Winner's Condition

2.3K 143 5
                                    

She was pulled by his Kuya from her car. Not everyone are rooting for her at first but then I found them cheering for me as the winner... I smiled at them civilly to at least thank them for the cheer. 
"Mai-- Mendoza ang galing mo, dude!  Magaling ka na sa akin ha? Ayos! Pwede ka nang tumigil!"
"Ano, Kuya?"
"Last mo na yan, tumigil yata ang tibok ng puso ko ng very light dahil sa stunt mo! Lagot ako Kay Teodoro at Mary Ann... Hahaha..."
"Pag-usapan natin yan, Kuya! Hahaha..."

Napansin ko na papalapit na si RJ, nakasimangot pero parang may pagtataka sa mukha... Bakit kaya? Naiisip ko, what if malaman niyang girl ako, at tinalo ko siya malamang bully ito ng husto... Bakit parang masakit sa puso ko ng ma-visualize ko... Palapit na siya...

Alden's POV
Shit! Natalo ako, wala akong magagawa ganun talaga sa labanan may natatalo at nananalo, gaya ng buhay ko talunan ako... Talunan kami...   Pero talagang nagiisip ako kung bakit nakakita ako ng mahahabang hair locks sa mukha ni Mendoza? E ngayon wala naman, malinis ang mukha niya... In fact, gupit lalaki siya... May panama rin gaya ni Nico... Lumapit ako para makipagkamay at para tanungin na rin kung kelan ako magsisimulang mating "atsoy"... Tatanungin ko na lahat ng details...

" Panalo ka, Mendoza! Kelan ako magsisimula? At nang matapos agad..."
Sabi ni Alden...
"30 days, Alden na magiging atsoy ka ni Mendoza... Lahat ng iuutos niya, susundin mo! Wala kaming dapat narinig na reklamo" Sabi ni Kuya Nico.
"Nicolas!" Sabi ko...
"Anong 30 days? Ang tagal nun? Ano mapapala ko sa pagiging atsoy niya?" Protesta ni Alden...
"E kung magpasapak ako sa kanya, mababawasan ba yung days? Ayoko magsilbi sa mayabang na yan! Hirit pa ni Alden...
"Kailangan ni Mendoza ng bantay! Kailangan niya masanay at matuto humarap sa mga mataong lugar... Gusto ko matutunan niya na makipag-usap sa kahit na kaninong tao at ikaw ang nakikita ng kong makakapagturo sa kanya nun!" Sabi ni Kuya.
"Pero , Kuya -- "
"Ano yan bata? E mahangin na nga magsalita e! Hindi naman mahirap humarap sa maraming tao e... Hanggang yabang ka lang pala e!" Sabi ni RJ...
"Ano ka, alien? O baka naman mabaho ang hininga mo kaya takot ka sa tao? O baka naman kasi kulang ng laman yang ulo mo kaya hindi ka marunong humarap sa mga tao?" Patuloy na pang-iinsulto ni RJ kay Mendoza...
"Tumigil ka, RJ! Hindi mo kilala si Mendoza!" Namumulang sabat ni Kuya Nico...
Hindi na ako makapagsalita sa sobrang gulat at insulto... Napakalaki ng insecurity ko sa mga tao... Malakas lang ang loob ko Pag nandiyan si Kuya Nico... Nagulat ako na may taong ganito... Taong mabilis humusga...
"Ano, Mendoza? Bakit hindi ka magsalita? Siguro puro kotse lang ang alam mo kaya hindi ka maka-connect sa tao no? Mahirap yan bata! Aral Aral din Pag may time wag puro kotse..." Humihirit pang sabi ni RJ...
Hindi ko na kinaya ang pang-iinsulto niya... Nilapitan ko siya sabay sapak na malakas... Naramdaman ko na humapdi ang kamay ko pero tumakbo ako palayo sa kanila...
"Mendoza, Menggay!" Sigaw ni Kuya...
Nagulat ang lahat ng tawaging Menggay ni Nico ang tumatakbong nila lang...
"Maine! Tangina mo RJ pag may nangyari Kay Menggay papatayin kita!"

Hinabol ako ni Kuya... Hilam ng luha ang mga Mata ko kaya hindi ko napansin ang bato sa daanan ko kaya ayun... Nadapa ako! Sa sobrang sakit at gulat ko, nakalimutan kong hawakan ang cap ko kaya...

" (yung damit pakidisregard, hehehe)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"
(yung damit pakidisregard, hehehe)

Napaharap ako sa kanilang lahat... Nakita kong nagulat silang lahat... Wala ni isa nang nakakibo... At nakita ko rin na nanlaki ang Mata niya!

Alden's POV
Shit! Ano ba kasi pinagsasabi ko? Nang nakita Kong bumalatay sa mukha niya ang sakit ng lahat ng sinabi ko, narealize ko na pati ako nasaktan... Bakit ganun? Nang sapakin niya ako hindi masakit,, napakalambot ng kamay niya para nasaktan ako... Para lang bata ang nanapak sa akin pero nagising ako! Shit ka, RJ! Kahit kelan panira ka talaga! Hihingi Sana ako ng paumanhin Kay Nico ng bigla itong tumakbo at hinabol ang kapatid... Pero mas na shock ako ng narinig ko ang tawag niya Kay Mendoza! Kung kunot na ang noo ko, mas kumunot pa ngayon... Bakit Menggay?
Mas may kurot ng nakita kong umiiyak si Mendoza habang hinahabol ni Nico...
Bakit ganun?
Nang biglang nadapa si Mendoza! At nalantad ang mahaba niyang buhok na nakatago sa ilalim ng cap niya! At nang tumingin siya sa akin, para akong natulala at parang nawarak ang puso ko! Nasa mga Mata niya ang sakit at pagkabigla... Ang ganda ng mata niya pero dahil sa ginawa ko umiiyak ito ngayon! Gago ka talaga Faulkerson! Gago ka! Ang sakit-sakit na nakita siyang ganun at ako pa ang nag inflict nun! Shit! Shit talaga!

Maine's POV
Masakit ang pagkakadapa ko pero mas masakit pa rin ang mga sinabi niya! Napatingin ako sa mukha niya pero bakit ganun ang hirap basahin... Kung Sana makakita ako ng konting pagsisisi at least para.mabawasan ang pain pero bakit ganun wala akong makita! Ganun ba talaga siya? Sayang ang pagiging angelic face niya! Wala na nacorner na ako! Ano ang gagawin ko? Nang sumagi ulit sa akin ang mga sinabi niya! At nag-init ulit ulo ko!
"O, ngayon nakita nyo na kung sino ako? Ano pa sasabihin nyo? Lahat kayo! Sabihin nyo na! Isang bagsakan na para tapos agad!" Sigaw ko sa lahat...
Nagulat si Kuya at napahinto sa sinabi ko! Nagulat siya sa ipinakita ko dahil kalimitan lumalayo ako pag nabully na ako... Tumatakbo Pag masakit na... Kaya nga ayokong pumupunta sa harap ng maraming tao dahil ayoko ng pinag-uusapan ako!
Pero come to think of it, parang sa kanya lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot... Sa kanya lang ako parang nagkaroon ng tapang... Ewan ko!
At nakaisip ako ng paraan kung paano siya babalikan! Kinakabahan man ako pero lumapit pa rin ako sa kanya... Napanganga si Kuya ng lampasan ko siya, papunta Kay Faulkerson! Determinado akong manalo sa laban na ito!
"Tapos ka na ba? O meron ka pang sasabihin?" Umpisa ko sa pinakamalambing kong boses... Yung boses na gamit ko Pag naglalambing Kay Kuya... Napanganga silang lahat!
Pati siya! At yun ang inaantay Kong sandali!
"Isara mo yung bunganga mo, Faulkerson!" At inilapit ko ang labi ko ng one inch mula sa labi niya! "Unang kondisyon ko, ayokong nagsasalita ng hindi maganda ang mga labing ito! Dapat puro magandang salita lang...sayang maganda pa naman ang labi mo!" Sabay lagay ng dalawang daliri ko sa ibabaw ng labi niya! At napalunok siya! Nag smirk ako! Sabay sabing "ayoko ng nakasimangot!" Sabay ihip sa mukha niya! At pagkatapos nun, tumalikod na ako!
Nagulat man si Nico sa ginawa pero katulad ko nag smirk din siya sabay tingin Kay Faulkerson! Natulala ang gago!
"Uuwi na ako, Kuya! Mauuna na ako!"
"Kaya mo ba? Sabay mo na si Kuya Rene! Wag sa bahay Mendoza, sa secret door ulit ang sasakyan ha?"
"Alam ko Kuya, gusto mo bang atakehin si Teodoro at Mary Ann? Hahaha..." Sabay tawa ng malakas yung parang hinihika...
"Galing mo, Mendoza! Eto nga pala yung share mo sa pustahan" sabay abot ng pera sa akin at paggulo sa buhok ko!
"Hahaha... Kulit mo, Kulas! Sige kita tayo Pag uwi mo!"
At tuluyan na akong sumakay Kay yellow bell at alis...
Bahala na sila sa buhay nila! I'm done with them... Except sa iyo Faulkerson! Lintik lang ang walang ganti! 

DECEPTION.... TO LOVE... TO FOREVER... (Completed)Where stories live. Discover now