Week 1 of 30

2.2K 130 2
                                    

Maaga akong nagising as usual... May convention kaming pupuntahan ni Kuya... Car show exhibit yun... 7am ang start ng setup kaya naghanda na ako ng maaga... Maayos naman ang mga gamit ko kaya nagbihis na ako... Kasabay ako ni Kuya papunta ng doon kasi coding yung Fortuner... Pagbaba ko sa dining room andun na sila Nanay at Tatay... Kamustahan, usap tungkol sa gasolinahan, sa ekonomiya... The usual topic... Maya-maya pa dumating na si Kuya at sabay na kaming pumunta sa sasakyan para maagang makababa ng Manila... Sa World Trade Center ang exhibit ng mga sasakyan para makita ang mga bagong labas ng kotse sa merkado... Kailangan namin ang mga info na ito for fuel checking... The advantages and pros of using our fuel to their new models... Anyways, to say the least mamasyal kami ni kuya with business in between...

Maya-maya may nagtext sa akin...

"Good morning! May ipapagawa ka ba?"

Napakunot ang noo ko! Sino ito? Kasalukuyan akong nag-iisip kung sino ito narinig ko ang boses ni Kuya...

"Mendoza, first day ng pustahan ninyo db? May naiisip ka nang ipagawa sa kanya?"
Napakunot lalo ang noo ko...
"Kay Faulkerson, yung tinalo mo kagabi! Nakalimutan mo?!!"
"Wala pa Kuya! Nag-iisip pa ako!" Sagot ko Kay Kuya...
"Ganun ba? Nga pala ibinigay ko yung number mo Kay RJ ha in case may ipapagawa ka, mag tetext daw siya sa iyo."
"Ano? Bakit mo naman ginawa yun, Kuya? Alam mo nang piling-pili yung binibigyan ko ng number ko e... Isa pa, mayabang yan! Ayoko nga makita yan kaya nga ayoko ng ituloy yung pagiging atsoy niya!"
"Anooo???? Ganun na lang yun? Pagkatapos ng lahat ng insultong tinanggap mo sa kanya kahapon aayaw ka?"
"Kilala mo ako, Kuya! Ayoko ng confrontation... Ayoko ng sakit ng ulo! Natalo ko na siya, nalampaso ko na ang ego niya... OK na ako dun!"
"Hay, naku, Mendoza! Duwag ka talaga... Bahala ka! 30days naman yan kasunduan na yan... Malay mo, may maisipan na naman yang turnilyo mo! Hahaha... Basta wag mo sagutin kung wala ka pang maisip ha? Pero wag mo sasabihin na back-out ka kasi pagtatawanan ka nun!"
"Ganun ba talaga kasama ugali nun?!! Bakit parang alam mo na kung ano iniisip niya? By the way, gaano na kayo katagal magkakilala ni Faulkerson?"
"Mga isang taon na... Sa karera lang kami magkakilala... Mabait naman yan kaya lang may pinagdadaanan kaya medyo may tama ang ulo ngayon!"
"Ha? Ano naman?"
"Bakit di siya tanungin mo?"
"Hoy, Kuya! Di kami friend nun at isa pa ayoko talaga siya kausap! Masyado siyang mayabang, may pinagdadaanan lang siya nang iinsulto na siya ng ibang tao? Ang unfair naman niya!"
"Mabait yan talaga once na makilala mo..."
"Hindi rin!"
"Nga pala maiba ako, ang tapang mo kagabi ha? Nagawa mo yun? Kung hindi lang kita kilala masasabi Kong sanay ka na mang-akit ng lalaki... Paano mo nagawa yun?"
Nag-init ang pakiramdam ko ng maalala ko yun! Malamang pulang-pula ang mukha ko ngayon...
"Ewan ko nga ba, Kuya! Siguro sobrang pikon ko talaga sa mga pinagsasabi niya kagabi at isa pa kailangan Kong makabawi sa kanya.. Kasi walang silbi yung sapak ko kagabi e, ako pa ang nasugatan!" Sabay nakita sa kamay Kong may band aid...
"Sabagay, pero natulala siya ha! At least nakabawi ka, sa isang taon Kong kilala yan ngayon ko lang nakitang speechless yun! As in..."
"Mmmmm... Ibahin na natin topic natin... Baka masira lang araw ko! Anyways, ilang car manufacturer nga ulit ang kasali sa exhibit na ito?"
"Hindi mo pa binasa yung invitation? Kunin mo dun sa likod yung backpack ko, nasa folder na pula... Basahin mo!"
"Sus, kunwari ka pa, hinuhuli lang kita no?! Nabasa ko na yan noong isang araw pa! At ikaw ang hindi talaga nagbasa!"
"Haahahaa... Kilala mo talaga ako!"
At nagpatuloy na kami biyahe namin habang dini discuss ko sa kanya ang mga background ng exhibitor para nagkaroon siya ng idea kahit paano....

Alden's POV
Napuyat ako ng kakaisip sa nangyari... Maayos kaya siyang nakauwi kagabi? Kawawa naman... Nagulat ako ng may iabot sa akong papel kagabi si Nico... Phone number daw yun ni Mendoza...
Baka daw kasi magtext at mag-utos tapos hindi ko kilala yung number e masungitan ko daw! Random daw kasi kapatid niya, kung ano maisipan... Sinabihan ako ni Nico na maghanda daw ako dahil may pagkasapak yung kapatid niya! Tahimik pero matinik! At na witness ko yun kagabi! Ilan na kaya kaming ginawan ng ganun ni Mendoza? Shit, bakit ganun iniisip ko lang na may iba parang gusto Kong mag wala! Ano ka ba, Faulkerson? Para kang teenager mag inarte ah? Ano ba nangyayari sa iyo?!!! Sa inis ko, maligo at nagbihis na ako...
Pagkatapos ko magbihis... Bumaba na ako sa komedor...
"Anak, halika na kumain ka na!"
Tumigil ako sa Pag advance sa lamesa at tatalikod na Sana ako...
"Anak, pasensiya ka na ha? Pati ikaw madadamay sa nangyari sa akin... Pati ikaw apektado..." Malungkot na sabi ng Tatay ko...
Medyo naawa ako kay Tatay kaya napilitan na rin akong lumapit...
"OK lang, Dad! Ganun talaga... Wala akong magagawa... Kailangan nating magsakripisyo e..."
"Wag ka mag-alala, anak! Pag sinuwerte ako, gagawin ko lahat para nakabawi tayo anak!"
Ngumiti na lang ako kahit kasama ang loob ko!
Pagkatapos kong kumain, naisipan kong i-message si Mendoza ng matapos agad ang kasunduan namin... Pagkatapos ng mahabang Sandaling Pag draft ng message eto ang lumabas...
"Good morning! May ipapagawa ka ba?"
Ngayon aantayin ko na lang atakehin ng kabaliwan si Mendoza at nagmaneho na papunta ng restaurant namin...

Yes, we have a restaurant but apparently dahil nakautang kami ng malaki dahil sa hospital expenses ni Mommy, medyo delikado na! Kaya ayun, mapipilitan akong ibenta ang sasakyan ko... Yung pang karera ko... Hindi na Sana need yun kaya lang natanggal si Daddy sa trabaho niya sa ibang bansa dahil na rin sa mga nangyari... Masakit pa rin dahil wala na si Mommy pero kailangan naming bumangon at nagkataon na ako lang may kakayanan na isalba ang family sa ngayon... Pero kapalit nito ang pagsasakripisyo ko sa pangarap ko! Gusto ko talagang naging race car driver pero paano? Wala na akong kakayahan sa ngayon na i-maintain ang sasakyan ko! Tapos kailangan Kong harapin ang problems ng restaurant... Ahhhh... Bakit ang unfair ng life? Mabait naman ako e... In fact wala akong bisyo maliban sa pagsali sa drag racing for practice na rin para sa pangarap ko!
But then, need ko mag full time para matulungan ko ang pamilya ko, kaya nga nitong mga huling buwan e naging sobrang bugnutin ako! Kaya pati si Mendoza nadamay e... Sorry, Mendoza! Pero Sana kahit papaano ipinapanalangin ko na maging distraction siya para mawala ang frustrations ko...

Dumating ang tanghali pero walang tugon si Mendoza... Umiinit na ang ulo dahil wala masyado tao sa restaurant ngayon... May problema pa kami sa cook namin kasi palagi na itong umaabsent... Siguro dahil nga minsan delayed na pasuweldo namin... Ang dami pang bills na naka schedule bayaran... Ang sakit na ng ulo ko sa kakaisip kung paano ko pagkakasyahin ang naiiwan naming funds... Ahhhh... Isa pa si Mendoza, naku! Talagang wag siyang sasabay ngayon, makakatikim siya!

Nang narinig ko ang cellphone ko... Talagang pasigaw na ako!
"Hello?"
Nagulat ako sa boses ng kausap ko... Parang ang saya-saya niya... Hindi ako sumagot agad-agad baka kung ano masabi ko... May narinig akong kausap siya at bigla siyang humalakhak... Tawang para siyang sinusumpong ng hika... Bakit ganun? Parang nawipe out yung init ng ulo ko!
"Hello, Mendoza? Bakit may iuutos ka?" Malumanay Kong sabi... Natigilan ang nasa kabilang linya...
"Hello, sino to?" Sagot ni Mendoza...
"Ano tinawagan mo ako tapos sasabihin mo sino ako?" Medyo napakunot ang noo ko...
"Kuya, nagkamali ako ng tinawagan? Si Nanay ang tinatawagan ko eh!" Narinig Kong natataranta sabi ni Mendoza..
Napangiti ako...

DECEPTION.... TO LOVE... TO FOREVER... (Completed)Where stories live. Discover now