Planning Stage 2

1.8K 113 3
                                    

"Oo dude, alam ko yun! Napuntahan ko yun nung minsan na nagkaroon ng trouble yung sasakyan ko! May sumakay sa sasakyan ko nun na hindi nagpaalam sa akin, basta na lang tinangay yung sasakyan ko! Pasalamat talaga siya at babae siya eh...". And while I am saying those words, it slowly dawned on me!
"Ikaw yun! Ikaw yung babae sa gasolinahan!" Sabay turo ko Kay Mendoza... "Kaya pamilyar ang built mo sa akin! Namamangha Kong sabi...

"Oo, ako nga yun! Sorry ha? Kasi naman sobrang suplado mo tapos pati si Kuya Rene sinagot mo!" Sabi ni Maine na nakayuko at parang nahihiya...

"Kaya naman pala, Mendoza ganun ang reaksiyon mo nung makita mo siya sa karera e! Para kang daga na hindi malaman kung saan magtatago, namutla ka pa! Kaso nakadisguise ka kaya hindi ka niya nakilala! Hahaha...! Sabi ni Nico... " at yun din siguro ang dahilan kung bakit asar ka Kay Faulkerson no!" Dagdag ni Nico.

"Medyo uminit kasi ang ulo ko ng sabihin niya na naiwan yung amoy ko sa car niya! Na freak-out ako! Pakiramdam ko ang baho ko! E di umiral na naman si bratty Maine na lumalabas once in a while e di pinaandaran ko!" Paliwanag ni Maine...

"Ano ginawa mo?" Natatawang sabi ni Nico, parang alam na niya!

"Tinapos ko yung car niya in one go 15minutes re-wiring lang... Sabay bukas ng secret door and waahhhlaaa!" Sabi ni Maine na may smirk pang kasama... At dun na bumigay si Nico... Ang lakas ng tawa niya! Sobra! Kulang na lang mahulog sa kama!

Nakakainis na nag-uusap sila na parang wala ako sa harap nila!

"O at least napatawa ko kayo!" Sarkastikong Banat ko sa dalawa!

"Faulkerson, pasensiya ka na! Nakakatawa yung unang encounter nyo pero mas natatawa ako Kay Mendoza! Alam mo bang pikon yan Pag sinasabihan na mabaho siya! Hindi bale nang sabihin mong pangit siya wag lang mabaho! Hahaha... At nakikinikinita ko na kung gaano kapula ang mukha niya nung oras na yun!" Hagalpak ulit ng tawa ni Nico...

"E totoo naman, hindi ako mabaho kahit amuyin mo pa kilikili ko! Nakakainis kaya na masabihan ng mabaho!" Napipikon na naman na sabi ni Maine...

"Pa tingin ng kilikili!" Sabay tawa ni Nico...
"Ayoko na, lalabas na ako! Ayokong makita kayong dalawa!" Sabay labas at Sara ng pinto ng malakas... As in sobrang lakas!
Pati ako nangiti na! Habang si Nico, kandaihi sa kakatawa...
"Dude, epic yun! Congratulations! Pangalawa ka sa nakapagpalabas sa bratty Maine! Hahaha..." Sabi ni Nico..
"Maari ko bang malaman kung sino ang Una?" Na curious ako itanong.  Ewan ko ba parang naiinis ako sa nauna nakagawa nun sa kanya!
"Sino pa ba, dude e di ako! Hahaha..." Sabi ni Nico...
Natawa na rin ako at nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib kaya napabuntong-hininga ako!
"O bakit dude, ang lalim nun a?" Pansin ni Nico...
"A, wala! Akala ko kasi kung sino yung nauna e, ikaw pala!" Wala sa isip ko na sagot Kay Nico...
Natahimik si Nico at nung narealize ko yung sinabi ko bigla Kong iniba yung topic...
"Nga pala, pare! Mahihirapan talaga ako na magsked ng praktis sa sitwasyon ko ngayon... Yun ang totoo..." Medyo natataranta Kong sabi...
"Pare, to tell you honestly, wala akong pwedeng mapagkatiwalaan Kay Mendoza sa ngayon... Hindi ko pa rin kaya yung pagsama sa kanya full-time sa mga magiging practice niya! Ayoko siyang isabak sa mga lugar na maaalangan siya dahil bro, kahit kapatid ko yan, totoong takaw pansin ang hitsura niya! Sabagay siya lang naman itong walang tiwala na maganda siya e!"
"Totoo ka dyan, tol! Maganda talaga!" Napapangiti at napapatangong sabi ko... "Pero bakit nga ba hindi siya naniniwalang maganda siya? At bakit takot siya sa tao?" Curious Kong tanong Kay Nico..
"Na-bully siya noon ng mga kaklase niya! Pangit daw siya at ampon dahil kita mo naman medyo bumbayin ang features niya db? Lalo na noong mga bata pa kami, medyo tan ang kulay ng skin niya.  Kaya medyo malayo talaga ang hitsura namin sa kanya! Kaya simula nun, ayaw na niya makipaglaro... One time nga ayaw na niyang pumasok sa school, nakipag-usap lang sila Nanay at Tatay na kausapin ang magulang ng mga batang nang-aaway sa kanya na huwag siyang lapitan or else papatawag sila sa guidance e... Apparently, komo mga bata na-twist yung kwento at ang sabi lahat ng batang lalapit sa kanya mapapatawag... So the rest is history for her for one year hanggang siya mismo ang nagkulong ng sarili niya sa mundo niya... After that school year, inilipat siya nila Tatay and good thing was nakilala na niya yung mga barkada niya! But despite of that, she still has the traces of that horrible story and that kept her insecurities sometimes..." Kwento ni Nico.
Nagulat ako sa sinabi ni Nico... Naawa din ako for her to experience that kind of environment at a young age... Good thing, insecurities lang ang na-inflict sa kanya nun at nanatili siyang mabait...
"And isa pa sa iyo ko lang nakita na ganyan si Maine, sumasagot, nagrereact... Naalala mo yung bawi niya sa iyo sa Pampanga? That was the first time na nakita ko yung ganung retaliation niya! Never was she able to be that close to any boy even if that boy is a friend! I don't know what was she thinking then but she pulled it off gracefully as if she is doing it all the time!" Nico added...
With that revelation, mas naging masaya ako...Ewan ko ba parang napaka privileged ko na ako lang nakagawa nun so far! And sisiguruhin ko na ako lang, coz if somebody tries I will wring their neck and make sure he will not come near to her again!
"Tol, alam ko na malaki ang kakaining oras sa iyo nito pero wala akong ibang pwede ng pagkatiwalaan Kay Nicomaine ngayon... If you will agree, I could be your replacement buddy in your restaurant once in a while if the need arises... I am a graduate of business management, I had practice in one of our business corporation, its just that I really wanted to do this! Let's help each other for the next three months, tol!" Sabi ni Nico
I can feel his sincerity and thinking that I don't want anybody especially other man lurking around Maine, we seal the deal...

DECEPTION.... TO LOVE... TO FOREVER... (Completed)Where stories live. Discover now