Market Drabble 2

1.6K 100 4
                                    

Hahaha... Ang sakit pa rin ng tiyan ko sa kakatawa sa kanila ng magkapatid... Nananahimik silang dalawa dahil nagkapikunan sila... Sino ba naman ang hindi natutuwa sa kanilang dalawa! Imagine, fish section lang naman ang napahalakhak nilang magkapatid... Hahaha...

Pagkatapos namin ng nakakatawang tawaran Kay Aling Puring, kailangan naming bumili ng isdang Lapu-lapu para sa kanyang special steamed Lapu-Lapu nadaan kami sa mahabang linya ng iba't-ibang klaseng isda... Tuwang-tuwa sila sa mga name ng isda,, bilong-bilong, pampano....nakuha pang magjoke kahit corny...
"O, Kulas anong isda ang hindi alam ang gagawin?"
"Ano?"
"E di pam #paano (pampano)...!"
"Mendoza, maglaro ka na lang ng makina ng sasakyan mas OK pa!"
"Hahaha... Hahaha..."
"O siya, ano ang isdang matapang?"
"Meron ba nun? Siguraduhim mong havey kundi batok ka sa kin?"
"E di Lapu-Lapu!"
Biglang imbiyerna ang mukha ni Mendoza at isang death glare ang natanggap ni Nico... Hahaha... Nang biglang nakarinig sila ng sigawan...
"Uyyy, Anong meron?!!"
"Oo nga, Tol bakit sila nagsisigawan?"
Narinig nila na may dalawang tindera ang nagaaway!
"Oyyy, halika na kayong dalawa! Wag na kayo sumiksik diyan! Baka lumala pa yan! - RJ

" E lahat naman ng isda mo bilasa..."
"Ako isda lang ang bilasa, ikaw hmmmmp, Ewan ko lang?!!"

Nakita ko na nagtinginan ang magkapatid... Mukhang balak pang umusyoso! Nagulat ako ng tumakbo sila papunta sa nag-aaway at nakipagsiksikan din! Hahaha... Parang mga bata...
Nang biglang, may humagis na isda sa harapan ko... Galunggong, bangus, tilapia at kung ano-ano pa? At mangyari pa na biglang tumili si Mendoza!
"Kuya, Kuya! Alisin mo to! Tanggalin mo! Kuya!"
"Hala, ano yan gumagalaw sa loob ng damit mo?!"
"Kuya, bilisan mo! Tanggalin mo na! Aaaaa! Alisin mo!"
Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mendoza...
"Ano ba Kuya? Tanggalin mo na?"
"Hala, ano ba yan? Ayoko hawakan yan!"
"Kuya! Kuya! Huhuhu!"
"Maine, pasensiya na ha?" Sabay pasok ng kamay ko sa loob ng blouse niya para kuhanin ang naligaw na isda! Uyyy, wala akong hinawakan, iningatan ko na wag madikit ang balat ko sa balat niya! At isa pa di ako tumingin! Peksman, mamamatay man si Batman!)
Nashock yata, hindi kumibo!
"Maine! Mendoza! Meng! Menggay!" Tawag ni Nico...
"Maine, Nicomaine, Mendoza!" Tawag ko...
Hala, natulala yata talaga!
"Uyyy!" Sabay hawak namin sa kamay niya!
"Waaaaaaaahhhh, wahhhhhh! RJ, naalis mo na ba? Wala na ba talaga?"
"Oo, wala na! Naalis ko na!"
"Nicodynnnn Mendoza! Magbabayad ka ng mahal sa akin! Kapatid mo ako at Kay RJ mo pa talaga pinakuha! Magsaulian na tayo ng wrench! Bahala ka na sa sasakyan mo!"
"Menggay, sorry na! Natakot talaga ako sa bagay na gumagalaw sa loob ng katawan mo e! Malay ko bang tinubuan ka ng kung ano sa katawan..."
"Ha? Ganun ka talaga matakot? Hala, kawawa ka naman! At lumapit pa siya sa kapatid...

" RJ, salamat ha? Pero Kuya, may itatanong lang ako sa iyo!"

"Ano yu----? Hoyyyy! Mendoza! Tanggalin mo ito! Ahhhh... Ahhhh... Ahhhh...!" At naglulundag ito ng naglulundag... Tumakbo si Mendoza palayo habang humahalakhak ng malakas...
"Ang lagay e, ganun na laang! Aba'y hindi naman pwede iyon (tunog Batangueno)... Hahaha... Nga pala hito yang inilagay ko sa likod mo...!!! At kumanta pa!
" Hito ako ohhhh... Basang-basa sa ulan..."

Dun na sumabog ng tawa ang buong fish section...

"Aba, utoy! Naisahan ka ng kapatid mo!"
"Ang cute nila!"
"Sana may ganyan ako kakulit at kagandang kapatid na babae... Hahahaha...!"

Pulang-pula ang mukha ni Nico... Hindi naman ako makahinga sa kakatawa... Hahahh... Hahahaha... Naisahan ka ng bunso mo!

"RJ, Tol! Pakitanggal na to please... Kesa tawa ka ng tawa diyan! Ikaw lang masaya e!"

"Hahaha... Tol, ililis mo ang T-shirt mo pababa at malalaglag yan...! At ginawa niya... Nalaglag ang isda... Hahaha.. Hindi naman pala hito, galunggong lang... Hahaha... Sabagay hindi niya mahahawakan yun!

" Pare, maalala ko lang!" Sabay batok sa akin!

"Ang sakit nun, Tol! Bakit? Ano ginawa ko?!"
"Siraulo ka! Pwede naman palang ilislis ni Mendoza damit niya... Dinakma mo pa sa loob ng damit yung isda!"
"Nataranta ako e! Ang lakas ng sigaw niya tapos paiyak na!"
"Sus! Uyyy, sino niloloko mo? Para-paraan ka e! Tol, wag si Mendoza! NBSB yan, hindi talo!"
"Tol, wala akong balak lokohin ang kapatid mo! Isa pa, takot ko lang sa kanya! Ang lakas kaya manuntok at manipa niyan!"
"Suguraduhin mo lang, kung hindi ako ang makakalaban mo! Pero pare, maiba ako! Nakakadiri na ang Amoy ko, uwi na tayo baka naghihintay na rin ang babaeng yun! At dahil diyan, mga kababayan, kami po ay hahayo na! Salamat poh!" Sabay bow, kaya nagtawanan ang buong fish section...
Naabutan namin si Mendoza na nagpupunas na ng alcohol sa katawan... Simangot na simangot ang mukha at weird ko, mas nagandahan ako sa kanya hahahaha... Inis na inis kasi halos maubos na yung malaking alcohol sa loob ng katawan sa kakapahid...
"Mendoza, yari ka talaga sa akin!" Babatukan niya Sana si Mendoza kaso na hawakan agad ni Mendoza yung kamay niya! Inipit at medyo Napa aray si Kulas sa sakit...

"Ha hahahaha... Ang cute nyo! Ang sarap nyo pag-untugin magkapatid!"
Sabay na sabay tumingin sa akin ang magkapatid ng masama pero mas lalo akong natawa!
"Hahaha... Tara na bumalik na tayo sa restaurant ng makaligo na kayong dalawa... Hahahaha...!"

Sumakay ang dalawa ng hindi nag-uusap... Si Kulas sa likod naupo at dahil ayaw ni Maine na katabi ang kapatid, naupo sa passenger seat... Pinaandar ko na sasakyan, pero napansin ko na nagtitinginan silang magkapatid ng masama sa rearview mirror... Nang napagawi ang mata ni Mendoza sa mga tindahan aa gilid ng palengke, ng biglang...

"Ihinto mo, Faulkerson! Ihinto mo! Dali!" Sigaw ni Maine...
"Anong?" At dahil sa gulat naapakan ko ang preno...
Nagulat pa ako ng nagmamadaling bumaba si Mendoza... Nakita ko na pumunta siya sa isang tindahan at parang may inaabot ng inaabot sa tindera...
"Sabi ko na nga ba e! Uyyy, Mendoza! Bilisan mo na bumalik dito... Ilang kahon ba ang bibilhin mo?"
"Tsee, wala lang pake!"
"Ate, bale 370 po lahat..."
"OK, eto po!" Sabay abot ng 500 pesos... Nasuklian sabay balik sa sasakyan!"
Nagulat ako na ang dami ng nakasupot na dala niya!
"Mendoza, hindi mo pwedeng kainin lahat yan ng isang araw lang! Kung ayaw mo mahirapan ulit sa paghinga!"
Hindi kumibo si Maine, kinuha lang ang headset sabay suot at binuksan na ang isang plastic ng haw-haw at mik-mik! Ibang klase ka talaga!

DECEPTION.... TO LOVE... TO FOREVER... (Completed)Where stories live. Discover now