Kabanata 21
Tamara
True to his words nag stay nga rito si Cloud. Tumutulong sya sa mga gawain sa hacienda at minsan pati na sa pagtatanim. Katulad ngayon.
"Cloud, let's eat. Tay Rowel may pagkain pong pinahanda ako kain na po muna kayo."
Taniman ngayon ng mga palay at ang magaling na si Cloud ayun sumama sa pagtatanim. Magda-dalawang buwan na sya rito at ang laki na rin ng pinagbago ng kulay nya. Naging moreno na ang kulay nya na mas bumagay pa lalo sa kanya at ang pisngi nyang pumupula pa rin kapag naiinitan. Naging well-toned na lalo ang katawan nya na bumagay naman sa kanya.
Sa loob ng dalawang buwan palagi nyang ipinapadama sa akin na para akong isang babasaging bagay na dapat ingatan. We live in the same house pero magkaiba ang kwarto. He respects what I want.
We take everything slowly. Mas maganda pala ang maging magkaibigan na lang kami or god knows kung lalagpas pa.
Nagangat sya ng ulo at ngumiti sa akin. Heto na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko ang mga ngiti nya. Lumalabas ang biloy nya na mas lalong nagbibigay ng appeal sa kanya.
Nagiwas ako ng tingin. "Come on let's eat."
Naglakad na ako papunta sa isang kubo sa tabi ng kung nasaan ang kubo ng mga trabahador. Sinadya kong pagawan sya ng isang maliit na kubo para kumportable sya kung sakali mang gustuhin nyang magpahinga.
I doubt it kung kubo ng aba ang tawag rito o isang maliit na kwarto. Kumpleto ang gamit rito pati na sa kusina at may aircon pa para kung gugustuhin nyang magpahinga magiging komportable sya.
Kahit na minsan ay hinahainan ko sya ng mga simpleng pagkain lang na sigurado akong malayo sa mga kinakain nya kapag nasa bahay nila sya wala pa rin syang reklamo. Malayong malayo sa Cloud na una kong nakilala.
He was once hot headed and bossy. And a giant pain in the ass.
"Did you wash your hands?"
"Yes, mommy."
Ayan na naman ang pagtawag nya ng mommy sa akin. Nagiwas na lang ako ng tingin. Hindi na ako nagulat ng yumuko sya at kausapin ang tyan ko.
"Hi baby. Daddy's excited to see you. Behave ka dyaan sa tummy ni mommy. I love you, son."
Hindi ko alam pero naginit ang pisngi ko ng marinig ko ang 'I love you' nya. Nakatingin sya sa mga mata ko habang sinasabi nya ang salitang yun. It's like parang sa akin nya sinasabi ito.
Wag assuming Tamara Yngrid. Baka masaktan ka lang sa huli.
"Ikaw umamin ka nga. May iba ka pa sigurong nabuntis kaya alam na alam mo na ang mga dapat gawin noh!" Inirapan ko sya at naupo.
Biglang uminit ang ulo ko isipin pa lang na may anak sya sa iba. Damn, this hormones.
Ngumisi si Cloud sa akin saka tumabi. "Love, kaya ko alam ang tungkol sa pregnancy kasi po doctor ang mommy ko. Naging hobby ko na while growing up ang magbasa ng mga medicine book. Wag ka nang magselos my. Ikaw lang naman ang pwedeng maging ina ng mga anak ko."
Sinamaan ko sya ng yakapin nya ako but deep inside me kinikilig ako at gusto ko nang ngumiti.
"Che! Kumain na nga lang tayo. Gutom na kami ni baby."
BINABASA MO ANG
Abducted by my stalker (Complete)
RomanceI woke up in the middle of nowhere and to my surprise. I saw a beautiful creature, a goddess sitting next to me wearing her precious smile. "Hello darling." she said sweetly but before i fall for her sweet talks realization hits me. And i don't know...