Kabanata 8
Tamara
"The food is ready." I said to Cloud.
Parehas kaming nagiwasan ng tingin. After the weird confrontation hindi kami nagkikibuan na dalawa hanggang ngayong tanghalian.
Tumayo sya at sumunod sa akin. Nakayuko lang ako habang sya naman ay naglalakad sa tabi ko. He cleared his throat many times pero hindi pa rin sya nagsasalita.
"Nay, join us." Cloud.
"Ay naku anak busog pa ako at saka hindi pwede sa akin yaan. Kumain na kayong dalawa." Nanay said at saka iniwan kaming dalawa.
Naglaway ako bigla ng makita ko ang nakahain sa lamesa. May halabos na sugpo, lobster, and giant crabs. This kind of food ang kayang mapabago ng lahat ng bagay.
Tahimik kaming kumain na dalawa. Nagkamay na ako dahil sa sarap ng pagkain. Sa manila mahirap makahanap ng sobrang sarap at ganto kalalaking pagkain.
"Masa—" hindi ko pa natatapos ang tanong ko kay Cloud ng makita kong kulang na lang makipag patayan sya sa pag himay ng alimango. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mangiti sa itsura nya.
Halos magkasalubong na ang kilay nya at hindi na maipinta ang mukha. Naawa na ako kay cloud kaya tumayo na ako at binitbit ang plate saka naupo sa tabi nya.
"Give me that. I'll help you." Pinaghimay ko na sya ng pagkain at pinagsalin pa ng sinigang. Pinagbalat ko rin sya ng sugpo.
Nang magangat ako ng tingin ay napansin ko ang pagtitig nya sa akin. Amusement is written in his eyes.
"Thank you." Ngumiti ako at nalunod sa mga ngiti nya. Syempre joke lang yun.
"Kain ka na. It's all fresh. Masarap?"
Nagulat ako ng yumuko sya at idampi ang labi nya sa mga labi ko pagkatapos ay ngumiti.
"There. Mas masarap."
Parang walang nangyari ng bumalik sya sa pagkain but this time mas may ngiti na sa labi nya. Mabuti na lang at walang tao na nakakita sa amin kung hindi maraming maiingit este nakakahiya.
"About earlier... I want you to know ---" Cloud.
"Babe! I'm home!" Nabaling ang tingin ko sa bumungad sa pinto. My eyes widen ng makilala ko kung sino ito. Nagmadali akong tumayo at sinalubong sya ng yakap.
"Oh God! Babe! You're home!" Para kaming baliw na nagpaikot ikot sa ere habang yakap nya ako, natigil lang kami ng may tumikhim sa likuran namin.
Alanganin akong lumingon only to see Cloud grimaced face. Agad akong bumitaw kay Ryle. Ryle gave me a questioning look.
"Ahm, cloud this is –" Pinutol agad ni Cloud ang sasabihin ko.
"Excuse me, nawalan na ako ng gana." Kumunot ang noo ko at sinundan na lang ng tingin ang papaalis na si Cloud.
Uso ba ngayong araw na 'to ang hindi pagtapos ng sentence?
"Sya ba yung sinasabi mo?" Bumuntong hininga na lang ako at saka hinarap si Ryle.
"Yes. Kelan pa kayo dumating? Come on kumain ka muna." nalungkot ako ng makita kong hindi pa tapos kumain si Cloud pero umalis na. Nagpadagdag na lang ako ng plato para kay Ryle.
BINABASA MO ANG
Abducted by my stalker (Complete)
RomanceI woke up in the middle of nowhere and to my surprise. I saw a beautiful creature, a goddess sitting next to me wearing her precious smile. "Hello darling." she said sweetly but before i fall for her sweet talks realization hits me. And i don't know...