Volume 2, Chapter 10: Visitors

79 7 0
                                    

Thank you po @Kashi13GodofDeath sa pag vote sa aking kwento. Sana po patuloy mo pa rin suportahan at basahin itong Fenix to Immortal...

Sana magustuhan niyo itong chapter :D

***

Before Fenix got home...

*Tok-tok-tok-tok*

Bihira lang na magkaroon ng bisita sila John sa kanilang bahay. Nang buksan ni John ang pinto at nakita niya ang kanyang Tiyuhin.

Nababahala si John dahil hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya binisita ng kanyang tiyuhin ang Lider ng Hawk Clan kasama ang kanyang kaliwa't kanan niyang pinagkakatiwalaan na Elder sa aming angkan.

Habang nagtataka si John, ang patriarch ay naiinip at sinabi niya sa kaniya, "Maaari bang pumasok sa iyong tahanan bago tayu mag-usap?"

Nang narinig ni John angsinabi ng kaniyang tiyuhin, agad niya silang pinapasok at pina-upo sa kanilang sala.

Batid ni John sa kanilang paligid ang katahimikan ng sila ay umupo kaya naman pinangunahan niya na sila, "Patriarch, gusto niyu po ba ng kape?" sila ay tumango at agad niyang sinigaw sa kaniyang asawa asawa, "Diane maghanda ka ng Kape at tinapay para sa ating mga bisita!"

Habang sila ay naghihintay, nagsalita na si Elder Rawen Hawk na naka-upo sa kaliwa ng patriarch, "Alam ko na nagtataka ka John kung bakit kami naparito..." huminto si Elder Rawen at tumingin kay Elder Dowe.

Nagsalita naman si Elder Dovve Hawk, "Mayroon kaming dalawang dahilan, ang una ay gusto namin itanong kung anak mo ang batang nagngangalang Fenix Hawk. Ang pangalawang dahilan naman ay... kung anak mo si Fenix, papabalikin ka namin sa dati niyong tahanan."

Napatanong si John sa kanilang harapan, "Anong koneksyon ng aking anak sa inyo? Anong dahilan niyo kung bakit kayo naging interesado sa aking anak? at isa pa, hindi na ako babalik doon, alam ko na ayaw niyo rin magkaroon pa ng gulo sa ating angkan."

"So, anak mo si Fenix at sa tingin ko ay hindi mo pa alam ang balita." ang sinabi ng patriarch.

Si John ay naguluhan nang sinabi iyon ng patriarch at sabay kong tugon sa mahinahong paraan sa aking tiyuhin, "Maaari ko ba malaman ang balita tungkol sa aking anak? ...Uncle."

Masayang sumagot sa akin ang aking uncle, "Mwahahaha! ...John, talagang namana ng iyong anak ang iyong angking galing, ngunit mas genius pa ang iyong anak kaysa sayo!". Pahabol pang sinabi ng Patriarch, "Umabot ang kanyang spirit power ng 16! sa 12 na taon lang! Mas genius pa sa genius, wahahaha!"

Nang narinig ni John ito, hindi niya inaasahan na malalampasan niya pa ang ine-expect niya kay Fenix, kaya naman naintidihan niya na kung bakit narito ang patriarch.

Nagsalita ang Patriarch sa kaniyang harapan sa seryosong mukha, "Alam ko na... ayaw mong madamay ang ating angkan sa mga---"

Agad sumingit si John sa pagsasalita ng kaniyang uncle at sinabi niya "Gustong tumugis na Demon Beast sa kagaya kong Legendary Knight?... puwes, payag ako sa balak niyong pagprotekta sa aking pamilya pero sa dalawang kondisyon, kapag hindi gusto ng aking anak na bumalik kami sa dati naming tahanan, hindi kami babalik. Pero kung pumayag siya, babalik kami sa dati naming tahanan ngunit...muli kong pamumunuan ang Legendary Knight Raider upang tugisin namin muli ang mga Demon Beast.". Dagdag ko pang sinabi, "at masmabuting huwag niyong sabihin kay Fenix na kasama ako sa Legendary Knight upang mapanatili niya ang kanyang angking kabaitan."

Kaya ito nasabi ni John sapagkat sa kaniyang paningin ang kabataan ngayon ay nagiging mayabang at mapagmataas dahil sa background ng kanilang pamilya at ayon ang ayaw mangyari ni John.

Nagsalita ang isa sa Elder, si Elder Dowe, "Ako'y nagtataka lang, pero bakit gusto mo pang bumalik sa Legendary Knight Raiders kung gusto mo namang maging ligtas ang iyong pamilya? Baka ito pa ang maging sanhi ng---"

Pinatigil si Elder Dowe ng Patriarch sapagkat naramdam niya na ang presensya ni Fenix.

Tumayo ang Patriarch at sinabi niya kay John ng nakangiti na para bang may binabalak siyang hindi kaaya-aya, "Sige payag ako sa iyong kondisyon...basta walang bawian."

Nang pumasok na si Fenix, naunahan ako ng kaniyang tiyuhin na kausapin ang kaniyang anak kaya naman ay napangiti nalang din siya.

Gumaan ang kaniyang loob ng sinabi lang ng patriarch na siya ay kapatid ng kaniyang ama. Pero sa isip-isipan ni John ay 'Hindi ko inaasahan na gustong-gusto pala ni Fenix makilala ang matandang ito!?'

Walang magawa si John kundi ay tanggapin ito para sa kapakanan na rin ng kaniyang minamahal na pamilya.

After the Patriarch left...
In Fenix's room...

Napakasarap pala talaga sa pakiramdam kapag kasama mo at kumpleto ang pamilya mo.

Hindi ko akalain na matapos ang mga magagandang pangyayari sa aming pagsusulit, sakto pa sa pag-uwi ko, nakita ko pa ang Clan Lider ng Hawk Clan na uncle-grandpa ko pala? Ngayon excited na ako makabalik sa dati naming tahanan...

Muntik ko ng makalimutan sa susunod na buwan pala ay aming graduation na at higit pa sa lahat ay malapit na kami magkaroon ng spirit beast o spirit thing sa susunod na linggo. Pero masmabuti kung yung maging partner ko ay spirit beast.

Masmabuting mag-umpisa na ako sa aking pag-eensayo para sa paghahanda namin sa pagkakaroon ng partner.

Bago ako lumabas sa aking kuwart ay naalala ko ang prutas na binigay sa amin.

Sakto, mayroon palang gamit yung prutas na nakuha namin sa aming pagsusulit, sabi ng headteacher namin, makakatulong ito sa pagpataas ng spirit power namin kapag aming kinain daw ito pero ano kayang lasa nito?...

*Crunch-crunch-crunch*

Fenix to Immortal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon