Volume 2, Chapter 11: Escape

86 7 1
                                    

Hello guys! Sorry late update, dami kasing gawain sa school eh...pero ito na yung chapter 11!

Please vote and comment!
Enjoy reading guys! :))

***

In Fenix room...

Nang aking nanguya ang prutas ay wala naman nangyari, kaya naman ay inubos ko na lang ang prutas.

Ako ay lumabas sa aking kuwarto at nag-ensayo sa aming hardin.

Pawisan na ako nang aking napansin na hindi pa ako pagod. Sa katunayan ay pagod na ako kapag ako ay pawis na pawis na gaya ngayon, pero hindi ko inaasahan na ito pala ang epekto ng prutas na aking katawan ay napakahalaga.

Nare-regenerate nito ang aking lakas kaya hindi ako napapagod sa aking pageensayo.

Ngayon, maaari na akong mag-ensayo ng walang hintuan! Kaya naman sa buong araw ay pag-eensayo lang ang tangi kong ginawa, hanggang sa mawala ang epekto ng prutas.

Nang mawala na ang epekto ng prutas, bumalik na ako sa aking kuwarto at dumiretso akong humiga sa aking kama kahit hindi pa ako masyadong pagod.

Napalingon ako sa aking lamesa at napansin kong, apat na prutas na ang aking nagamit kaya nanghihinayang ako sa apat na kinain kong prutas.

Sa panghihinayang ko sa paggamit ng mga prutas na ito, ipinikit ko nalamang ang aking mga mata upang makatulog at mapakalma rin ang aking sarili sa panghihinayang na aking nararamdaman.
.....
....
...
..
.

"Hay! Di ako makatulog!" pasigaw kong sinabi. Siguro ito pa ang isang epekto ng prutas sa aking pangangatawan. Na kaya nitong panatiliin na gising ang aking mental at physical na katawan.

Tumingin ako sa aking orasan at napansin kong mag-aalas otso pa lang kaya lumabas ako sa aking kwarto at tumungo sa aming sala. Tanging kaming dalawa lang ng aking ina ang nasa bahay dahil ang aking ama ay inaasikaso ang paglilipat namin sa dati naming bahay.

Nilapitan ko ang aking ina na nagbabasa at nang napansi ako na aking ina na naglalakad patungo sa kanya, agad niyang sinabi sa akin, "Oh anak, nagugutom ka ba? Akala ko ay tulog ka na kaya hindi na kita ginising."

Ako ay sumagot sa aking ina, "Hindi po ako gutom, ina. Sa katunayan nga po ay busog at di ako makatulog dahil sa prutas na natanggap ko sa aking pagsusulit."

Ngumiting tumingin sa akin ang aking ina, sabay niya akong binati, "Binabati kita anak sa mataas mong spirit power...naalala ko tuloy kung paano ginulat ng iyong ama ang buong paaralan noong nasa edad mo palang kami. Ngayon masasabi ko na worth it ang inyong pag-eensayo ng iyong ama at masnahigitan mo pa ang kakayahan ng iyong ama."

Nagpatuloy sa pagkukuwento ang aking ina tungkol sa kanilang dalawa ng aking ama.

One hour later...

*Tok-tok-tok*

Mayroong kumatok sa aming pintuan, kaya napatigil sa pagkukuwento ang aking ina at dumiretso ito sa pinto.

Nang malapit na ang aking ina sa pintuan, bigla siyang huminto at pinalabas niya ang kanyang partner at ito ay spirit beast na napakaliit na ibon na mayroong pula sa mga pisngi at asul naman ang buong katawan, tinatawag itong, Red-Cheeked Cordon-Blue Bird.

Fenix to Immortal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon