Volume 2; Chapter 19: Desition Making.

42 3 0
                                    

Haysey clan Manor...

Si Jane ay pumasok sa loob ng silid ng kanyang ama upang humingi ng tulong sa kanyang ama.

"Papa, mayroon bang naitabi ang ating angkan na Medicine Pill na makakatulong sa...ummm sa mabi---" ang sabi ni Jane habang nakatingin sa kisame ng silid ng kanyang ama.

Ngunit agad namang nagsalita ang kanyang ama na si Shanc Haysey, "Hmmm... Anak, talagang napalapit ka na sa Young Master ng Hawk Clan tila lampas sampu mo nang sinabi sa akin iyan...simula ng tatlong araw na nakalipas ay isi ka nang isip kung papaano mo tutulungan si Fenix, pero huwag ka na mag-alala sapagkat ang kaibigan mong si Fenix ay gising na."

Nang narinig ni Jane na nagising na si Fenix, siya ay napasigaw, "Talaga papa!?"

Sa pagsigaw ni Jane, si Shanc ay napatahimik dahil sa buong buhay ni Jane ay tila ito palang ang una niyang nakitang masayang masaya ang kanyang anak kaya naman agad siyang ngumiti at sinabi niya sa kaniyang anak, "Jane mabuti pa ay bumalik ka na sa iyong silid upang maipagpatuloy mo ang iyong cultivation para sa susunod na may mangyaring masama sa iyong mga kaibigan ay matulungan mo agad sila at mangyayari lang iyon kung ikaw ay malakas at hindi pabigat sa kanila."

"Opo papa!" Masayang lumabas ng kuwarto si Jane at dali-daling bumalik sa kaniyang silid.

Nang nakaalis na si Jane. Tumayo si Shanc sa kaniyang upuan lumakad patungo sa isang picture frame ng isang lalaki at ng babae.

"Honey...sa tingin ko ay itong pangyayari na iyong nakita sa iyong pangitain bago ka mamamyapa na kaya naisipan mong i-engage ang ating anak sa young master ng Hawk Clan o di naman kaya ay may mangyayari pa sa hinaharap kaya siya ang iyong napili."

...

Hawk Clan Medical Hall...

Nang sinabi ng doctor na mahihirapan makalampas ng bottleneck ng Spirit Bearer si Fenix ang lahat ay tumahimik.

Silang lahat ay napatingin kay Fenix na akala nila ay malungkot sa kanyang narinig ngunit ang kanilang nakita ay nakangiti at kalmadong nakayakap sa kanyang ina kaya naman nagsalita si John sa kalmadong paraan, "Huuuh...doc, batay sa iyong sinabi ay mahihirapan ang aking anak na makalampas sa bottleneck, ibig sabihin ay may tsansa pa siya na makatungtong sa master, tama ba ako doc?"

Sa totoo lang ay hindi nakikinig si Fenix sa kanilang usapan dahil alam niya na anim na taon lang naman siya hindi makakalampas sa bottleneck ng spirit bearer kaya tanging nakita nila ay ang kanyang mapayapang ngiti at kalmado mukha.

"Oo John tama ka sa konklusiyon na iyong naisip at sa totoo lang ay may tatlo akong solusiyon na naiisip sa problema ng inyon anak." Ang sabi ng doctor sa seryosong paraan.

"Ang unang solusiyon ay...ang araw-araw niyang paginom ng isang patak na dugo ng kagaya ng kanyang spirit partner."
-doctor

"Ngunit Doctor delikado ang paraan na iyan lalo na ay bata pa si Fenix." ang sabi ng lolo ni Fenix.

"Oo, alam ko na kapag uminom ka ng kahit isang patak man lang ng dugo ng spirit beast ay iyong ikakamatay...pero iyon ay posibleng malampasan ng wala kang nararamdamang sakit...iyon ay dapat ang iinomin mong dugo ay kagaya ng sa iyong spirit partner." -doctor

"Doc, anong persyento na sigurado na iyan ay ligtas na paraan?" ang tanong ni Diane sa doctor.

"Sa ngayon ay 50℅ palang at ang magandang halimbawa ay ang mga 9 Elders of the Compass Keeper...ito ang aking teyorya kung bakit malalakas lahat ang 9 Elders."
-doctor

"Doc, interesado ako sa iyong naisip na paraan ngunit hindi ako sang-ayon sa paraan na ito lalo na ay nasa 50℅ itong paraan na ito kaya yung dalawang paraan nalang ang ating pagpilian." ang sabi ni John habang nakatingin kay Fenix.

"Sa tingin ko ay lahat kayo ay hindi sang-ayon kaya pumunta naman tayo sa ikalawang solusiyon...Fenix ang iyong spirit beast ba ay gusto mo o hindi?"
-doctor

"...opo doctor, gusto ko po ang aking naging spirit partner dahil sa unang beses ko po siya nakita ay tila ba may connection kami sa isa't isa at gayundin ay gusto ko po siya protektahan bilang aking spirit partner." ito ang sinabi ni Fenix na proud sa sarili.

Ngunit kung hindi lang siguro naka focus ang Ice Phoenix sa kaniyang pagrerestore ng kanyang nawalang kapangyarihan ay sigurado bukol ang abutin ni Fenix kapag narinig ng Ice Phoenix ang kaniyang sinabi.

"Kung iyan ang iyong nararamdaman ay dumiretso na agad tayo sa ikatlong solusiyon." ang doctor ay napangiti.

Sa pinakitang reaksiyon ng doctor napatanong si Patriarch Oz "Doc bago tayo dumiretso sa ikatlong solusiyon, ano ba ang ikalawa? Dahil batay sa aking nakitang ngiti sa iyong mukha ay sa tingin ko ay ito na ang pinaka sigurado ka na epektibong solusiyon na iyong naisip ngunit hindi ka rin sang-ayon sa solusiyon na iyon."

"Hays...tama ka po Patriarch Oz, iyon na po ang pinakasigurado ako at batay sa sinabi ng Young Master ay hindi ko na po iyon maisasagawa dahil ayoko pong masaktan ang kaniyang kalooban at sigurado rin naman po ako na hindi rin naman po kayo lahat papayag dahil iyon ang Tatoo Disattachment na kung saan ay papasuin ng mainit na bakal ang parte na kung nasaan nakatatak ang tatoo ng spirit beast ngmartial artist."
-doctor

"Mabuti naman ngayon ano naman ang ikatlo?" sabi ni John.

"Ang ikatlong paraan ay ang pinakamatiyaga ngunit masligtas na paraan...ito ay ang maghanap kayo ng kaniyang mapapangasawa kung gusto niyo talaga siyang makapagpatuloy sa kaniyang pagcucultivate."
-doctor

"Ang sinasabi mo ba Doc ay ang...YinYang Cultivation Technique? Na kung saan ay ang pagbibigay nila sa isa't-isa ng kanilang spirit power at ang tanging legal na mag-asawa lang ang tanging nakakagawa, ngunit si Fenix ay bata pa at may apat na taon pa siyang natitira para makatungtong sa hustong edad. Talaga ba na wala ng ibang paraan?" ang sabi ni Diane sa doctor. Sa totoo ay nag-aalala si Diane na kapag nagkaroon na ng asawa si Fenix ay baka hindi na siya asikasuhin ni Fenix at isa pa ay sa apat na taon ay maiistock si Fenix sa spirit power na 20 kung hihintayin pa nila na tumuntong sa hustong edad sa Fenix.

"Diane kung inaalala mo lang na baka mahuli si Fenix sa kanyang Cultivation ay huwag kang mag-alala dahil batay sa libro ng YinYang Cultivation, masmalakas ang iyong mapapangasawa masmalaking kapangyarihan ang iyong makukuha." ang sabi ni John kay Diane at dagdag pa niya, "kung nag-aalala ka naman sa mangyayari sa kinabukasan ay huwag ka mag-alala dahil si Fenix ay hindi makasarili." Sabay ngiti kay Diane at sumang-ayon si John sa ikatlong paraan.

Gayundin ang patriarch at ang lolo ni Fenix. Sabi ng lolo ni Fenix, "Sabagay mag-aasawa rin naman talaga si Fenix sa pagdating ng panahon pero masmabuting ibatay natin ang desisiyon kay Fenix."

Sa huli ay humingi si Fenix ng isang araw para mapagdesisyunan niya kung siya ba ay susunod sa plano ng kaniyang spirit partner na maghintay siya ng anim na taon o susunod siya sa YinYang Cultivation Technique na wala siyang kasiguraduhan kung maapektuhan ba o hindi ang kanyang spirit partner.

Fenix to Immortal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon