Volume 2, Chapter 12: Meeting of the Hawk Clan

65 8 0
                                    

At Fenix's Consciousness...

Napakadilim ng aking paligid ngunit ang tanging ginagawa ko lamang ay alalahanin ang nangyari sa aming mag-ina, nang inatake kami sa aming tahanan ng mga halimaw na para bang demonyo na gustong-gusto kaming patayin.

Mabuti na lamang ay may dumating na isang lalaki na hindi ko man lang napasalamatan at nakilala.

Sa kalagitnaan ng aking
pag-iisip, ako'y napatingin sa aking paligid na sobrang dilim.

Hindi ko alam ang aking gagawin sa ganitong sitwasyon kaya naman ay pinikit ko nalamang muli ang aking mga mata, hanggang sa...
.....
....
...
..
.

Bird's chirping...
At the Hawk Clan Household...

Minulat ko ang aking mga mata at napansin kong wala ako sa aming tahanan. Ako ay bumangon habang humuhikab at umiinat.Lumabas ako sa kwarto at naglakad lakad ako sa bahay upang malaman ko kung nasaan ako.

Habang naglalakad, napansin kong napakalaki pala nitong bahay at nang maalala ko muli ang nangyari sa akin at ng aking ina, ako ay hindi mapakali at nagmadali akong naglakad hanggang sa napatakbo na ako upang hanapin ang aking ina sa napakalaking bahay na ito.

Wala akong alam kung nasaan ako, kaya naman napagdesisyunan ko na buksan lahat ng pintuan na aking madaraanan.

Una, pangalawa, pangatlo ay walang mga tao ngunit sa pang-apat, hindi ko inakalang ako ay mapapahinto dahil may narinig akong mga boses ng mga matatanda na para bang nagrereklamo...

Sa kadahilanang gusto kong makinig, ako'y huminto sa harapan ng pintuan upang aking mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

Sa aking pakikinig narinig ko ang boses ng Patriarch o ang aking uncle-grandpa at kanyang sinabi ng pasigaw, "Alam kong ayaw niyo na maulit muli ang nangyare noon! Ngunit ayoko ng gawin kay Fenix ang ginawa nating maling desisyon kay John!"

"Lalo na isang napaka genius sa buong kasaysayan ang batang si Fenix sa kasaysayan ng Martial Arts!", ang narinig kong boses ay maaaring boses ni Elder Dowe Hawk.

Nang narinig ko ito, ako ay natuwa sapagkatako ay pinoprotektahan nila ako sa kanilang kung ano man ang kanilang pinag-aawaya. Pinigilan ko ang labis kong nararamdaman na tuwa sa aking sarili at muli kong dinikit ang aking pisngi sa pintuan.

Patuloy akong nakinig at napagtanto ko na ito ay pagpupulong ng aking angkan tungkol sa kung papaano nila ako poprotekthan sa kamay ng mga umatake sa akin at ng aking ina, ito ay ang mga Demon Beast.

15 minutes later...

Sa pagpupulong na ito ang naisip ng aking angkan na paraan sa pagpo-protekta sa akin habang bata pa lang ako ay ang pagpapatibay sa mga koneksyon ng aking angkan sa iba pang angkan lalo na sa mga nasa top 3 na puwesto. Ito ay ang mga Grasper Clan, Haysey Clan, at ang nasa kasalukuyang numero unong posisyon at ang founder ng Holy City ay ang Drake Clan.

Kung ang lahat ng mga angkan ay aming makakasundo, mababawasan ang magiging pasanin ng aking angkan sa pagprotekta sa akin at sa pangatlong beses na pagdikit ng aking pisngi sa pintuan,biglang may...

*Bang*

Bigla akong may narinig na malakas na paghamapas sa lamesa, narinig ko din ang malakas na boses at ito ay ang boses ng aking ama, "Ano!? Hindi ako papayag!"

Fenix to Immortal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon