Volume 2, Chapter 15: The Sealed Mizu Dragon

62 6 0
                                    

In the grounds of Fallen Rain Forest...

Sabi ng Headteacher sa aming mga estudyante, "Bago ko simulan ang inyung paghahanap ng sarili niyong spirit beast, sinasabi ko na sa inyu na kung walang spirit beast na gustong lumapit sa inyu huwag kayo mawalan ng pag-asa dahil may spirit thing pang pwede niyong pagpilian at maaari niyong maging partner!"

Nang matapos sabihin ng headteacher ang kanyang gustong sabihin ay agad niyang nilabas ang kanyang spirit thing na tungkod, ito ay kanyang itinaas at naglabas ng kapangyarihan na kulay berde na patungo sa kalangitan at bigla itong sumabog na katulad lang ng sa fireworks at lumabas ang simbolo na tungkod.

Pagkatapos magawa ng headteacher ang kaniyang ipinakita ay ganoon din ang ginawa ng mga guro, ang aking ina at ang mga iba pang may sariling spirit thing at beast. Ang ibig sabihin ng kanilang pagpapakita ng sarili nilang spirit partner ay umpisa na ng paghahanap ng mga estudyanteng nasa edad 12-13 ng kanilang sariling spirit partner.

"The event has begun!" ang sinigaw ng headteacher sa aming harapan ng napakalakas.

Marami sa aming kasamahan ay natatakot na pumasok sa Fallen Rain Forest, at ang iba ay laks loob na pumasok na hindi kasama ang kanilang maguang. Syempre iyan ang inaasahang makikita sa mga mukha ng mga batang nasa edad 12-13 na kung saan ay naguumpisa palang sila na alamin o tuklasin ang mundong kanilang ginagalawan na hindi kasama ang kanilang magulang, pero ang iba naman kagaya naming tatlo nina Jane, Junji at ako ay excited makakuha ng sarili naming spirit partner na beast kaya sabay kaming tumakbo patungo sa loob ng Fallen Rain Forest .

Lumipas ang 30 minuto...

Habang naglalakad kaming tatlo sa loob ng Fallen Rain Forest, ramdam namin ang takot at excitement ng bawat isa kaya naman dahan-dahan kami sa paglalakad para hindi agad kami makasalubong ng panganib.

Alam naming tatlo na nasa paligid lang ang aking ina, lolo ni Jane at ang tiyuhin ni Junji.

Lumipas ang ilang minuto ay may biglang lumabas sa aming harapan na isang puting daga na may kumikinang sa kanyang noo. Halos nasa isang talampakan ang laki ng puting daga at sa tingin ko ay nakatitig ang puting daga sa akin na para bang may hinahanap.

Agad naman nilabas ni Junji ang kanyang libro tungkol sa mga spirit beast at sinabi sa aming dalawa ni Jane, "Guys ngayong palang sinasabi ko sa inyu na tinatawag iyang Shadow Thief Mouse at batay dito sa libro ay nasa stage 3 na iyan. Isa pa, mahilig iyan magnakaw ng mga kumikinang na bagay at kung ito ay tumititig sa isang tao na may hawak na kumikinang na bagay, ibig sabihin ay balak nitong saktan ang may hawak ng kumikinang na bagay hanggang sa kanyang makuha ang bagay na gusto niyang makuha."

Dahil sa mga sinabi ni Junji napansin kong gusto nito makuha ang Four Elemental Necklace sapagkat ito lang naman ang kumikinang na bagay na hawak ko. Kaya naman agad kong inactivate ang berdeng kristal upang bumilis ang aking bawat kilos.

Nang muli akong tumingin sa Shadow Thief Mouse, napansin kong nakatalon na ito patungo sa akin ng mabilis.

Sumigaw si Jane na, "Fenix ilag!"

10 meters far from Fenix group...
Diane's group...


Si Diane ay kalmado lang nang biglang may lumabas sa harapan nila Fenix dahil alam niya pati na rin si Roderick at Bob na isang mababang beast lang ang Shadow Thief Mouse at umaatake lang ito kung may nakita itong kumikinang na bagay sa isang tao.

Fenix to Immortal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon