Fenix room...
Maggagabi na nang nakabalik na si Fenix sa kanyang kuwarto. Siya ay dumiretso sa kanyang higaan, umupo ng naka-cross ang kanyang dalawang paa at ipinikit niya ang kanyang mata upang pumasok sa kanyang Sea of Consciousness.
Kaya siya pumasok sa kanyang Sea of Consciousness ay para kausapin ang kanyang spirit partner na tahimik na nag cucultivate.
Nang nilapitan ni Fenix ang kanyang spirit partner ay agad namang nagsalita ang kanyang partner. "Fenix, bakit ka naririto? Na-miss mo na ba agad ako? O di naman kaya ay gusto mo ako kausapin tungkol doon?"
Nagulat si Fenix sa kanyang narinig dahil akala niya ay hindi siya naririnig at nararamdaman ng kanyang spirit partner sa kadahilanan ng pag-cucultivate nito ng tahimik.
"Sky, binigla mo naman ako! Akala ko pa naman ay hindi mo ko nararamdaman! Hmmp!"
"At kailan pa naging Sky ang aking naging pangalan?"
"Ngayon lang, bakit may pangalan ka na ba?"
"Wala pa, pero---"
"Eh kung wala pa, eh simula ngayon ang iyong pangalan ay Sky na kasing kulay ng iyong magandang katawan at dahil sa ikaw ay isang Phoenix na hari ng mga ibon sa himpapawid talagang bagay na bagay sa iyo ang pangalan na Sky!"
"Hmmp! Gusto ko ang iyong diskripsiyon ngunit ayoko tanggapin ang pangalan na Sky masyadong literal!"
"Basta Sky pa rin ang itatawag ko sa iyo sa gusto mo o sa gugustuhin mo!"
"Bahala ka!" Sabay talikod kay Fenix.
"Ah! Oo nga pala sa tingin ko naman alam mo na kung bakit ako nandito, tama ba ako?"
"Ah? Tungkol sa Yin-Yang Cultivation Technique? Isang magandang paraan yan para mas mapabilis ang aking cultivation, kaya pumapayag ako kaya alis na! Ginugulo mo lang ang aking pag-cucultivate."
"Yun lang? Wala ka ng ibang sasabihin?"
"Ah meron pa! Huwag mong isagawa ang Yin-Yang Cultivation Technique kung masmababa ang spirit power ng iyong mapapangasawa kung ayaw mong hindi ka lumampas sa spirit power na 20! At lumabas ka na sagabal ka lang dito kaya bye!" Sabay hinampas ng Ice Phoenix ang noo ni Fenix.
Sa paghampas ng Ice Phoenix sa noo ni Fenix, si Fenix ay bumalik sa kanyang kuwarto. Kaya naman ang ginawa ni Fenix ay nag cultivate ng saglit at natulog matapos niya maligo para bukas ng maaga ay masabi niya na ang kaniyang napag desisyunan.
...
Chirp...chirp...chirp...
Hawk Clan's Hall...Lahat ng mga Elder sa Hawk Clan ay pinatawag ni Patriarch Oz ng maaga sa Hawk Clan Hall kaya naman ang loob nito ay puno na ng mga bulungan na parang mga bubuyog sa ingay.
Ang mga bulong-bulungan na ito ay...ang pagsasabi ni Patriarch Oz ng isang iportanteng balita, o di naman kaya ay ang pag-amin niya sa kaniyang naging maling desisiyon niya na isama si Fenix sa paghahanap ng kanyang spirit partner sa maraming tao kaya naman gusto niyang sabihin na bababa na siya sa kanyang puwesto.
Sa pagdating ni Patriarch Oz ang lahat ay nagsipagtahimikan at tumingin sa kanilang paa bilang respeto para sa kanilang Patriarch, ngunit ang iba ay yumuko para hindi respetuhin ang kanilang patriarch kundi ay para makangiti ng lubos-lubos dahil ang tangi lang naman nilang hinihintay ay ang pagbagsak ni Patriarch Oz at ipasa ang kanyang puwesto para doon sa karapatdapat na maging patriarch, na kung saan ay sila ang karapatdapat na iyon.
Sa paglipas naman ng ilang segundo ay dumating si Fenix at ang kanyang magulang na sina Diane at John.
Sa kanilang pagdating ay nag-umpisa na ang kanilang pagpupulong.
Nagsalita ang nasa kanang bahagi ni Patriarch Oz na si Elder Dovve, "Alam ko na lahat kayong mga elder ay nagtataka kung bakit namin kayo pinatawag ng maaga sa pagpupulong na ito... Ito ay dahil sa pag-uusapan natin ang pag-aasawa ng ating young master."
Ang lahat ay nagulat sa kanilang narinig at ang gulat na kanilang ipinakita ay may halong pagtataka.
Dahil sino ba naman ang hindi magtataka na ang kanilang young master ay ikakasal sa murang edad, kaya naman ito ay malaking pagtataka na namuo sa mga pag-iisip ng mga Elder.
Ngunit may mga ilang elder na ikinatuwa ang mga ito, dahil kung ang isang pamilya ay may problema, ang kanilang anak ang kanilang magiging tagasalba ng pangalan ng kanilang pamilya.
Ibig sabihin, bilang isa sa mga elder na may anak na babae na nasa edad ng kanilang young master ay may pagkakataon na umangat sa kanilang posisyon sa kanilang angkan.
Gayundin ay mayroon din mga elder na natuwa sa kanilang narinig kahit wala silang anak na babae na kasing edad ng kanilang young master. Ito ay dahil sa pagkakataon na nilang mapagplanuhan na sirain at agawin ang posisyon ng kanilang patriarch.
Kaya naman may nagsalita sa mga elder, "Patriarch Oz ang inyong gustong iparating sa aming mga elder ay hindi ko maintindihan, maaari po bang pakisabi sa amin kung bakit niyo gustong ipakasal ang young master sa kanyang murang edad?"
"Iyan ang ating pag---" si Elder Ravven sana ang mage-explian ngunit biglang itinaas ni Patriarch Oz ang kanyang kaliwang kamay upang pahintuin siya sa pagsasalita.
Agad na nagsalita si Patriarch Oz ng biglaan matapos niya pahintuin si Elder Ravven sa pagsasalita, "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, mga elders huwag na kayo umasa pa dahil noong naipanganak so Fenix, napagdesisyunan ng kanyang magulang na sina John at Diane na i-enggage so Fenix sa isa sa prominenteng angkan. "
Ang iba ay nagulat kasabay ng lungkot dahil sa maagang engagement na pangyayari...kaya naman ang tsansang kanilang minimithi at biglang naglaho na parang bula.
Sa kabilang banda, at mas maraming natuwa sa balita na ang kanilang young master at maagang na engage sa is a sa mga prominenteng angkan.
Ngunit sa gitna ng kanilang kagalakan at kalungkutan ay di nila maiwasang maisip kung sino ba ang maswerteng young miss na makakapangasawa ng pinaka genius sa kanilang siyudad.
BINABASA MO ANG
Fenix to Immortal
FantastikThere was a man known as the greatest thief in the world. Everyone hates him, so when he was caught by the guards in a big town he was instantly charged with death. After his death, he thought it was his last chance to live but when he opened his ey...