Deep in the cliff...
Nang matapos na ang aking contract sa aking spirit partner na Ice Phoenix ay agad naman akong nakaramdam ng sobrang excitement sa aking sarili, kaya naman agad kong in-activate ang aking spirit beast.
Ang Ice Phoenix ay biglang lumitaw sa aking likod. Sa totoo lang ay hindi ko namalayan na ma tumatak sa aking likuran na simbolo ng Ice Phoenix na kung aking iisipin palang ay nakakabighani na sa aking mata.
Kaya naman agad kong tinawag ang Ice Phoenix. Ang tatoo na nasa aking likuran ay biglang lumiwanag, umalis sa aking likuran, at ang aking spirit partner ay na-activate.
Ang lahat ng mga tao na nakipag contract sa spirit beast man o spirit thing ay may sariling tatoo sa parte ng kanilang katawan na kung saan ay ang tatoo na ito ay ang pinanggagalingan ng spirit partner ng mga tao.
Ngunit sa paglabas ng Ice Phoenix laking gulat ko na nang nakita ko ito, dahil isa lang itong ordinaryong sisiw na kulay dilaw at malayo sa aking imahinasyon na isang malaking ibon.
Ang sabi ko sa aking sarili, 'Nananaginip ba ako? Hindi ganito ang itsura ng isang Legendary na Phoenix! Nako sira na ang plano koooo... Paano naaaaa!?' muli kong tinignan ang ang sisiw na nakatitig sa akin ng masama habang ako ay umiiyak sa aking nakita.
"Hays, ito ang dahilan kung bakit ko sinabi sa iyo kanina na hindi ka makakalampas sa spirit power na 20." sinasabi ito ng misteryosong boses sa aking isipan na nanggaling sa sisiw o Ice Phoenix. Dagdag pa niya sa kanyang sinabi, "Sa ngayon ay nasa stage 2 pa ako na nasa porma ng sisiw pa lang pero huwag kang mangamba sapagkat sa anim na taong hinihingi ko ay nasa stage 5 na ako na nasa porma na kasing laki ng ng isang agila."
Nang sinabi iyon ng aking spirit partner ay agad naman akong kumalma. Sa aking pag kalma ay bigla kong naisipan na tanungin ang aking spirit partner ng, "Saglit lang may gusto akong itanong sa iyo eh. Ano ang nangyare pala pagkatapos ko mamatay sa aking nakaraang buhay?"
Ang aking spirit partner ay umakyat sa aking balikat at sinabi sa akin na, "Sasabihin ko sa iyo habang ikaw ay umaakyat palabas dito sa bangin."
Ako ay napatango at sinimulan ko ang pag akyat sa pader ng walang reklamo dahil gusto ko marinig ang nangyari sa nakaraan ng mundong ito.
...
"Nang hindi ka na bumabalik sa kwebang pinagtataguan mo ng iyong kayamanan mga halos nasa Siyam na libo at Limang daan na taon na rin ang nakakalipas. Biglang may dalawang Martial Artist ang nakatuklas sa mga kayamanan mo. Ngunit, imbis na maghati silang dalawa sa kayamanan bigla naman silang nag-away dahil lang sa kanilang pagiging ganid, halos silang dalawa ay nagpatayan kaya naman nasaksihan ko lahat ng kanilang kapangyarihan. Sa kanilang pag-aaway, malaki ang nasira sa Fallen Rain Forest na dati ay Mist Mountain. Pati ang iyong kayamanan ay nadamay sa kanilang pag-aaway. Ang mga papel at ang mga artifacts na wala namang tinatagong malakas na kapangyarihan ay agad na nasira. Ngunit, marami rin natira at napadpad sa iba't-ibang direksiyon. Kagaya ko, napadpad ako rito sa malalim na bangin." kuwento ng aking spirit partner na Ice Phoenix at nagpatuloy pa siya sa kanyang pag kukuwento.
"Sa kanilang pag-aaway, ang lahat ng spirit beast ay nabulabog, pati ang napakalakas na spirit beast ay nabulabog sa kanyang teritoryo kaya naman siya ay lumabas at pinatay ang dalawang tao na nag-aaway. Hanggang sa napagdesisyunan niya na ubusin lahat ng sangkatauhan... Sa pagpapatuloy ng kanyang pagpatay sa sangkatauhan lahat ng bayan ay nasira hanggang sa may isang tao na humarap sa malakas na spirit beast. Halos anim at kalahating araw silang naglaban. Natapos lang ang kanilang paglalaban na hindi sinasadya na matuklasan ng taong iyon ang contract sa pamamagitan ng dugo. Kaya nang natuklasan ang contract sa spirit beast at walang nagawa ang malakas na spirit beast na magpasakop dahil siya ay humantong sa panghihina."
BINABASA MO ANG
Fenix to Immortal
FantasyThere was a man known as the greatest thief in the world. Everyone hates him, so when he was caught by the guards in a big town he was instantly charged with death. After his death, he thought it was his last chance to live but when he opened his ey...