Thankz po @imfafachen for the advice and plss read kung okay lang yung ginawa ko! :P
***
After the examination, our teacher let us off to go home.Pinauwi na kami ng aming mga guro nang matapos na ang aming pagsusulit.
Then the teachers was left in the arena so that those big faces on the wall can talk to them.
The students that passed the examination we're so excited to go home and sa kabilang banda, those who failed we're sad. While the others we're so excited,
Nagpaiwan ang mga guro sa arena upang sila'y kausapin ng malalaking mukha, hindi ko alam kung bakit sila nagpaiwan pero sa tingin ko, ako ang pag-uusapan nila dahil ako yung nakakuha ng pinakamataas na spirit power na umabot sa 16 sa edad ko na 12 lamang.
Ngayon, kasama ko ang aking mga kaklase na masayang-masayang naglalakad kasama ko pauwi sa kanilang mga bahay. Gayundin mas nakilala ko ng husto ang mga kaklase ko, dahil ang mga kaklase ko na hindi ko naman close ay nag pipiling na close ko silang kaibigan.
Sila naman ay kinakausap lang dahil sa naalala ko ang sinabi sa akin ng aking ama na, 'Huwag kang maging mayabang kung sa kaling ay makapasa.'
Gayundin ay napag-isip-isip ko na kaya siguro nasabi ito ng aking ama ay kanyang nasukat na agad ang aking spirit power.
Ano kaya ang spirit power ng aking ama?
...
Hanggang sa tatlo nalang kami nila Junji, Jane at ako na naglalakad.
Tuwang-tuwa na nagsalita si Junji sa harapan namin ni Jane, "Grabe di ko akalain na tatlo ang Genius sa ating henerasyon...lalo na dalawa pa yung genius sa klase natin!" sabay kumindat si Junji sa akin at kay Jane.
Si Jane ay napaiwas ng tingin kay Junji at tumingin nalang sa kanyang kaliwa habang naka-angat at namumula ang kanyang mukha.
Nang makita ko ang reaksyon ni Jane ngumiti ako dahan-dahan at sabay kong sinigaw, "Ay naku! Syempre dapat talagang tawagin kaming Genius ni Jane, kasi kami ni Jane sa klase ang nakakuha ng mataas na spirit power!" at agad kong inakbayan si Jane.
Nabigla si Jane sa ginawa kong pag akbay sa kanya at dahil doon nagalit siya at sinigawan ako, "Akala mo close tayo? Pwes,para sa akin hindi!" siya ay nagmadaling lumakad pauwe habang namumula ang kanyang mukha. Dugtong pang sinigaw ni Jane kay Fenix sa malayo, "Mayabang, pangit, at walang alam sa mundo!"
Hindi ko ba alam kung bakit ganoon ugali ni Jane sa akin, kanina lang aming silid aralan nag-uusap kami ng maayos ngayon tinakbuhan ako?
'Dahil ba sa inakbayan ko siya? Pero mga bata palang kami ah para ma-isip niya iyon... Hays ang hirap talaga makasabay sa ganitong edad lalo na kapag naranasan muna mabuhay bilang isang matanda.' ang sabi ko sa aking isipan habang umiiling.
Nilapitan ako ni Junji, inakbayan niya naman ako at sabay niyang sinabi na nakatingin kay Jane, "Ang bata-bata pa, naglalandi na...tsk-tsk-tsk, anak ba siya ng Lider ng Haysey Clan?"
"Huh? Naglalandi?" patanong kong sinabi kay Junji iyon pero sa totoo lang ay natawa ako sa sinabi niya. Pero hindi ko akalain na alam ito ni Junji.
"Ah-eh...no need mo nang malaman iyon." ang sagot sa akin ni Junji.
Napakahilig talagang magbasa ni Junji, pati ba naman yung hindi kaaya-ayang salita ay naiintindihan niya na sa mura niyang edad, siguro marami siyang libro na ganun?
BINABASA MO ANG
Fenix to Immortal
FantasíaThere was a man known as the greatest thief in the world. Everyone hates him, so when he was caught by the guards in a big town he was instantly charged with death. After his death, he thought it was his last chance to live but when he opened his ey...