The personal slave

187K 3.1K 195
                                    

4

“Sophia sigurado ka ba sa ginagawa mo? Mahirap pag silbihan si Seňorito…” kanina pa to ine-explain ni Butler Chad ang mga consequences ng pag-agree ko as personal slave nung something wrong na yun.

“Ok na po ako Butler Chad, basta i-enjoy niyo lang po ang vacation niyo.” Paalis na sila. Ihahatid sila ng mini-bus na may family crest pang naka engrave.  Dalawang linggo silang mawawala, at dalawang linggo ko rin makaka-sama ng mag-isa yung ‘amo’ ko. Nakakapang-gigil. Lalasonin ko na lang kaya.

"Aalis na po kami Miss Sophia. Salamat po.”Paalam nung isang maid. Nag wave na lang ako habang paalis ang sinasakyan nila.

Nakapang-maid uniform pa ako, color pink. Iba dun sa mga uniform nung mga maids talaga, color black and white yun eh. Nagmumukha tuloy akung cosplayer.

“So what should we do now?” lumingon ako at nakita ko na ang demonyo.

Tumingin siya sa’kin tapos nag-smirk na naman. Nang-iirita talaga to.

“B2 pagtimpla mo nga ako ng juice”  Stop calling me B2! Umalis na lang agad ako, hindi ko na siya pinansin.Nakakainis!

Nagtimpla na ako ng juice sa kusina. Ang dami kung iniisip, haluan ko kaya ng Muriatic? Pwede naman yung panglabada, o di kaya asin na lang.

Pero wag na, baka ano pa ang gawin niya sa’kin, lalo na at dalawa lang kami, may pagka-manwhore pa naman yun.

Lumabas na ako dala-dala ang juice niya. San na ba yun?

Look to the left (-_-  )

Look to the right (  -_-)

There he is.

Pupunta ba ako dun?

AYOKO KO!

Nandun siya sa pool.

Naka-*gulp* trunks lang.

Oh abs!

Wag kang lumapit Sophia!

Isa siyang manwhore!

Wala siyang puso!

Dahan-dahan na akung tumalikod. Bahala na. Magtimpla siya ng juice kung gusto niya.

Tama! Ganiyan nga Sophia,

Umalis ka na bago pa—

“Hey B2 where is my juice?” parang bumilis ang beat ng puso ko. Alam mo ba yung parang may humahabol sayo? Parang ganun.

Patay na!

Sa mukha ka titingin Sophia, wag sa kahit ano.

Lumingon ako.

Naka robe na siya, so tumingin nga ako sa kahit-ano at hindi sa mukha?

Naglakad ako papunta sa inifinity pool habang naka-yuko. Ba’t ba parang hiyang-hiya ako. Nakakainis na feeling.

Inabot ko na sa kaniya ang juice. Bahala na siya kung anung gusto niyang isipin!

Tumalikod na ako tapos naglakad paalis, pero-- Ano na naman ba?

Hinawakan niya ang braso ko tapos pinaharap niya ako sa kaniya.

Hindi pa rin ako tumingin.

“May iuutos ka ba Sir?” Sir, para kunwari mabait.

Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon