The former

134K 2.1K 29
                                    

13

A few weeks later.

“B1 ba’t ang dami naman ata ng kinukuha mo?” Nag grocery kami ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako kasama eh. Wala naman akong ginagawa.

Siya ang nagtutulak ng cart tapos siya rin yung kumukuha ng mga bibilhin. Nagiging display na lang ba talaga ako?

“Ganito kasi talaga mag grocery B2, ikaw naman kasi ba’t gusto mo pa na ikaw ang mag grocery eh sila Butler Chad naman ang gumagawa nito ” Ay oo nga pala. Ako pala ang nag pumilit na mag grocery, ang saya kaya nun. Pero eto ako, parang guard sa gilid niya.

“Ba’t ka pa kasi sumama? Diba may trabaho ka pa? At mas okay naman na nakakatulong ako sa bahay mo no, ano namang gagawin ko doon?” Sa sobrang tagal na ng stay ko sa bahay niya, ewan ko pero feeling ko isa na akong ‘palamunin’, ‘pabigat’ at ‘opportunista’.

Wala naman kasi akong maibibigay kay Ethan kundi yung pagmamahal ko. Oo na, korny na. Pero yun lang talaga, kung hindi niya pa ako nakita o nabili sa auction na yun, hindi ko na rin alam kung ano ako ngayon.

Dapat ata maghanap na lang ako ng trabaho eh.

Tama! Maghahanap ako, hindi pwedeng si Ethan lang ang nagtatrabaho, pero ano namang trabaho? Hindi ko nga natapos ang course ko, diba?

“Sophia, baby what’s wrong?” Bigla naman akong hinigit ni Ethan sa bewang. Nakakahiya, para kaming mga hormonal teenagers.

“E-ethan…lumayo ka nga sa’kin." I whispered. Naiilang ako!

Tumawa lang siya tapos lumayo ng konte.

“Ang lalim naman kasi ng iniisip mo eh, dire-diretso na lang ang paglalakad mo, baka mawala ka pa dito.” Oo nga. Nasa aisle na kami ng can goods, kahit wala naman kaming bibilhin dito.

“May iniisip lang naman, akin na nga yung listahan.” Sinubukan kong hablutin pero ang takad niya pala. Epic fail!

“B2 naman eh, ako na nga. Sumunod ka na lang sa’kin.”

“Kaya ko naman eh at ako yung babae dapat ako yung naggo-grocery, hindi ikaw. Dapat nandoon ka pa nga sa office mo, diba? Ito na lang nga ang gagawin ko Ethan. Kaya ko naman pagsilbihan ka eh, kaya ko naman." Frustrated na talaga ako sa idea na si Ethan na lang ang gumagawa ng lahat para sa’kin.

Buti na nga lang walang tao sa aisle na to, mukha na kasi kaming nag-aaway ni Ethan sa malayuan.

Hindi ako makatingin sa kaniya, ngayon ko lang narealize yung pinagsasabi ko. Ano ba namang bunganga to? Pahamak talaga, baka galit na siya, baka hindi niya na ako gusto, baka hindi niya na ako maha—

Natigil ako ng bigla niya na lang akong yakapin.

“Pwes ako hindi ko kaya Sophia. Let me do things for you, hindi mo kailangan na pagsilbihan ako, baby. Basta nandiyan ka lang, ako ang gagawa ng lahat para sayo. Just stay with me, yun lang ang gagawin mo.” he whispered.

“Ang tanga mo. Mahal kita, alam mo ba?” Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Buti na lang may Ethan ako. We make the movies jealous.

“Alam ko, eh kung tanga lang rin naman ang tawag pag minamahal ka, edi sige, tanga na." Kinikilig ako. Hindi niya pa rin ako binibitawan, magkayakap pa rin kami. Buti na lang walang bumibili ng canned goods.

---

Pauwi na kami sa bahay.

Natapos namin ang pag grocery.Pareho kaming nasa back seat ni Ethan, kasi may driver naman.

Hawak niya lang yung kamay ko. Hindi kami naguusap, hawak niya lang.

“B2?”

“Hhmm?”

“Gwapo ba ako?” Seryoso talaga siya sa tankng niya. Seryoso ang mukha eh, na parang problema pa.

“Hindi B1, ang pangit mo.” I smirked.

“Okay lang yan B2, magkaka get over ka rin sa insecurities mo” Ako? Insecure sa kaniya?

“Gusto mo ma- Jet Li Ethan?” sabay death glare ko sa kaniya.

“Ikaw talaga B2, at ini-Ethan mo na ako ngayon, natatandaan mo pa bang may kasalanan ka sa’kin? Yung sinipa mo ang alaga ko noong una kitang nakita doon sa auction?”

Oo nga pala. Pero kasalanan niya yun, kung hindi niya ako pinatulan 'di sana magkakaganoon.

“Ikaw naman kasi, gusto mo maulit? Ha?” Ako na ang matapang.

“Gusto mong mahalikan?”

“Baka hindi ka na makakapa-lahi pag sinubukan mo lang Ethan Sy!” tinusok ko pa yung ilong niya.

“Ah ganun pala Sophia De Guzman, ayaw mo na bang magka-anak?” para kaming mga bata na nagsisigawan.

“Mag-aampon na lang tayo!” Tinukso ko naman siya.

“Ayoko! Gusto ko gawa natin at dapat marami sil--”

“Ah excuse me po Seňorito, may bisita po ata kayo.” Napatigil si Ethan tapos tumingin sa labas ng sasakyan, pinahinto pala ng driver ang sasakyan. Hindi ba nag-eexpect si Ethan ng bisita ngayon? Kaninong sasakyan kaya ang naka-park sa harap ng bahay?

“Seňorito, ipapasok ko na po ba ang kotse?” tanong ulit ng driver.

Hindi pa rin umimik si Ethan, tumitingin lang siya sa sasakyan na parang nag-aalala na parang gulat. Ewan ko ba pero parang hindi ko gusto ang mangyayari.

“B1 anong problema? Sino ba yun?” tapos tumingin siya sa’kin.

Hinawakan niya ang kamay ko tapos ngumiti ng alanganin, “Tara na,” utos niya sa driver habang nakatingin pa rin sa’kin.

Tinititigan ko siya na parang nagtatanung.

"It's Bea, baby."

Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon