I'm sorry

98.8K 1.5K 85
                                    

28. I'm Sorry

5 months later

Some says, life would be easier the second time around. Ewan nga saan ko narinig yun eh, baka nga gawa-gawa lang nitong sira ulong gumagawa ng story ko. Binenta ba naman ako. Kaya eto, gulo-gulo buhay.

Limang buwan na ang nakalipas. Yep, ang tagal na rin. Marami na ang nagbago. May trabaho na ako, isang waitress sa restaurant, mataas ang sweldo kumpara sa mga restaurant sa Pilipinas. Nakapag ipon na rin ako sa limang buwan na yun.

Umalis na ako sa bahay kung saan ako pinatira ni Sheena. Este tumakas pala, sa tagal ko dun, isang beses pa lang akung tinawagan ni Sheena, ang iba pasabi na lang kay Carmina.

Oo, ang lungkot dito, tapos lagi mo na lang maiisip yung mga bagay-bagay na dapat-- ah basta!

Hindi ko na sinubukan na hagilapin pa ang mga tao sa dati kung buhay. Kung makikita ko man sila balang araw, dahil yun sa destiny, wala lang, parang kailangan lang rin siguro namin mag kita.

Pero gusto ko rin naman siya makita, si Ethan. Kumusta na kaya siya?

By now kasal na siya.

May misis ng nag-aalaga sa kaniya. Pareho silang may antas sa lipunan, kaya siguradong magiging masaya ang pamilya nila.

Si Sheena naman, hindi ko na alam ang nangyari sa kaniya. Hindi ko nga alam kung seryoso si Carmina nung sinabi niya sa'kin na may 'mental illness' daw si Sheena.

Anyway, nakatira ako ngayon sa apartment, medyo mahal ang renta pero nakakaya naman. Mag isa lang ako sa buhay, kaya ano pa bang gagastuhin ko?

Pwede na nga akung makabalik sa Pilipinas kung gugustuhin ko eh.

"Oi Sophia, ano namang tinutunganga mo diyan?" siniko naman ako ni Patty.

"Wala to,"

Oo nga pala, may nakilala rin akung mga pinay dito. Isa doon si Patty, may asawang french dito. Siya na rin ang tumulong sa'kin dito, kaya magkaibigan kami.

Ewan ko nga eh, nagbago na talaga ako simula pa nung dati.

Wala na. Iba na talaga.

"Je vais retourner aux Philippines" what? Tiningnan ko siya.

"Babalik ka sa Pilipinas?!" tanung ko. Nagsitinginan naman ang mga pranses na kasabayan namin sa tren. At oo, medyo nakaka intindi na ako ng french.

"Wag kang masyadong maingay. You know that it's rude to speak foreign language. Anyway, Oo, kailangan eh. Ikakasal ang kapatid ko." Babalik siya? Eh ano namang problema ko?

"Ah..." sabi ko lang. Hindi na dapat ako nag iisip na babalik pa.

"Oh bakit? Gusto mong sumama?"

"Uhhmm... hindi, wala naman akung babalikan dun eh." maliban na lang kung--- ano ba Sophia! Kasal na yung tao.

"Bien" sabay ngiti ni Patty. Alam niya kasi ang naging buhay ko dun. Nakwento ko sa kaniya, kaya naman ang gaan ng loob ko sa kaniya.

Author's POV

"She will be fine dad." sabi ni Ethan sa papa niya habang palabas sa isang rehab sa city.

"Akala ko okay na, I should have thought" nagkamot na lang sa ulo si Don Joaquin, hindi siya makapaniwala na all this time, hindi pala okay ang state ni Sheena. She is sick, again.

"It's okay dad," yun lang ang masasabi ni Ethan. He knows what is happening to his sister. Nangyari na rin to dati, may Schizotypal personality disorder si Sheena. Ayaw niya ng close relationship. She almost killed Bea when she found out that Ethan was getting married to her, but it was all smoothed out, luckily, hindi lumabas sa media.

She doesn't want her brother getting into relationship with others, ganun ang disorder niya. They tried getting her into rehab, pero she disapproved and they opted for home medication until such time na parang naging okay na siya. But then not until 2 months ago.

Nakausap niya si Tristan via phone.

Hindi pa naniwala si Ethan dahil nga si Tristan ang kausap niya, and he believed that Sophia and Tristan is having an affair. Pero lahat nagbago nang magsumbong na rin ang mga PSG ni Sheena.

"I'm sorry son, hindi na dapat umabot sa ganito." napatahimik lang si Ethan. He knows that his dad was referring to Sophia.

Nahihirapan na kasi siyang hanapin si Sophia, the French embassy won't give permission to look for her.

Kaya mano-mano nilang hianahanap. Hindi tulad ng dati ng mahanap ni Ethan si Sophia sa isang auction house.

"I'--I'm going dad. I'm going home." he sighed.

Yes, he is lonely. Nabibwisit siya sa pagiging tanga niya, pero wala na siyang magagawa.

He should be damned sa mga nagawa niya, sa pagpapaniwala niya.

Pumasok na siya sa sasakyan niya, pero tulala lang na nakatingin sa karsada.

"Ang laki mong tanga Ethan!" sigaw niya sabay suntok sa manubela.

Naiinis siya. Naiinis siya sa katangahan niya, sa kabobohan niya. Sa kapatid niya. Sa lahat!

Pero wala naman siyang magawa.

"You don't know how much I miss you. I'm sorry B2."


Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon