Love

103K 1.4K 50
                                    

36. Love

Minsan sa pag-ibig, nakakainip mag hintay.

Mag hintay ng matagal na panahon.

Mag hintay para sa tamang oras.

Pero sa tagal ng panahon naming hindi nagkita, naisip ko, hindi lang man niya ba naisip na nakakainip maghintay sa taong alam niya namang walang kasiguraduhang babalik?

Sa sobrang bilis ng pangyayari, akala ko panaginip.

Mas okay pa ata kung panaginip na lang siya, kasi mas makakapgisip pa ako kung ano dapat ang gagawin ko.

Si Ethan.

Siya nga mismo.

"Maam Sophia, hindi niyo po talaga lubos maisip kung gaano ako kasayang makita kayo uli." bati sakin ni Butler Chad pagpasok pa lang namin sa bahay ni Ethan.

Niyakap ko na lang agad si Butler Chad para makabitaw na rin sa kamay ni Ethan.

"Masaya rin po akung makita ka Butler Chad." sabay ngiti ko.

Napansin ko namang sumilip siya kay Ethan na parang nagtatakang nagulat, dahil na rin siguro na basta-basta na lang kaming sumulpot sa ganitong oras ng gabi.

Nagulat siguro siya, nagulat na magkasama kami.

Ganito kasi yun:

Nung hinili niya ako, hindi na ako nakapagsalita.

Basta ang alam ko na lang nakasakay na ako sa kotse niya at papunta sa bahay niya, kaya eto ako ngayon.

"Well, well..." ngumiti na lang si Butler Chad para maalis ang awkward silence, "...kumain na po ba kayo maam? Magpapahanda po ba ako?" umiling lang ako, dahil wala naman talaga akung balak na magtagal, lalo pang hindi ko pa alam ang gagawin ko.

"Señorito?" silip niya kay Ethan na nasa likod ko lang.

"Please prepare our dinner." yung tunog ng boses niya, parang nagtayuan na lang agad ang balahibo sa likod ko

Ang tagal ko na ring hindi narinig ang boses niya sa malapitan.

Wala lang naman, ganun talaga siguro.

Basta-basta na lang umalis si Butler Chad at naiwan na lang kami ni Ethan sa sala.

Anong gagawin ko?

Lilingon ako?

Anung oras ba ako makakauwi?

Oo, gusto ko siyang maka-usap, pero wag ngayon.

Hindi ko pa talaga alam ang sasabihin ko, nawala na ata sa isip ko ang lahat.

"Sophia?" para na naman akung nanlamig.

"Hm?" tapos dahan-dahan kung lingon, parang tanga talaga akung nagslow-mo.

"I miss you." hindi ko naiwasang makipag-titigan sa kaniya. Para na naman akung hinigop ng kung ano. Sophia!

Umiwas na agad ako ng tingin.

"I...I need to go Ethan," napaka-duwag ko talaga.

"Wag muna..." parang ito na naman ang unang beses na narinig ko ang boses niyang maamo. Yung tipong parang batang nagmamaka-awa, and I didn't even dare to look at him. "...please?"

Hindi ko namalayan na lumapit na pala siya sakin, kinabahan ako bigla na hawakan niya ang pisngi ko tapos tinaas, nakatingin na ako sakaniya.

Parang sasabog na ako.

Hindi ko alam kung namumula na ba ako, kung maiihi ba ako.

Shit!

Bwisit!

Parang may butterflies na naman ang tiyan ko.

"Stay Sophia, please?" kitang-kita ko sa mata niya ang...basta! Hindi ko maexplain okay? Hindi ako makapag-concentrate!

Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko!

Lord!

Anung gagawin ko....feeling ko...

Dahan-dahang lumapit ang mukha niya, tapos... "I really have to go..." parang impulse lang. Umatras ako, tapos tumakbo sa labas. As in takbo. Takbo na parang hinahabol ng aso.

Lumabas ako sa gate ng bahay nila, takbo pa rin ako ng takbo. Sa takot ko lang na baka pag lingon ko, andiyan siya, si Ethan.

Pagod na pagod na ako, pero takbo pa rin ako ng takbo. Nilampasan ko ang mga ilaw sa daan. Tahimik na ang lahat, tulog na siguro sa kani-kanilang bahay, pero eto ako, tumatakbo na parang tanga.

Ang layo ko na sa bahay nila, kaya tumigil na lang ako.

"AAAAAAAHHHH!!!!!!" sa sobrang halong emosyon na nararamdaman ko, sigaw lang ang kaya kung gawin.

Napaka-stupid ko!

Andun na ako sa bahay niya!

Pero naduduwag ako eh!

Naiinis ako!

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

Naupo na lang ako sa gilid ng daan at alam ko, sa bawat sasakyang dumadaan, pinagtitinginan ako. Ang babaeng naghihingalo na parang baliw sa gilid ng daan, na kulang na lang damputin ako dito.

Ang tanga ko naman kasi!

Siguro plano lang ng papa ni Ethan na dinner yung pupuntahan ko, with the fact na parang hindi naman talaga!

Lintik na!

Shit!

Ang sarap sumabog!

"Sophia" ang bilis kung napalingon sa takot ko lang na baka may rapist dito, gabi na rin kasi.

"Anung ginagawa mo dito? Leave me alone." tumayo na agad ako, tapos nagalakad paalis.

"Sophia..." sabay hawak niya sa braso ko.

Iiyak na ako.

"Ano ba Ethan! Ano bang kailangan mo?!" naiyak na lang ako sa sobrang inis. Naaawa na ako sa sarili ko, feeling ko ang tapang-tapang ko naman pag wala siya, parang ang dami kung gustong isumbat, pero ngayong nasa harap ko na siya....hindi ko na alam.

"Ano ba Ethan! Tigilan mo na ako!" inaalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Please don't leave me, not now. Not again. Never."

Napaiyak na lang ako lalo.

Naramdaman ko na lang ang init ng katawan niya, niyayakap niya ako na parang...

"Bitawan mo ako!" sabay tulak ko sa kaniya. Pinunasan ko agad ang luha ko... "...Ethan tama na! Hindi na tayo pwede, may mahal ka na! Kaya ko na ang sarili ko...tama na...hindi ko na alam ang sasabihin ko sayo pag kaharap kita! Utang na loob naman! Wag na nating saktan ang isa't isa!"

Napa hugulgol sa lang ako sa sobrang inis.

Naiinis na naman ako sa sarili ko.

"Sophia, please..." naramdaman ko siyang lumapit.

"Ethan! Hindi na tayo pwede...mas okay na rin siguro na umiwas tayo sa isa't-isa..." sabay tulo ng luha ko, nakatayo lang siya sa harap ko. Tinalikuran ko na siya at naglakad paalis.

"Sophia do you still love me?"

Napatigil ako.

Love? Pesteng pag-ibig yan, kaya nagkakagulo ang mga tao eh!

Naglakad na naman ako, pero tumutulo pa rin ang luha ko, at alam ko sa pag tulog, ganito pa rin ako, pero nakaya ko naman dati diba? Eto lang yung tinatawag na ultimatum.

"Sophia!"

Tumigil ulit ako at lumingon.

"Tang ina Ethan ! Hindi ko alam! Walang mangyayari sating maganda!" tumakbo na ulit ako.

Mas mabuti pa sigurong mamatay na lang ako sa pagod. Mas tahimik. Mas okay.


Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon