Change of plan

125K 2.4K 124
                                    

11

Kahit na ang tapang-tapang ko, sa ngayon natatakot talaga ako. Ewan ko kung bakit pumayag pa ako na makipag kita sa papa ni Ethan. Oo, nasa coffee shop kami kasi tinawagan niya ako kanina lang na magkita daw kami. Hindi ko na sinabi kay Ethan kasi baka magkagulo pa. Kahit ano namang mapag-usapan namin ng Papa ni Ethan, handa ko siyang ipaglaban.

"Ano nga bang full name mo hija?" Halos hindi pa ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"Aahh...Sophia De Guzman po."

Ano na bang sasabihin niya? Kinakabahan naman ako.

"I now understand why Ethan is willing to fight for you."

"Po?"

Hinalo-halo niya yung kape niya tapos ngumiti. Marunong pala siyang ngumiti?

"Kasing tapang mo ang mama niya. I remember Cassey, my wife. Nasapak ko rin ang tatay ko noon nung pinaglalayo niya kami.."

Speechless.

"...I know you can take care of my son. He is capable to take care of you. Sabihan mo lang ako pag mag loko.."

I don't know what to say. Is this his blessing? Pasado na ba ako?

"S-salamat po..."

"Mahal mo nga ang anak ko, naiiyak ka na diyan hija." Umiiyak ako? Hinawakan ko ang mukha ko, umiiyak nga ako.

Ang saya lang.

"B2 punasan mo nga ang luha mo, wag kang mukhang kawawa sa harap ng Papa ko." Lumingon ako.

Si Ethan? I almost jumped up para lang yakapin siya.

Akalain mo nga naman, andito siya.

"I told you so." He whispered. HIndi ko maexpalin ang nararamdaman ng puso ko, parang nag flip na.

I heard someone cleared his thorat. Andiyan pa pala ang papa niya. Bumitaw naman agad ako, para akong ewan. Nakahawak pa si Ethan sa bewang ko.

Tumayo ang papa niya at kinuha ang brief case, "Oh pano? Sophia darling, aalis na ako. Have dinner at my house." Dinner? He is inviting me for dinner? It wasn't an invite Sophia. It was an order.

Tumango lang ako na parang loser habang ngumingiti na talaga ang papa niya. Amazing! Ano kayang nangyari dun? Parang kahapon lang nung halos ipakain niya sa'kin ang cheque niya.

"Oi B2" tumingin ako kay Ethan.Nakahawak pa rin siya sa'kin, "Gawa na tayo ng baby."

Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon