New Life

100K 1.4K 53
                                    

27. New Life

Sophia's POV

Paglapag pa lang ng eroplano sa ORLY, ang international airport ng Paris, parang na jet lag na ako sa sobrang tagal ng byahe. Sumakit na ang pwet ko sa kaka-upo.

Ang daming tao, at ang weird part, hindi pa Pilipino.

Nakita ko na agad ang pangalan ko sa mga naghihintay ng mga pasahero.

Yun na siguro yung sinasabi ni Sheena na Carmina na magsusundo sa'kin.Nilapitan ko na siya agad, teka, paano ko ba to kakusapin? Tagalog ba o English? Baka ng French pa to eh.

"Uhhmm..Hi?" -_-

"Bonjour mademoiselle! Are you Sophia?" tinanung niya ako with heavy french accent. Nose bleed.

"Ah yes, are you Carmina?" English....english....

"Yes, my name is Carmina. Come now madam, I am going to get you to your house." sumunod na lang ako sa kaniya. Ang lamig pala dito sa Paris, tapos ang daming tao, parang walang paki-alamanan lang, kasi pag dadaan ka, hindi ka pagtitinginan ng mga tao, di tulad sa Pilipinas.

Si Ethan.

Kamusta na kaya siya?

Malapit na ang kasal niya.

Tatawagan niya kaya ako?

Ano ba! Sophia! Akala ko ba kakalimutan mo na siya?

Sumakay na kami sa sasakyan. Ang gara din nitong kotse, parang tulad nung nakikita ko sa bahay ni Ethan.

Oh. Ayan ka na naman sa kaka Ethan mo.

Hindi ako kinakausap ni Carmina, hindi ko rin naman siya kinakausap kasi baka maubusan pa ako ng english.

Pero mukhang masaya dito, maraming opportunity, maraming pagkakataon na magbagong buhay.

Pero ito ba talaga ang gusto ko? Yung iwan si Ethan at lahat na?

Bumitaw naman siya diba?

Paano ba naman kasi kami napunta sa ganitong sitwayson?

"Mademoiselle, we are arriving at your house in 5 minutes, do you have any personal request before we arrive?" kahit english na parang french pa rin siya magsalita.

Request?

Pwede bang tawagan na lang si Ethan?

Ano ba Sophia! Akala ko ba new life! Stop acting like a retard!

"Ah, nothing." wala! Wala akung request! Magiging Sophia ako tulad ng dati. Pinalambot lang ako ng pag-ibig tapos ganito na agd? Pesteng pag-ibig to, malas!

Hindi na ako kailangan ni Ethan, so bakit ko pa siya kailangan?

Mabubuhay ako ng wala siya.

Kaya ko 'to!

Kaya ko!

"Mademoiselle?" napatingin ako kay Carmina, tumingin ako sa tinuturo niya.

Ano yan?

"That is the Eiffel tower." wow.

Sana nakikita mo rin ang mga nakikita ko Ethan. Sana magkasama tayong nakikita yan.

Namimiss na kita.

"Are you crying madam?"

Pinahid ko ang luha ko, umiiyak na pala ako. Pft-- weak!

---

Mayamaya pa, nakarating na kami sa isang building. Tapos bumaba na si Carmina mula sa front seat at pinagbuksan ako. Weird nga eh, yung babae pa ang nagbubukas.

Pwede naman yung driver.

"Follow me madam." sumunod naman ako papasok sa building, pag pasok. Para siyang hotel. Tapos ang ganda ng lobby, kahit siguro Shangri-la Hotel, taob dito eh.

Sumakay kami ng elevator.

Ang weird pa ng music habang sumasakay kami.

"If you don't mind my asking madam, how are you related to Señorita Sheena?" Ang weird din ng babaeng to, yung first wrods niya maliban sa Señorita Sheena, parang french tapos yung name na ni Sheena parang Spanish na.

Teka. Ano bang sasabihin ko? Na girlfriend, I mean former girlfriend ako ng Kuya ni Sheena?

Hindi...walang dapat makaalam kasi kung alam niya naman di na siya magtatanung eh.

"I am a friend."

Magtatanung pa ata pero bigla ng bumukas ang pinto ng elevator.

"Oh okay Madam. Follow me." nagalakad na naman kami sa mahabang hallway.

Hanggang sa mapad-pad kami sa pinto, number 843.

"This is your unit mademoiselle, I shall leave you here. If you need anything in the city or anything, this is my number..." binigay niya sa'kin ang calling card niya, "...and don't hesitate madam, I am paid to do so. Please feel at home." ngiti niya sa'kin. Yung sinabi niya parang robot lang na naka program.

"Uhm...Carmina, will you stay for a bit?" pllleeassee.... Ayoko pang mapag-isa dito.

"Ahh..Sure madam, I guess." tapos pumasok na kami sa loob. Parang condo lang.

Si Carmina na mismo ang nagtimpla ng kape, tapos dun kami sa terrace na kitang-kita ang view ng city. Ang ganda talaga, sana kasama ko si--

"Mademoiselle can I ask you again?" parang sira lang. Nagtatanung na nga eh.

"What is it?" naks! Ume-english na.

"How is Señorito Sheena?" namiss na ata ang amo.

"She's fine."

Hanggang dun lang ang kaya ng english ko.

"Is she still seeking medication?"

Halos mabuga ko na ang kape ko.

May sakit si Sheena?

"What do you mean? Is she sick?" tanung ko.

Imposible! Parang okay naman yun, at model yun no, sa ganda nun hindi naman halatang may sakit.

"Oh sorry madam, I guess you do not know." Ano ba yun? Suspense naman to oh.

"Does she have cancer?" tanung ko ulit.

"Oh no madam." iling niya.

"Then what is it?" nacu-curious talaga ako.

Ano ba yun?

"Señorita Sheena has this kind of mental illness. I can't remember what it is, but I guess she's doing fine, the last time we talked was when she was telling me to take care of you. She's fine, I guess unlike the past year when she almost killed Miss Bea, her Kuya's fiance."

Sheena's POV

"Bakit mo siya hahanapin sa'kin? Hindi ako hanapan ng nawawalang aso!" I yelled at him.

Gosh! Hindi ko naalala na meron palang Tristan na umaaligid nsa buhay ni Sophia. Pesteng babae yun, nasobrahan sa landi ang dami ng lalaki.

"We both know na ikaw ang nagtatago kay Sophia, now tell me where is she?!"

"I don't know!" I yelled again. He is annoying me! Kailangan kung matago si Sophia ng mabuti, pati na rin sa kumag na to.

"Fine then. Maybe Ethan wants to hear what I know." what?! Shit! tama, may alam pala siya tungkol sa mga nangyayari, Sophia was living with this man for weeks!

Paanong hindi niya malalaman?

"Don't you start blackmailing me Cartaleja!" then I end the call. That asshole!

Ilang araw ng hindi pumapasok si Kuya sa trabaho, he needs to start working again!


Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon