Playing dishonesty

122K 1.7K 22
                                    

16. Playing Dishonesty

"Ang sama ko na ba?"

"Miss Sophia, kailangan mo lang po sigurong mas maging open kay Señorito."Sabi ni Butler Chad sa'kin.

Nakakahiya mang aminin pero siya lang talaga ang nakakausap ko, ang iba kasing kasambahay dito ayaw naman akong kausapin. Sabi ni Butler Chad, baka natatakot daw sila kay Ethan. Ewan ba dito sa amo-and-katulong-relationship nila, ang gulo.

Sinabi ko kay Butler Chad na nakahanap ako ng trabaho, pero 'di ko sinabi kung kanino.

"Eh baka magalit po." Sa lahat ba naman ng ginawa ng Diyos, ba't feeling ko ang laki ng problema ko kahit hindi naman. Kailangan ko lang naman mag sabi ng totoo eh. Ganun na ba kahirap yun?

"Pero at least, sinabi mo sa kaniya."

"Sinabi ang alin?"

Si Ethan.

Tumayo kaming dalawa ni Butler Chad at tiningnan siya, ewan ba't parang feeling ko parang nahuli akong may ginawang masama.

Nginitian ko lang siya tapos lumapit sa'min. Anong gagawin ko?

"Aaahhh...Sabi niya po mahal ka niya, napaka-sweet naman po pala ni Miss Sophia eh." Akala ko ba sabihin daw ang totoo? Ito namang si Butler Chad, pero buti na lang kasi di ko rin alam ang sasabihin ko.

Umalis na agad si Butler Chad, naiwan na lang kami ni Ethan sa terrace.

Anong gagawin ko? Act normal!

"B2 sabihin mo na sa'kin, ayokong malamn ko pa sa iba." A-ano daw?

"H-ha?"

Feeling ko, alam niya.

"Nararamdaman kong may tinatago ka sa'kin." Parang may pagka-ed--

"Oh alam ko na ang iniisip mo, I can't read minds baby, I'm not that Cullen guy from Narnia." Narnia. Pft.

"B1...Twilight siya, hindi Narnia." nagtawanan na lang kami, kahit alam ko namang ang awkward.

"Yeah, whatever." He smirked. Bakit nakayakap pa rin siya?

"Aalis ka na?" Inalis ko na lang yung kamay ko sa bewang niya tapos inayos yung necktie niya. Nakatunaw pag tinitingnan niya ako.

"Actually, I was thinking if you want to come with me in my office." Hinawakan niya yung dalawang pisngi ko and then kissed me. I started kissing him back, like longing for something.

"Easy babe." He said na parang natatawa pa when I pulled away.

"Sorry." Parang namumula na naman ako sa kahihiyan.

"I love you." Ilang beses niya pa lang akong sinasabihan niyan pero tagos.

"I love you more." I said and kissed him again. Parang nagiging addict na ako sa halik niya.

I pulled away then he looked me in the eyes, tingin pa lang natutunaw na ako.

He hugged me, tapos huminga siya ng malalim. Something is bothering him. Kasalanan ko naman.

---

I managed to survive that 'incident'. Ewan kung paano, pero parang nakalimutan na rin niya.

Hindi na ako sumama sa work niya, kasi nga diba, I have to 'work' din. Pumayag naman siya, kaya lang nagi-guilty ako sa ginagawa ko.

Medyo nakakaramdam na siya.

Sabihin ko na kaya?

"Oh ang lalim ata ng iniisip mo?" Napatingin ako kay Tristan na nag-aayos ng mga papeles sa table niya. Nasa loob lang kasi ng office niya ang table ko.

Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon